CAPITULÒ 17

909 26 3
                                    

Ghufelina's P.O.V

"Umuwi kana Ginoong Leonardo bago pa may ibang makakita sa inyo" Sabi ni Lola Armenia at nag bow sa kaniya. Tinignan naman ako ni Leonardo at napatingin rin ako sa kaniya.

"Sige po Lola... Binibining Ghufelina yung pananalita mo lang ang babaguhin mo. Pwede ka ring magpaturo sa akin sa sunod" Sabi niya pa at Napa tango nalang ako sa kaniya. Hinatid ko muna siya sa secret passage way namin.

"Mag-ingat ka leonardo" Sabi ko sa kaniya at napangiti Lang siya sa akin hanggang tuluyan na siyang lumayo.

Hindi ako gagawa ng bagay na alam ko naman na ikapahamak sayo

Hindi ako gagawa ng bagay na alam ko naman na ikapahamak sayo

Hindi ako gagawa ng bagay na alam ko naman na ikapahamak sayo

Oo tama kayo! Paulit-ulit yan nag eecho sa utak ko. Hindi parin maalis sa isipan ko ang mukha ni Rhavene.

Naku Rhavene bat ka ba di maalis sa isipan ko. Hala nakalimutan kong magpasalamat kay Leonardo! Sulatan ko nalang siya=_=

Bumalik ako sa Hardin at agad akong pumasok sa kwarto. Kumuha ako ng papel at feather ng manok haha pati ink.

Leonardo,

Salamat pala sa inilaan mong oras para maging hurado sa kilos ko. Sana'y maulit muli iyon at gusto kong ikaw na ang magturo sa akin sapagkat parang shunga sila ni Lola Armenia at Lydia. Ikaw ay Prinsipe at naniniwala ako na alam mo rin ang kilusan ng isang Prinsesa. Yun lang basta salamat ng marami

Nagmamahal joke lang di Kita Mahal,
Ghufelina Alonso^_^

Oo mukha akong shunga magsulat ng liham pero bahala siya. Hays!nakakapagod ang araw nato pero at least Celestineee may improvement hehe. Sa sobrang pag-iisip nakatulog na ako.

Leonardo's P.O.V

Nakauwi na ako galing sa palasyo de Almanzar. Hindi parin mawala sa isipan ko ang mga nakakatawa na mukha ni Ghufelina kanina. Mas natutuwa ako kapag na-aasar siya. Habang inalala ko siya ay bumalik na naman ang mga pangyayaring una ko siyang nakita.

Yung tinapunan ng mukha ko ng kamatis. Aaminin ko na nagalit at napikon ako sa kaniya noon.

Flashback

"Sino ba ang babaeng iyon?", tanong ko sa isang lalaking Indio

"Ha-ehh- anak anakan yun ni Luciana Alonso Prinsipe habang yung kasama niya ay si Isabella" Sabi niya sabay yuko sa akin. Tuwing kakausap ako sa mga tao ay nauutal sila kaya mas lalo lang akong magalit

"Sino nga? Di ko tinanong ang pangalan ng kasama niya. Yung nagtapon sa akin ng kamatis!" Galit Kong tanong sa kaniya at mas lalo lang siyang kinabahan.

"Si Binibining Ghufelina Alonso" Sabi ng mahirap na lalaki. Hmm Ghufelina sabay hawak hawak sa baba ko.

"Saan ba siya nakatira?" tanong ko sa mahirap na lalaki.

Amore Infinito | Completed |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon