CAPITULÒ 43

679 25 9
                                    

Nakatayo lang ako dito sa labas habang ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Nakalimutan ko na nakasampay pala ang pang-itaas na damit ni Rhavene kagabi. Hindi parin ako natinag at nakatulala lang sa eri.

"Ghufelina", may biglang humawak sa balikat ko at si Nenita iyon. Ngayon ay alalang-alala siya sa akin. Bakas sa mukha niya ang pag-alala.

Bigla naman kaming napalingon ng nakita namin si Donya Kalosera na may dala dalang latigo at si Gracia na sunod ng sunod sa kaniya. Napalunok nalang ako sa nipis ng latigong iyon.

"Talikod!", sigaw ni Donya Kalosera dahilan para manginginig ako sa takot.

"Ina!, hindi pa natin alam kung ano ang katotohanan, makinig ka muna sa paliwanag ni Ghufelina", pagmamakaawang sabi ni Nenita at lumuhod pa ito sa harap ng kaniyang Ina. Mas lalo lang nagalit ang kaniyang Ina at malakas na inihampas sa sahig ang latigo.

"Huwag kang makialam Nenita!", sigaw sa kaniyang Ina at tinulak niya si Nenita dahilan para matumba ang kaniyang anak.

"Nenita!!", sigaw ko sa pangalan niya at nilapitan ko siya. Di naman siya nakasagot at tinignan niya lang ako.

"Ina, parusahan mo na si Ghufelina. Nagsasayang ka lang ng oras", naiinip na tugon ni Gracia at tinignan niya ako ng masama. Hindi ko alam kung bakit ang laki ng galit sa akin ni Gracia.

"Parusahan niyo na ako", tugon ko sa kanila at napangiti naman ng nakakaloko si Gracia at si Nenita naman ay parang nagtataka at di makapaniwala sa sinabi ko ngayon. Buong tapang kong tatanggapin ang lahat ng sakit na mararanasan ko ngayon. Tumalikod naman ako para tanggapin ang bawat pagpalo ng latigo sa likod ko. Malakas na ipinalo sa likod ko ang latigo at sa unang pagpalo nito ay naramdaman ko na ang hapdi sa likod ko at parang nawalan ako ng lakas sa bawat palo. Parang napaginipan ko na ito...

Bigla naman nanghina ang mga paa ko at nawalan ako ng lakas dahilan para mapaupo ako sa sahig. Naiiyak na rin ako sa hapdi ng nararamdaman ko ngayon sa likod ko.

"Veintiocho ( twenty eight! )", sigaw ni Gracia habang pinapalo ako ng Ina niya. Ibinilang nila ang bawat pagpalo sa likod ko. Si Nenita naman ay walang magawa at umiiyak lang habang nakatingin sa akin.

"Veintinueve ( twenty nine!)", sigaw na naman ni Gracia at kinagat ko naman ang pang ibaba kong labi para pigilan ang sigaw na pilit kumawala sa mga labi ko. Pati ang mga luha ko ay di na maawat sa sakit ng nararamdaman ko ngayon at ang hapdi pa nito.

"¡Detener! ( Stop! )", sigaw sa pamilyar na boses na iyon dahilan para mapatigil sa pagpalo si Donya Kalosera at gulat na gulat pa itong nakatingin sa nagsasalita.

"P-prinsipe Rhavene, anong ginagawa mo dito?", nauutal na tanong ni Donya Kalosera at di naman makasalita si Gracia pati na rin si Nenita na gulat na gulat rin sa pagsulpot ni Rhavene. Nang mabanggit ang pangalan niya ay agad akong napalingon at nakatingin lang ito sa akin. Nanghihina na ako... Pansin ko lang na may namumuong luha na rin sa mga Mata ngayon ni Rhavene. Inalis ko naman ang tingin niya at ipinikit ang mga mata ko.

"Pakawalan niyo siya", seryosong tugon ni Rhavene at medyo nakakatakot ang kaniyang pananalita ngayon. Tinignan ko naman si Donya Kalosera na nakakunot noo na ang mga ito.

"Ngunit Prinsipe, ibinenta ang babaeng iyan sa amin ni Haring Gregorio kaya pagmamay-ari na namin siya at lahat ng gustong gawin namin sa kaniya ay masusunod", sagot ni Donya Kalosera sa kaniya at ngumiti pa ito sa Prinsipe.

"Paumanhin, ngunit gusto kong itanong sa iyo Prinsipe kung bakit ka nandito", sabi ni Gracia at bakas sa kaniyang mukhang ang pagtataka.

Hindi naman siya pinansin ni Rhavene at nakatingin lang ito Kay Donya Kalosera.

Amore Infinito | Completed |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon