Di parin ako makapaniwala na nandito na si Rhavene sa harap ko at nakasuot pa ito ng gintong barong tagalog! Wahhh hindi ako naniniwala sa mga ganyang salita pero inaamin ko na kinilig ako.
Nais sanang batiin ng mga taong nandito si Rhavene pero pinigilan nila ni Reyna Valentina at Haring Ramon nito. Bakit ba woiii!??
"Prinsesa, maari ba kitang isayaw?" paulit niya pang tanong sa akin. Agad naman akong natauhan. Tatanggapin ko ba ito guys? Wahhhhh!
"Prinsipe, hindi mo ba nakita na may kasama siya?" sabi ni Leonardo na nakakunot na ang noo nito.
"Paumanhin, di kita nakita kanina" Sabi ni Rhavene at nag bow pa ito.
"Kung ganon, halika na Prinsesa" sabi ni Leonardo at inilahad pa ang kaniyang kamay sa akin. Napatingin naman ako ni Rhavene at sa pagkakataong ito ay biglang kumunot ang noo niya.
"Anong ibig sabihin nito?" tanong niya sa amin. Hoy Rhavene wag kang OA Jan gosh! Sayaw lang naman eh! Ikaw lang ang gusto ko no! Kyahhhhhhh!
"Wala lang Prinsipe, gusto lang niya akong isayaw" , sabi ko naman sa kaniya at ngumiti. Akala ko na ngingiti siya pero mas lalo lang napakunot ang noo niya.
"Gusto ko na ako yung una mong maisayaw" sabi ni Rhavene sa akin at nagulat naman ako. What???
dugdugdugdugdug tumalon yung puso ko. Kung siya ang maisayaw ko ay baka mag ka heart attack ako huhuhu. Wahhh!!
"Kung ganon ay papipiliin natin si Prinsesa Glezerina" sabi ni Leonardo at nagulat naman ako ng biglang tumingin silang dalawa sa akin at naghihintay pa ito sa sagot ko. Sino ba? Si Rhavene o si Leonardo? Parehas silang gwapo eh wahhhh! I can't choose pwede both? Hehehe joke lang! Gusto ko sana si Rhavene pero maging masakit naman sa parte ni Leonardo pag di siya Yung pinili diba? Siya naman yung nauna eh kaya siya nalang.
"Si Leonardo", sabi ko sa kanila at Napa smirk naman si Leonardo. Napatingin naman ako kay Rhavene at parang biglang naging malungkot ang mukha niya.
"Sige, Kung sa kaniya ka sasaya. Tatanggapin ko yun", sabi niya pa at lalakad na sana siya papalayo pero hinawakan ko ang kamay Niya.
"Rhavene....", napalingon naman siya sa akin. Huwahhhhhhh! Wala akong masabi! Ba't mo siya tinawag Celestine! Sheety shets. Naghihintay naman siya sa sasabihin pero tinignan ko lang siya. Gusto kong sabihin sa kaniya kung ano ang totoo kung bakit si Leonardo ang pinili ko. Pero wala, walang lumabas na mga salita.
"Wala", sabi ko sa kaniya, Yun Lang ang nabigkas ko at napatango nalang siya. Dahan dahan naman siyang naglakad papalayo at naiwan na kami ni Leonardo dito. Biglang bumigat ang pakiramdam ko.
"Hali kana Prinsesa ", nakangiting Sabi ni Leonardo at tinanggap ko lang iyon. Napalingon naman ako pabalik at dahan dahang naglaho siya.
Dahan dahan naman kaming naglakad patungo sa gitna ni Leonardo at nakayuko lang ako.
Sumayaw naman kami ng Cariñosa at nawala naman saglit ang bigat ng nararamdaman ko ng sumayaw kami nito dahil pinapangarap ko tong masayaw ito suot ang Baro't saya ko
Nakatingin lang sa aking mga Mata si Leonardo. Dinilatan ko naman siya ng mga mata. Tsk seryoso kasi masyado eh! Di ako sanay. Napatawa naman siya sa akin.
"Tawa ka diyan?", tanong ko sa kaniya at tinaasan ko pa siya ng mga kilay. Napatawa naman siya sa ginawa ko at binatukan ko naman siya. Di bale na may makakita sa amin.
"Masaya ako dahil ako ang pinili mo", sabi niya at napalaki naman ang mga Mata ko sa sinabi niya. What??! OMG! Hoy, wag kang mag assume boi!!
"Duh, alangan namang si Rhavene na ikaw yung mas nauna eh! Nakakaawa ka naman", pagtataray kong sabi sa kaniya. Bigla namang nawala ang mga ngiti niya. Oh ano na naman ang problema nito?
BINABASA MO ANG
Amore Infinito | Completed |
Fiksi Sejarah(A love story behind Philippine History) I'm Celestine Alfaro, 18 years of age I love books ,I hate boys and I'm NBSB dahil daw sa aking mala maldita kong katangian. I'm a big dissapointment to my dad. But One day, nagbago ang buhay ko nung ako ang...
