CAPITULÒ 6

1.5K 54 0
                                    

Naguguluhan parin ako kung bakit umaasta ng ganon si Nanay Luciana. Ano bang meron sa Prinsipeng iyon?bakit kailangan kong lumayo sa kaniya? Hanggang ngayon ay naiisip ko parin siya. Hindi ko parin makakalimutan ang epic naming unang pagkikita HAHAHHAHAHA

"Ghufelina, di ka paba kakain dyan sapagkat binatugan na ng langaw ang iyong pagkain" agad naman akong natauhan sa sinabi ni Nanay Luciana.

Argg! May langaw. I hate flies huhuhu. Binubugaw ko ang langaw sa hapag-kainan. Tuluyan na akong kumain pero Wala akong gana sa kakaisip sa mga pangyayari

"Wag ka sanang magtampo Ghufelina. Ayaw ko Lang kasing maalala mo ang mga mapait mong karanasan dati. Pero sigurado kaba? Hindi mo naalala? Kahit ilang mga detalye? Grabe naman yang epekto ng lagnat mo."mataas na sabi ni Nanay Luciana.

Napailing naman ako. Hays nanay Kung ako lang ang totoong Ghufelina. Syempre di na ako magtanong niyan. Dapat gagawa ka ng paraan Celestine. Your acting skills ipalabas mo!

"Aray, ang sakit ng ulo ko kakaisip kung ano ba talaga ang nangyari. Kung bakit may mapait akong karanasan huhuhu" sabay hawak sa ulo ko. Ayan Celestine! Pak na pak. Itodo mo pa ang acting skills mo.

"Naku anak wag kang masiyadong mag-isip baka ikakasama ng pakiramdam mo" Sabi naman niya at ako naman hawak hawak parin ang aking ulo. Tinodo ang acting skills.

"Hindi ko maiwasang mag-isip nay!" Sabi ko sapay pout. Hahahhaha

"Sige na nga, Basta pangako mo sakin na hindi ka iiyak ha. Kung sakaling maalala mo ito" sabi naman ni Nanay Luciana at halatang nag-alala talaga siya sa akin.

Napa tango naman ako. Hindi pa nga nagsalita si Nanay Luciana ay may ala-alang pumasok agad sa isip ko.

Flashback

The real Ghufelina's P.O.V

Masaya kaming nagkwekwentuhan ng aking ama habang si Ina at ang aking kapatid ay namalengke. Patuloy kaming nagkwekwentuhan ng aking ama ng biglang bumukas ng malakas ang pinto. Nandito na ang aking Ina at kapatid. Ngunit ngayong araw ay naninibago ako Kay Ina. Nakakunot ang kaniyang nuo at tinapon sa lamesa ang kaniyang biniling gulay at prutas.

"Mahal kong Felicidad may problema ba? Anong nangyari sayo ngayon?", nag-alalang tanong ng aking ama.

Pumasok ang aking kapatid sa aming silid at isinara ang pinto. May narinig akong hikbi at ako'y pumasok.

"Aking kapatid, may problema ba? Alam mo pwede mo namang sabihin sa akin ang iyong nararamdaman."

Tinignan ako ng marahan ng aking kapatid at niyakap niya ako ng mahigpit.

"Mahal na mahal kita kapatid. Kahit anong mangyari ay dapat di mo yun kalimutan ha".

Sa totoo lang, nalilito na ako sa kaniyang pagsasalita sapagkat Alam kong may ibig sabihin ito. Pumasok si Ina sa aming silid.

"Mga anal, ihanda niyo na ang inyong mga gamit. Lalayas na tayo sa pamamahay nato!!", Sigaw ni Ina.

"Ina", naiyak ako sa kaniyang sinabi. "Anong ibig sabihin nito?" dagdag ko pa.

"Maghihiwalay na kami ng iyong ama!"

"Pero bakit ba ina?", naghihinagpis na tanong ko sa kaniya.

Amore Infinito | Completed |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon