"Di ko akalain na maalala mo pa iyon" sabi niya pa at nakangiti pa ito ng todo.
"Siyempre naman! Halika na wag kanang magsalita diyan" sagot ko sa kaniya at kiniladkad siya.
Tumakbo kami ni Rhavene habang nakahawak ang mga kamay namin papuntang Parke. Di naman mawala Yung mga ngiti namin habang tumatakbo. Umabot naman kami kaagad sa parke at ang daming mga batang naglalaro ng mga pambatang laro.
Tinignan naman ko si Rhavene at nakangiti parin ito habang pinagmamasdan ang nga batang naglalaro sa Parke. Di naman mawala ang mga ngiti ko habang pinagmamasdan siya. KYAHHHHHH! Ang gwapo niya sheet shets! Nangingibabaw ang tangos ng ilong niya pati haba ng pilik mata.
Nagulat naman ako ng biglang tumingin sa akin si Rhavene at ngumiti pa ito sa akin. Gosh! Ayan na naman yung mga ngiti niya. Nataranta naman ako kaya agad akong umiwas ng tingin.
"T-tara" gosh! Nauutal kong sabi sa kaniya. Umuna naman ako sa paglalakad at nasa likod ko si Rhavene... Ang daming naglalaro na mga batang pinoy tulad ng takarang, jumping rope, shatong, Luksong baka at iba pa (I know na Alam niyo to Kasi nakalaro naman kayo ng ganito diba? :)). Puno ng tawanan at mga tinig ng mga bata dito. Nakakasaya sa puso na Makita silang masaya despite of pagmamalupit ng mga Spaniards. Nakakalungkot lang isipin na sa panahon ng kasalukuyan ay di na uso ang paglalaro ng ganitong bagay. Puro nalang gadgets hahays..
Now playing: Randomantc by James Reid (Kindly play this song while reading this chapter)
Lumingon naman ako at tatawagin si Rhavene kaso di siya nakasunod sa akin at nagulat naman ako ng makitang masaya siyang naglalaro sa mga bata. Ang nilalaro nila ay tagu-taguan ng feelings.. charot! Joke lang. Tagu-taguan ang nilalaro nila at siya ang naatasang hanapin ang mga bata. Tsk! Di man lang niya ako hinintay. Hmm nagtatampo na ako. Habang pinagmamasdan sila ay nakangiti ako dahil nakakatawa ang mga bata kasi ang daling mahanap sila ni Rhavene. Hahaha nakakatawa ang Bobo nila magtago hahaha. Nahanap na ang lahat kaya nagtawanan naman sila at humanga ni Rhavene kasi para daw itong may magic powers na nalalaman kung saan nagtago. Siyempre bored na ako kaya nakijoin narin ako sa kanila.
"Gusto ko na ako parin ang maghahanap", nakangiting sabi ni Rhavene sa kanila at tumalon talon naman sila sa tuwa. Pero nagulat naman ako na may biglang humawak sa mga kamay ni Rhavene.
"Kuya! Gustong gusto kita!" sabi ng batang babae at nakangiti pa ito. Hoiii bebe ko yan! Walang aagaw sa bebe ko grrrr...
Yumuko naman si Rhavene ng kaunti at sinabihan ang bata sa harap niya ng .."Gustong gusto Rin Kita", nakakatunaw na ngiti na sabi ni Rhavene tapos ang bata naman ay nag blush 0///0. Wahhhhh! Hoy! Akala ko ako Lang! Pinalo ko naman siya sa braso niya at nakakunot ang noo ko sa kaniya. Hmmp! Nakakainis. Napatawa naman siya at hinawakan ang kamay ko. Shocks!! Wahhhhh dahil nataranta ako kaya nabitawan ko ang kamay Niya. Gosh parang may kuryenteng dumaloy sa katawan ko. Wahhhhh!!!! Mas ngumiti na naman siya ng nakakaloko kaya umiwas nalang ako ng tingin sa kaniya.
"L-laro na tayo, ano kaba!", nakakunot noo kong Sabi sa kaniya. Eh sino ba namang di mauutal sa ginawa Niya. Tsk!. Nagsimula na kaming nagtago. Nagsimula na ring magbilang si Rhavene. Hmmm saan ba ako tatago? Bigla naman akong nabuhayan ng makita ko ang isang puno doon kaya umakyat ako doon. Sure ball ako dito na di talaga ako mahahanap Niya wahahahaha.
Nagsimula na siyang naglakad at hinanap kami. Halos matawa naman ako ng dumaan siya sa puno at di niya ako nakita. Haha ang galing ko talaga gosh!
"Kahit saan kapa magtago. Makikita at makikita pa rin Kita" may biglang bumulong sa likod ko kaya nagulat ako at malapit mahulog sa puno pero nahawakan niya ako sa bewang kaya di ako nahulog.
![](https://img.wattpad.com/cover/197857520-288-k130187.jpg)
BINABASA MO ANG
Amore Infinito | Completed |
Narrativa Storica(A love story behind Philippine History) I'm Celestine Alfaro, 18 years of age I love books ,I hate boys and I'm NBSB dahil daw sa aking mala maldita kong katangian. I'm a big dissapointment to my dad. But One day, nagbago ang buhay ko nung ako ang...