CAPITULÒ 37

808 22 14
                                    

Ghufelina's P.O.V
Pilipinas Disyembre 8, 1896

Inutusan ako ni Nanay Luciana na pabilhin ng isda. Gosh! Parang naiinip na ako dito sa taas ng pila. Ang dami kasing bumili ng isda ngayon.

"Aleng, pabili po ng isang bangus"

"Magkano po ba?"

"Hala aleng mamaya ko lang to babayaran kasi kulang yung pera ko"

Yan ang mga salitang paulit-ulit kong narinig at inuutal ng mga taong nasa palengke ng lugar sa mga Fregroso. Oo sa lugar nila ni Leonardo ako bumili dahil nandito ang mga madalas na nagtitinda ng mga isda.

"Hoy! Ghufelina halika kana", may biglang bumulong sa akin kaya nagulat ako.

"Jusmiyo marimar na yan, wahhh! Glezerina mukha kang multo diyan", pasigaw kong Sabi sa kaniya at oo Tama kayo na si Glezerina ang kumaladkad sa akin. Sa pagkakataong ito ay nasa pribadong lugar na kami na walang makakarinig. Gosh! Ano ba naman ang naisip ni Glezerina parang mokong eh!

"Tayo na", sabi niya at ako naman ay mas nagulat. Wahhhh! Anong tayo na? Wahhh! Kami na? Anong nangyari ni Glezerina? Gosh! Naging tomboy na ba siya?

"A-anong tayo na?, H-huwag mong s-sabihin n-na umibig ka sa akin?", Seryoso kong sabi sa kaniya. Gosh! Nakakadiri. Nandidiri ako sa kaniya. Kasi magkapatid sila ni Ghufelina at umibig siya? Shocks!

"Baliw, pupunta na tayo ng espanya", sabi niya at binatukan niya pa ako. May side pala na ma harass ang kapatid ni Ghufelina no? Napaismid naman ako at Napa rolled eyes. Whut?? Agad agad?!

"Ha? Edi di ko masulatan ang aking iniirog" ,sabi ko pa. Tama naman diba? Sabi niya kasi na padadalhan saw ako ni Rhavene ng sulat.

"Makikita mo naman siya", sabi niya pa at kitang Kita na naiinip at naiirita siya sa akin. Ganoon ba talaga ang mga buntis no? Palaging high blood. Pero yeheyy! Makikita ko na si Rhavene my loves ko hehe.

"Ngunit paano sina Nanay Luciana? Inutusan nila ako", nag-alala kong sabi sa kaniya. Wahhhh! Excited pa naman akong Makita siya huhuhu.

"Huwag kang mag-alala binibini, kami na ang bahala", biglang sulpot ni Isabella at nakangiti pa ito. Tumingin naman sila sa isa't isa ni Glezerina at ngumiti naman si Glezerina sa kaniya

"At Alam na rin ni Tiya Luciana kaya halika na", nakangiting sabi ni Glezerina at kiniladkad niya ako. Lumingon muna ako ni Isabella at binigyan niya ako ng goodluck-look. Napa thumbs up naman ako sa kaniya at ngumiti. Pinasakay agad ako ng kalesa ni Glezerina at ang nakamaneho ng kalesa ay ang tapat niyang kutsero. Hindi naman nagdadalawang isip ang kutsero at agad pinaandar ang kalesa. Medyo excited na ako na pumunta ng espanya at surpresahin si Rhavene doon. Muli ko namang naalala na wala pa akong regalo sa kaniya gosh!!

Di nagtagal ay muli kong nasilayan ang Palasyong Almanzar. Medyo nangungulila ako sa lugar na ito. Ang lugar na kung Hindi ako napunta dito ay di ko Sana makilala si Rhavene.

Nang dumating kami sa gate ng Palasyong Almanzar ay di na kami bumaba at agad na pinapapasok ng gwardiya sibil. As usual ay sa bintana kami dumaan para di kami ma buking nila Don Gregorio at Donya Felicidad. Nang nakapasok kami sa loob ay agad bumungad sina Lola Armenia at Lydia

Halos mangiyak-iyak na sila ng Makita ang kagandahan ko. Choss haha.
Agad naman nila akong niyakap ng mahigpit.

"Ghufelina!",sambit sa akin ni Lola Armenia at halos di na ako makahinga sa higpit ng yakap niya. Si Lydia naman ay nakayap sa likod ko.

"Mabuti at muli kitang nakita binibini. Kami'y nangungulila sa iyong kakulitan", nakangiting sabi ni Lydia at tumawa naman si Lola Armenia sa sinabi ni Lydia.

Amore Infinito | Completed |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon