"Unahin mong linisin ang mga bintana at pakintabin ang sahig. Kung may abo pa akong makikita, alam mo na ang gagawin namin sayo", dagdag ng isang babaeng nagngangalang Nenita. Wala naman akong magawa kundi sundin ang utos nila. Tumango naman ako bilang sagot sa kanila. Naghanap ako ng mga gamit na pwede kong ipanglinis dahil ayaw ko ng magtanong sa kanila, baka pagbantahan na naman nila ako.
Ito yung pinakaunang pagkakataon na ako ang naglinis sa bahay baka aral ko na ito dahil sa pagiging tamad ko. T__T. Nagsimula muna ako sa pagwawalis para mawala ang mga dumi na nasa sahig nito. Medyo malaki ang bahay nito dahil isa itong mansiyon ngunit hindi na ako nagreklamo baka karma ko na ito na dati ay hindi ako tutulong sa mga gawaing bahay.
Medyo umabot din ako ng halos isang oras akong sa pagwawalis at pinakintab ang sahig at wala pa akong nasimulan sa bintana. Medyo napagod na ako at pinagpawisan ng todo. Nakita ko namang nagbabasa ng dyaryo ang babaeng sa tingin ko ay ang pangalan niya ay Kalosera, ang Ina ng dalawang babae.
"Pwede po bang magpahinga muna ako?", tanong ko sa kaniya at yumuko ng unti bilang respeto kay Donya Kalosera. Ibinaba naman niya ang dyaryo niya at tinignan ako ng masama.
"Binibining Ghufelina, hindi ka pwedeng magpapahinga maliban kung sinabi namin na magpahinga ka", sabi naman niya sa akin. Hindi na ako umangal at patuloy sa tinatrabaho ko. Nandito ako ngayon sa kwarto ng magkakapatid at nilinis ang kalat na ginawa nila. Hindi ko alam kung saan ang kanilang mga gamit dito kaya ang nilinis ko ay ang bintana lamang. Nagulat naman ako ng biglang pumasok si Gracia... Tinignan naman niya ako ng nakakaloka at ngumisi pa ito sa akin. Tinignan ko muna siya saglit at di ko lang siya pinansin at pinagpatuloy ang paglilinis ko sa bintana. Baka ano pa ang magawa ko sa babaeng iyan.
Nagulat naman ako ng may narinig akong umaagos na tubig. Napatingin naman ako sa likod at sinadya ni Gracia na itapon sa sahig ang nasa laman ng tasa niya.
"Ay natapon", sabi niya sa akin at tinignan ako ng nakakaasar na tingin. "Pakilinis nga Kasambahay", biro niyang sabi ngunit hindi naman ako kumibo kasi wala akong gana na pumatol sa kaniya. Bumaba naman ako papuntang sala para kunin ang basahan na nasa ilalim. Sa pag-akyat ko ay may narinig akong may nabasag galing sa kwarto ng magkakapatid. Agad naman akong napatakbo papalapit doon at gulat na gulat naman ako ng sinadya niyang binasag ang tasa na ginamit niya kanina.
Napatingin naman siya sa akin at nagpapanggap na parang gulat siya sa ginawa niya.
"Ay nabasag, pasensya na...paki linis naman nito", sabi naman niya sa akin dahilan para naiinip ako sa kaniya. Kinuha ko ang walis na nasa sala at umakyat pabalik. Padabog akong pumasok sa kwarto niya at itinapon ang walis sa mukha niya.
"Ikaw ang maglinis niyan", sabi ko sa kaniya at walang emosyong tinitignan siya. Gulat na gulat siya at sumigaw sa galit. Hinablot naman niya ng malakas ang buhok ko na parang matanggal na ito.
"Aray!", sigaw ko sa sakit ng ulo ko at lakas ng paghablot niya sa buhok ko. Hinablot ko rin ang buhok niya dahilan para magsabunutan kami. Bahagyan naman akong natigilan ng nakatayo na sa harapan namin si Donya Kalosera. Binitawan naman kaagad ni Gracia ang buhok at nagpapanggap na ako ang naunang nagsabunot sa kaniya.
"Aray! Ina, ano bang klaseng kasambahay ang kinuha natin? Mapanakit", sabi niya pa at nagkunwaring naiiyak siya sa kalagayan niya. In short pa-victim. Tinignan naman ako ng masama ni Doña Kalosera at bigla ring dumating si Nenita at ngayon ay nakatayo sila sa harapan namin ni Gracia.
"Anong ginagawa mo sa anak ko?!", galit niyang sabi at marahas na hinawakan ang pisngi ko sa isa niyang kamay.
"Ano na namang kahibangan ang ginawa mo Gracia?", tanong ni Nenita at walang emosyong tinitignan si Gracia na nakasandal malapit sa pintuan. Nakakunot noong napatingin si Gracia kay Nenita.
BINABASA MO ANG
Amore Infinito | Completed |
Tarihi Kurgu(A love story behind Philippine History) I'm Celestine Alfaro, 18 years of age I love books ,I hate boys and I'm NBSB dahil daw sa aking mala maldita kong katangian. I'm a big dissapointment to my dad. But One day, nagbago ang buhay ko nung ako ang...
