Ghufelina's P.O.V
Ayaw kong gumising ngayon at gusto kong hindi dumating ang araw na ito dahil ngayon na ang nakatakdang kasal ni Rhavene at Rosciana. Abalang abala ang lahat sa paghanda ng magaganap na kasal ngayon. Nabigla naman ako ng hinawakan ni Donya Valentina ang balikat ko at batid sa kaniyang mukha ng kalungkutan.
Napabuntong hininga nalang ako sa kaniya at ngumiti para di siya mag-alala sa akin.
"Pasensya na Ghufelina kung hindi ko na mapigilan ang mga disesyon ni Don Ramon", malungkot niyang tugon sa akin at ngumiti naman ako sa kaniya, pilit tinago ang sakit ng puso ko.
"Ayos lang po, tatanggapin ko ang mapait na kapalaran para sa aming dalawa", sabi ko sa kaniya at niyakap naman ako ni Donya ng mahigpit. Lumapit din sa akin si Samuel at hinawakan ang kamay ko.
"Ikaw pala si ate Ghufelina!... Pasensya na ate kung wala kaming magawa para sa inyo ni Kuya. Huwag kang mag-alala. Mahal na mahal ka niya", sabi naman niya at niyakap din ako ng mahigpit.
"Tayo na Samuel",wika ni Donya Valentina kay Samuel at nagpaalam pa ito sa akin. Dapat umuna na sila sa simbahan para maghintay doon sa pagdating ni Rosciana.
Tinapos ko ang pag-arrange ng mga pagkain para sa pagdating ng mga bisita mamaya dito sa Palacio. Dito igaganap ang pag celebrate pagkatapos ng kasal.
"Ghufelina, pakihugas ng mga kaldero kasi may lulutiin pa tayo" tugon ng isa sa mga tagapagsilbi at tumango naman ako sa kaniya.
Pumunta naman ako sa kusina para kunin ang mga kaldero na nasa pinakadulo ng parte sa kusina. Hmmm saan bang kaldero ang gagamitin dito. Eh ang dami naman tsk!
Nagulat naman ako na may biglang humawak sa bewang ko at niyakap ako patalikod. Shit! Tinignan ko naman kung sino at nagulat ako ng makita si Rhavene.
"Rhavene, bakit ka nandito?", tanong ko sa kaniya.
"Ayaw kong magpakasal...", basag na boses niyang sabi na ikinadurog ng puso ko. Kinuha ko naman ang kaniyang mga kamay at tinignan siya. Napabuntong hininga nalang ako.
"Rhavene... Dapat nandun kana sa simbahan", wika ko sa kaniya at ngumuso naman siya na parang nagtatampo sa akin. Gusto kong umiyak ngayon pero ayaw ko na mahirapan siya dahil sa akin.
"Ipinagtaboy muna ba ako?", tanong niya sa akin at biglang lumungkot ang kaniyang mukha. No! Hindi sa ganun. Hinawakan ko ang kaniyang mukha at tinignan siya ng maigi.
"Rhavene... Gustuhin ko man na tumutol sa kasal at kunin ka dahil gusto ko na akin kalang. Akin ka naman diba? Pero aalahanin mo naman ang sarili mo, aalahanin mo ang pamilya mo, aalahanin mo ang ibang tao", sagot ko sa kaniya at di naman siya makatingin sa akin. Tinignan niya ako ng maigi at ngumiti.
"Hindi ako matatakot na ipaglaban ka, kahit ito pa ay kapalit ang aking buhay", sagot Niya. Kumunot naman ang noo ko at magalit sa kaniya ngunit may biglang tumawag sa kaniya. Tinignan naman niya ako. Tumango naman ako sa kaniya.
"Sige na, alis kana", sabi ko sa kaniya na may malambing na boses. Nagulat naman ako na bigla nalang lumuha ang kaniyang mata at humikbi.
"Rhavene naman eh!", galit kong sabi sa kaniya at tinignan niya naman ako.
"Gusto ko na nasa tabi kalang, dahil alam ko na iiwan mo rin ako...", humina ang kaniyang boses sa pinakadulo niyang sinabi at napasinghal naman ako. Hinawakan ko nalang ang noo ko dahil ang tigas ng ulo niya.
"Prinsipe Rhavene", tawag na naman sa pangalan niya at tinulak ko naman siya dahil natakot ako na baka may makakita sa akin.
"Babalikan kita... Celestine", sabi niya at bigla naman akong kinilabutan ng tinawag niya ang totoo kong pangalan. Umalis naman siya at lumingon sa akin ng huling beses. Napabuntong hininga nalang ako at hinugasan ang mga kaldero para sa lulutuin naming ulam sa kasal nila.
BINABASA MO ANG
Amore Infinito | Completed |
Исторические романы(A love story behind Philippine History) I'm Celestine Alfaro, 18 years of age I love books ,I hate boys and I'm NBSB dahil daw sa aking mala maldita kong katangian. I'm a big dissapointment to my dad. But One day, nagbago ang buhay ko nung ako ang...
