CAPITULÒ 21

830 29 4
                                    

Si mahinhin girl? Pero baka kamukha lang niya si mahinhin girl. Nakatulala parin ako sa kaniya.

"Mahal kong Prinsesa, napatulala ka ata sa kagandahan ko" sabi niya pa at nakangisi pa ito. Luhhh, may mahangin na pala sa panahong ito.

"Nagbibiro kaba Helaria?" Sarkastikong tanong ni Lydia at siniko naman siya ni Lola Armenia siya.

"Ang laki naman ng galit mo sa akin Lydia" Sabi niya pa at bago pa makasalita si Lydia ay tinalikuran na siya neto. Napasinghal naman si Lola Armenia at parang ang lungkot pa niya.

"Huwag muna patulan Lydia" malumay na sabi ni Lola Armenia at simulan na nilang mag trabaho. Oo nga pala dadalhin ko pa ang adobong baboy na ginawa ko. Agad ko naman iyon sa hipag kainan at lahat sila ay nakangiti sa akin.

Kinabahan na naman ako ng inilapag ko ang adobong baboy baka mag-iba ang lasa at di nila magustuhan ito. Kasi naiwan ko ito kanina eh! OMG!!!

"Nandito na ang luto ng ating minamahal na Prinsesa" nakangiting Sabi ni Ina at lahat sila ay nakangiti maliban Kay Leonardo at Rhavene na parang binigyan ako ni Rhavene ng talaga-alam-mo-magluto look parang nag dadalawang isip pang kumain at si Leonardo naman ay binigyan ako ng weh-baka-mahilo-ako-dito look.

Edi wag silang kumain mga ugok! Binelatan ko naman silang dalawa. Agad naman silang kumuha sa adobong baboy ko pero mas Lalo akong kinabahan ng Makita ko ang mga reaksiyon nila na nakangiti kaniha pero napalitan ito ng parang di nila nagustuhan ang lasa pati ang Ina at Ama ko ay nanibago at napasuka pa siya. Hala ka! Celestineeeee T__T

"Anong nangyari sa luto mo anak? May sakit ka ba?" Nag-alalang tanong ni Ina at napayuko nalang ako dahil sa kahihiyan. Pati ang Pamilyang Antonio at Fregroso ay isinintabi ang luto ko.

"Ayos lang Yan, Ito ba yung kinaunahang pagluto niya?" tanong ng Hari ng Fregroso. Weather weather lang kasi ang pag luluto ko. Bakit ko ba kasi iyon iniwan kanina (T_T).

Itinapon nila itong lahat pero may isang tao na patuloy na kinakain ito at si Rhavene iyon.

"Anak, itapon mo na iyan baka magkakasakit ka pa kapag pinapatuloy mo ang pagkain niyan" Sabi ng Ina niya at nag-alala sa kaniya. Nag-alala naman ako sa kaniya dahil baka sumakit tiyan na.

"Ano bang problema sa luto ni Prinsesa? Ang sarap nga eh" masaya niyang sabi at nagulat kaming lahat sa kaniya. Pati na rin si Leonardo.

"Magkakasakit ka niyan Prinsipe, wag mong pilitin Alam ko na nagpapanggap ka Lang na nasasarapan ka" diretso na sabi ni Leonardo at sinuway naman siya ng kaniyang Ina pero walang pakialam si Rhavene at patuloy itong kinakain. Di naman siya nagpapapigil hanggang naubos na niya ito. Pansin ko lang na namumula ang kaniyang mukha pero isa walang bahala lang niya ito. Na dissapoint naman ako sa sarili ko kasi naging palya ang pagluluto ko sa harap ng Hari at Reyna. Napayuko nalang ako at umalis sa hipag kainan at pumunta sa hardin. Naawa din ako ni Rhavene kasi patuloy parin niya iyon kinakain kahit di naman masarap.

Napabuntong hininga nalang ako at tinatanaw ang mga tanim at bulaklak Doon. Ang daming bulaklak dito sa palasyo at napapaligiran ito ng bulaklak. Nagmumuni muni ako dito ng biglang may humawak sa balikat ko at napatingin naman ako kung Sino.

Si Rhavene...

"Masarap naman ang luto mo kaso iba Lang talaga ang panlasa nila"nakangiting sabi ni Rhavene sa akin at umupo sa tabi ko.

Amore Infinito | Completed |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon