CAPITULÒ 5

1.9K 67 9
                                        

Nakatulala pa rin ako dito. Arg! 'wag ka muna mag isip sa kaniya Celestine. Hanapin mo muna si Nanay Luciana. Gosh! Masyado akong na distract. Ito na ba yung sinasabi nila? Ang dali ko lang ma distract. Ba't ako ang pinili?

Nilibot ko ang barko. Hindi ko parin nakita si Lola Luciana. Kinabahan ako. Babalik na sana ako ng makita ko si Nanay Luciana na umiyak sa gilid.

"Pano pag nawala si Ghufelina?" umiiyak siya at agad naman akong pumunta patungo sa kaniya.

"Nanay Luciana!" Agad namang napatingin si Nanay tapos niyakap ako.

"Anak, nandito ka lang pala! Akala ko mawala ka ng tuluyan" sabi niya at umiyak ng umiyak. Bakit ganun ba ka affected siya. Yung bata pa nga ako, nawala ako sa mall, di lang naman ako pinaghahanap ni Papa.

"Ayos lang, nandito lang ako nay" sabi ko at ngitian siya. Para naman gumaan ang kaniyang loob. Swerte ni Ghufelina kasi may mga taong nagpapahalaga sa kaniya. Ako? WALA! Parang ako lang ang may paki sa kanila.

Hinampas niya ako. Aray! Violent Mother huhu

"Wala kang hiya! Pinag-alala mo ako! Jusmeyo pano pag may nangyari sayo anak?" sabi niya at tinignan ang mga mukha ko kung may pasa ba o may sugat.

"Ina, ayos lang ako. Oh kita mo naman mukha ko. Ayos lang!" Tinuro ko pa ang mga makinis kong mukha, ay este mukha ni Ghufelina hehe.

"Siya sige na, papasok na tayo sa kwarto" sabi niya at agad naman akong napasunod. Nakakita ko na ang higaan lang namin ay banig. Hindi ako sanay neto pero dahil wala akong choice. Sige gooo tutal pagod naman ako. Napaupo ako sa banig at nagmuni muni. Nang napunta ako sa panahong ito ay nawala yung pagka arte ko. Kailangan ko talaga mag adapt sa environment at mag adjust kasi wala namang makaintindi sa akin kundi ang sarili ko lang.

"Pwede kang gumala sa loob ng barko kung gusto mo pero wag kang pumunta sa itaas ha, kasi nandoon ang mga tauhan sa kaharian at matatas na opisyales" sabi ng nanay Luciana at agad naman akong nabuhayan ng loob. Napangiti ako sa kaniya.

"Salamat po nay ha" sabi ko at tuluyan ng tumakbo. Yey!!
Gumagala ako dito. May narinig akong may nagpatugtug ng musika pero nakakalungkot lang isipin na nasa itaas sila. Nag celebrate sila doon habang kami na tinawag nilang "Indio" ay naghihirap tapos mga kwapa ko Pilipino ang nag supply sa barko, nagpapa-apoy para mapapanatili itong umandar.

Nakakalungkot lang isipin na sila ay nagkaroon ng kasiyahan habang kami nama'y naghihirap dito. Nakapang gigil. Pero wag kayong mag-alala mga Pinoy! Malapit na tayong makalaya.

Prinsipe's P.O.V (di ko muna irereveal yung name para maging mysterious sa susunod na chapter hehe) *peace*

Nagkaroon naman ng kasihayan dito. Nag uusap usap sila tungkol sa mga importanteng bagay habang nakaupo Lang ako dito sa gilid.

"Prinsipe, ano ba ang iyong masasabi tungkol sa isyung ito?" Natinag ako sa pagkasabi ni Heneral Lorenzo

Don Lorenzo ang ninuno ng gwardiya sibil. Napapikit nalang ako, ayaw ko munang mag isip tungkol sa mga problema.

"Ano nga ulit ang pinag-uusapan niyo?" Patanong ko sa kaniya. Laking gulat nilang lahat sa sinabi ko.

"Sa kabila ng aming pinag-uusapan? Di ka pala nakinig" sabi naman ng aking ama. Alam kong galit na galit siya sa kin.

"Pasensya na't masama ang pakiramdam ko ngayong araw. Mawalang galang sa inyo. Aalis muna ako" sabi ko at tuluyan ng umalis sa aking kinaroroonan.

Lumabas ako at napasinghap sa masariwang hangin. Habang pinagmamasdan ang karagatan. Nang may babaeng lumapit sa akin.

"Napakagandang tanawin! Diba Prinsipe?" Sabi ng isang babae na nasa giliran ko. Tinignan ko naman kung sino iyon. Di ko siya kilala pero alam ko kung saan siya nanggaling. Siya lang naman ang Prinsesang nanggaling sa El Palacio de Almanzar. Di ko masiyadong nakikita mukha niya at ngayon ko lang nakita ang mga mukha nito ng maayos kasi di naman kami palaging nagkikita. Paminsan minsan lang naman.

Amore Infinito | Completed |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon