Agad akong tumakbo papunta doon at timing nandito na si Ina. Mukhang lumingon lingon pa siya at parang hinahanap ako. Agad naman akong nag wave sa kaniya. Nang makita niya ako, laking gulat niya sa akin.
"Anong nangyari sa iyo anak, anong nangyari sa buhok mo?" Tanong niya pa. Hinawakan ko naman ang buhok ko at shocks napakagulo nito. Agad ko inayos iyon! Walang hiyang Prinsipe. Bakla ata yun ah, may bakla pala sa sinaunang panahon.
"Yan maganda ka na ulit" ngumiti siya at sabay kaming naglakad patungong Kalesa. Nakita ko na may dala dala siyang isda. Yun pala pumunta siya sa kabila kasi bibili siya ng Isda. Pumasok na kami sa kalesa. Walang umiimik sa amin. Tinignan ko naman si Ina at parang ang lalim ng iniisip niya. Ako naman dito ay iniisip parin yung kanina. Arg! Sa tuwing maalala ko ang mukha ng Leonardong iyon ay naiinip ako. Gusto ko sapakin ang mukha niya at gawin ng punching bag. Sabay suntok suntok ko sa kamay ko.
"Ayos ka lang ba anak?" Tanong ni Ina at mukha naman siyang nagulat sa ginawa ko.
"Ay haha ano po tinignan ko lang Kung gaano kalakas ang suntok ko hehe" palusot ko at binigyan naman ako ng look na parang na wei-weirduhan na siya sa akin. Oh no! Di pwede. Napangiti naman siya ng parang weird at di na umiimik pa. Hindi naman kami nagsalita, malayo pa papuntang palasyo kaya ayun parang nabingi ako sa katahimikan. Ang narinig ko Lang ay ang mga tao sa paligid at ang kabayo na nagtatakbo. Tsug tsug ah! Ganun. Bigla namang pinahinto ni Ina ang kalesa. Nagulat naman ako kung bakit. Tinignan ko siya at parang tumingin siya sa labas.
"Si Prinsipe Rhavene ba iyon" Sabi ni Ina sabay turo. Tinignan ko naman iyon at oo nga! Si Prinsipe Rhavene Yun ah. Bumaba naman si Ina at sumunod naman ako sakaniya.
"Prinsipe Rhavene?" Tanong ni Ina at napalingon naman siya Kay Ina at tumingin naman siya sa akin tapos ngumiti. Hays required ba talaga tumingin sa akin tapos ngumiti? May crush kaya tong lalaki na ito sa akin.
"Magandang araw sa inyo ni Prinsesa" Sabi niya at nag bow. Nakasuot siya ng sumbrero ngayon. Tinanggal niyang ang sumbrero at inilapit iyon sa kaniyang dibdib bilang pagbati. Napaginoo naman nito. Pero di ko siya type noh! Tinawanan niya Kaya ako.
"Magandang araw rin Prinsipe" Sabi niya at ngumiti siya Kay Prinsipe Rhavene. Nagulat naman ako sa kanila kung bakit tumayo lang kami dito at hindi gumalaw. Siniko naman ako ng Ina ko. Ay oo nga pala. Kailangan ko rin batiin siya hahahah.
"Ah good morning! Ay este Magandang araw sayo Mahal kong Prinsipe" Sabi ko pa at ngumiti naman siya ng malapad. Minsan na cre-creepyhan na ako sa Prinsipeng ito kasi kung makangiti wagas. Di Kaya crush niya si Glezerina?.
"Ano ba ang ginagawa niyo dito Reyna at Prinsesa?" Sabi niya.
"Nakita ka Kasi namin kaya bumaba naman kami para batiin ka" Sabi ni Ina. Ako naman ay nakapoker face Lang. What??! So nag effort pa kaming bumaba pero yun lang pala? Batiin siya. Gaano ba siya kaimportante.
"Ikaw, ano ba ginagawa mo dito sa Palengke, Prinsipe" tanong naman ng Ina ko ako naman dito ay OP kasi you know na churva churva. Ayaw ko makipag usap.
"Nandito ako ngayon para bilhan ng regalo ang minamahal Kong Ina na si Reyna Valentina Antonio"magalang niyang sabi. Weeps complete? Hahahha.
"Ah ganun ba" Sabi ng Ina ko at tinulak ako papunta ni Rhavene. Gulat naman akong napatingin sa kaniya.
"Oh! Isama mo naman si Glezerina, Alam mo naman kung gaano kaganda mamili ng regalo ang Prinsesa" pag sasabi naman niya at Alam ko naman na ginawa niya iyon para kami nalang dalawa ni Rhavene ang magsama.
"Sama ka namin Ina, alam mo naman maganda ka rin pumili" kinuha ko ang braso niya at kumalabit ako dito. Hehe
"Ano kaba Glezerina, ginawan ko na ng paraan para mapag-isa mo siyang kasama." Bulong niya at bahagyan akong tinulak.
BINABASA MO ANG
Amore Infinito | Completed |
Historical Fiction(A love story behind Philippine History) I'm Celestine Alfaro, 18 years of age I love books ,I hate boys and I'm NBSB dahil daw sa aking mala maldita kong katangian. I'm a big dissapointment to my dad. But One day, nagbago ang buhay ko nung ako ang...
