Umuwi na kami galing Piyesta ng bayan kaya agad akong lumundag sa kama. Kyahhhh! nagpagulong gulong na naman ako sa kama.
"Mahal na Mahal kita" ulit ko sa sinabi ni Rhavene at muli na nagpagulong gulong. Gosh! Di ako maka move on sheety shets haha.
Napabuntong hininga nalang akong napatingin sa itaas. Naalala ko ulit ang pangyayaring iyon at hanggang ngayon ay halos mamatay na ako sa kilig.
Ngayon alam ko na kung bakit ang daming taong papasok sa pakikipag relasyon dahil naghahatid ito ng saya at stress reliever pa. Tama nga si Coraline na balang araw makikita ko ang lalaking magpapatibok ng puso ko at si Rhavene iyon Kyahhhhh!
Speaking of Coraline ay agad ko tinignan ang kwintas ko. Na miss ko na ang mga pangit nilang mukha huhuhu..
Kamusta na kaya ang buhay nila? May lalaki na bang nakapagbago kay Coraline? Alam na kaya ni Kuya Cazumi ang katotohanan? Mamahalin na ba ako ni Daddy sa pagbabalik ko ng kasalukuyang panahon? Nakalabas naba ng Ospital si Lola Armenia? Ayos lang ba si Mommy?
Yan ang mga katanungan na naiisip ko sa tuwing titignan ko ang mga litrato nila. Tinignan ko naman ang sarili kong mukha.
Makabalik pa ba ako sa katawan ko?. Miss na miss ko na sila.
Dahil sa pag-iisip ko ay nakatulog na ako.
------------
"Ghufelina! Gising!", niyugyog ako ni Lola Armenia at pilit ginising. Antok na antok pa ako! Hmp! Dahil talaga ito kay Rhavene.
"Bakit ba Lola Armenia?", tanong ko sa kaniya at kinusot kusot ko pa ang mga Mata ko.
"Nandito na si Glezerina...", sabi ni Lola Armenia na ikinagugulat ko. Agad akong napabangon sa kama. Pansin ko lang na madaling araw pa ngayon.
"Nasaan siya?", Tanong ko sa kaniya at di pa rin ako makapaniwala.
"Nandoon siya sa ibaba at hinihintay ka" sabi ni Lola Armenia sa akin. "Dalian mo binibini" dagdag niya pa at agad naman akong kumilos. Lumabas ako sa kwarto at agad bumaba sa hagdanan. Tumingin tingin muna ako sa paligid pero wala siya. Baka nasa hardin siya...
Tumakbo ako ng mabilis at may nakita akong babaeng nakatalikod.
"Glezerina?", sambit ko sa pangalan niya at lumingon naman siya. Nakangiti siya ngayon at nakasuot ng lumang damit.
"Ghufelina!", agad niya akong niyakap ng mahigpit. Umiyak siya ngayon at humahagolhol. Hindi ko maintindihan kung bakit napaiyak siya ng todo. Sinaktan ba siya?
"Ghufelina, pasensya na.." sabi niya habang hawak hawak ang kamay ko at umiyak parin ng todo
"Glezerina.. bakit? May problema ba?" tanong ko sa kaniyang habang hinaplos ang likod niya.
"Pasensya na... gumawa ako ng malaking problema... Buntis ako.." sa pagkasabi ng huling salita niya ay biglang tumigil ang mundo ko. Parang nanigas ako sa kinatatayuan ko. Hindi pwede... "Pwede bang i-sekreto muna natin"... Tumango nalang ako bilang sagot at may namumuong luha sa mga mata ko.
"Ghufelina, kailangan ko ng tulong mo... Gusto ko na magpapanggap ka pa ng matagal", sabi niya pa at di ko alam ang isasagot ko sa kaniya. "Pero pwede ka munang umuwi kina Tiya Luciana. Magpapanggap ka ulit kung lumaki ang tiyan ko" sabi niya sa akin. Kusa lang akong naiyak rin dahil nalungkot rin ako. Ano ba ako? Parang ginawa lang akong laruan ni Glezerina.
BINABASA MO ANG
Amore Infinito | Completed |
Historical Fiction(A love story behind Philippine History) I'm Celestine Alfaro, 18 years of age I love books ,I hate boys and I'm NBSB dahil daw sa aking mala maldita kong katangian. I'm a big dissapointment to my dad. But One day, nagbago ang buhay ko nung ako ang...
