Hindi ako makapaniwala na nandito si Rhavene at basang basa na siya sa ulan. Hindi naman ako nakagalaw ng makita ko siya dahil sa gulat. Agad naman siyang lumapit at niyakap niya ako ng mahigpit. Tinignan niya ako ng seryoso sa aking mga mata at hinalikan ang noo ko.
"Feliz navidad mi amor ( Merry Christmas my love ), tugon niya pa sa akin, niyakap ko naman siya pabalik at nanabik na ako sa kaniya. Miss na miss ko na siya. Pagkatapos naming magkita sa birthday niya ay ngayon lang kami nagkita.
"Pasok ka muna nako! Baka magkasakit ka dyan!", galit kong tugon sa kaniya at kiniladkad papasok sa bahay nila ni Donya Kalosera. Tutal wala naman sila dito kaya agad agad akong kumuha ng damit na sa tingin ko ay damit ito ng ama ni Nenita at kumuha rin ako ng tuwalya para punasan at magbihis siya.
"Oh ayan" inilahad ko sa kaniya ang mga damit at tinanggap naman niya ito. Ang damit na ito ay kulay puti na parang t-shirt lang. Pinunasan niya naman ang kaniyang mukha at ang kaniyang katawan. Basang basa siya ngayon ngunit gwapo niya parin kyahhh! Wet look hehe. Mas nagulat naman ako ng pinunasan niya ang katawan niya dahilan para Makita ng kaunti ang abs niya?!!! Wahhh! Sheety shets. Sherep huhuhu T__T.
"B-binibini, tumalikod ka muna. Madali lang ito", nauutal niyang sa akin dahilan para matinag ako sa kakapantasya sa kaniya. Wewss.
"A-ay sige hehe", gosh baliw ka talaga Celestine. Napakagat naman ako sa pang-ibabang labi ko bilang pagpigil sa kilig huhuhu.
"Pwede ka ng humarap", sabi niya pa at nakabihis na ito sa pang itaas. Kinuha ko naman ang damit niya at lumabas ng bahay para isampay sa sampayan ang damit niya tapos pumasok na uli ako sa loob.
"Mabuti at nakita mo ako Rhavene.. paano mo nalaman?", sabi ko sa kaniya at ngumiti naman siya sa akin. Di parin maawat ang kasiyahan ko ng Makita ko na siya ulit.
"Ghufelina, kahit saan kapa magpunta kahit mawala kaman ay hahanapin pa rin kita", sabi niya sa akin at hinawakan niya pa ang kamay ko. Pinunasan rin niya ang mga luha kong kanina lang hindi maawat sa pagpatak.
"Maraming salamat Rhavene, akala ko pa naman na nakahanap kana ng sidechix--- ay este ibang binibini doon", nagtatampo kong sabi sa kaniya at niyakap naman niya ako ng mahigpit.
"Walang lalamang sa'yo at alam mo yun", tugon niya pa sa akin at hinalikan na naman ako sa pisngi. Hep! Iilan na yung kiss niya! Hmmp! Nakangiti siya sa akin ngayon ng parang may balak siya.
"H-hoy anong klaseng tingin yan?!", sabi ko sa kaniya at di naman siya kakatigil sa kakangiti. Kyah! baka matunaw na ang puso ko sa mga ngiti niya.
"Ako'y nangungulila sa'yo sinta at ngayon ako'y nanabik sa iyong mga halik at yakap, pwede ba kitang halikan?", diretsong tanong niya sa akin. Wahhh! Omayg! Walang pasikot sikot at direct to the point pa wahhh!. Wala naman akong maisagot at nakatingin lang siya sa aking mga mata. Nagulat naman ako na dahan dahan siyang napatingin sa aking mga labi. Wahhh!
"Ha-ha" pekeng tawa nalang ang naisagot ko sa kaniya. Di parin nawala ang mga ngiti niya at smirk pa ito. Wahhh! Nagulat naman ako ng dahan dahan siyang lumapit sa akin at nakangising nakakaloko parin ito. Dahil paatras at paatras ako hanggang na corner na niya ako tapos--- tapos kyahhh! Ang lapit ng mukha namin at nararamdaman ko ang mainit niyang hininga.
"A-Ahm Rhavene?", tanong ko sa kaniya parang nawalan ako ng boses sa lakas ng kabog ng dibdib ko at bumaba na naman ng tingin at tinignan ang aking mga labi. Dahan dahan naman niyang ipinikit ang kaniyang mga mata at inilapit ang mukha niya sa akin at ipinikit ko na rin ang mga mata ko.
Ngunit mga ilang Segundo na wala parin ang kaniyang mga malalambot na labi! Dahan dahan ko namang binuksan ang mga mata ko at pinagmasdan niya ako habang nakapikit pa ako at ayan tuloy tinignan niya ako ng ngiting mapang-asar hmp!.
BINABASA MO ANG
Amore Infinito | Completed |
Historical Fiction(A love story behind Philippine History) I'm Celestine Alfaro, 18 years of age I love books ,I hate boys and I'm NBSB dahil daw sa aking mala maldita kong katangian. I'm a big dissapointment to my dad. But One day, nagbago ang buhay ko nung ako ang...
