Ghufelina's P.O.V
Argg! Sakit ng ulo ko, parang na stiffed ang leeg ko. Sheety shets! Oo nga pala! Di ako nakatulog sa kama kasi ginawan ko ng regalo ang paasa na Prinsipe na yun hmp!
"Magandang magandang magandang umaga! Binibini!", Sigaw ni Lydia. Wahhh! Parang na heart attack ako bwiset Kahit kailan ang laki ng bunganga niya. Takpan ko kaya yan ng scotch tape. Tsk!
"Oh bakit? Nagulat kaba Kasi ang ganda ko sa araw ngayon? Hays kulang nalang ako ng Ginoo!", Sabi niya at nag rolled eyes naman ako. Kahit kailan ang daldal at landi ng babaeng ito!
Lumapit siyang nakangiti at sumasayaw pa, ba't ba ang hyper niya ngayon? Anong meron?. Napatigil naman siya at humawak sa bibig niya
"Anong nangyari sa mga Mata mo? May sakit ka ba?" tanong niya tapos napatingin naman siya sa ginagawa ko. Nakita niya ang pangalang Rhavene at napangiti naman siya.
"Naku! Sinakripisyo ang pagtulog para lang sa kasintahan ay ses!", Sabi naman niya at nakapoker face lang ako sa kaniya. Ang daldal kasi!
"Paki balot ito Lydia. Matutulog na ako" sabi ko sa kaniya at agad agad napatalon sa kama.
"Hoy! Nandito ako ngayon para ibigay sayo ang liham" , Sabi niya pa at tinignan ko naman iyon. Galing kay Leonardo at makipagkita daw siya sa kin dahil may gusto siyang sabihin.
Di ko alam pero parang gusto kong pumunta. Kesa manatili dito sa bahay na ang ingay ingay ni Lydia, di Lang ako makatulog.
"Aalis muna ako Lydia" , Sabi ko sa kaniya at milagro naman dahil Hindi na siya nagtanong sa akin. Naligo na ako at nang hilamos ng mukha. Inayusan naman ako ni Lydia at ayun maganda na ako ulit. Ay este! ni Glezerina/Ghufelina pala kambal naman sila eh hehe.
Agad akong tumakbo palabas ng palasyo. Bahala na kung Wala akong kain. Hihingi Lang ako kay Leonardo hehe.
Agad akong pumunta sa likod ng palasyo at lumabas sa secret passage way. Nakita ko Doon si Leonardo na nakasuot ng sumbrero at nakasandal sa pader.
"Woi!" Pagulat kong tawag sa kaniya. Natinag naman siya at napatingin sa akin.
"Nandito ka na pala, halika na" aya niya sa kin at pinasuot niya ako ng malong para daw di Makita ang mukha ko.
"Ano ba ang gusto mong sabihin sa akin" , tanong ko sa kaniya habang naglalakad kami patungong Kalesa niya.
"Basta, may ipapakita ako sa yo" nakangiti niyang sabi at napatango naman ako sa kaniya. Pansin ko lang na ito yung kutsero na palaging tagapaghatid at tagapagsundo ni Leonardo .
Habang sumakay kami sa kalesa. Ang daming masasayang Pilipino na naglalakad dito. Nakasuot sila ng baro't saya pero sa tuwing dadaan ang kalesa namin ay mapawi ang mga ngiti nila at yuyuko bilang pagbati ni Prinsipe Leonardo. Parang gusto ko itulak palabas ng Kalesa si Leonardo kasi feel na feel niya talaga ang pagiging Prinsipe.
Ayan tuloy natatakot sa kaniya mga kababayan ko. Okay Lang yan guys! Soon makalaya na kayo.
"Minsan nalulungkot ako sa tuwing dadaan ako ay matakot sila parang halimaw ang tingin nila sa akin" , malungkot niyang kwento niya sa akin. OMG Celestine! Nalulungkot Yung tao! Hanap ka ng way.
"Hindi ka naman parang halimaw eh! Sadyang takot lang sila sa'yo dahil akala nila masama kang tao" , nakangiti kong sabi sa kaniya at napangiti rin siya sakin.
BINABASA MO ANG
Amore Infinito | Completed |
Historical Fiction(A love story behind Philippine History) I'm Celestine Alfaro, 18 years of age I love books ,I hate boys and I'm NBSB dahil daw sa aking mala maldita kong katangian. I'm a big dissapointment to my dad. But One day, nagbago ang buhay ko nung ako ang...
