Glezerina's P.O.V
Nang matapos ang usapan namin ay bumaba na ako gamit ang lubid. Alam ko na kaya ni Ghufelina ito. Pasensya na Ghufelina sapagkat nagsisinungaling ako, matagal akong mawala at sabik na sabik na akong makasama ang aking minamahal na si Vicente. Agad naman akong pumasok sa Kalesa at nagpahatid sa aking mapagkatiwalaan na kutsero. Mamaya ko nalang pupuntahan si Binibining Luciana baka masermonan na naman niya ako. Mas gusto ko pang Makita ang aking iniirog. Nagpahatid ako sa aming madalas na pagkikitaan ang lugar na kung saan doon ko siya unang nakita. Naalala ko pa ang aming unang pagkikita, na kung saan nahulog kaagad ako sa kaniya.
Pagbabalik tanaw
Ito ang kauna-unahang pinapayagan ako ng aking Ina na lumabas sa palasyo, palagi lang kasi akong nasa aming kaharian. Nagmumukmok sa kwarto. Mas gusto ko pa ang buhay ko dati na kung saan magkasama kami ng aking kambal na kapatid sa pasyalan at malayang naglalaro. Napakasaya ko ngayon at gustong gusto kong Makitang muli ang tanawin sa labas ng palasyo. Ika 16 na edad ko na ngayon at sa wakas pinayagan na akong lumabas. Pero Hindi naman ako malayang gawin ang gusto ko kasi may apat na gwardiya personal ang nakabantay sa akin. Iginala ko ang aking mga Mata at napasinghap ng masariwang hangin. Napakaganda sa pakiramdam. Nang nainip na ako sa kakasunod sa akin ng gwardiya personal sa akin ay ipinaalis ko muna sila kahit mga ilang minuto lang, gusto kong malaya. May nakita akong punong mangga at agad tumakbo patungo doon pero sa kasamaang palad nadapa ako. Napaiyak naman ako dahil sa sakit ng tuhod ko at nakita kong may sugat ito. Nagulat naman ako ng may biglang nagsalita.
"Binibini, tumayo ka diyan" sabi ng isang boses lalaki. Napatingin naman ako sa nagsasalita at nakasuot ito na parang magsasaka ang kaniyang damit. Inabot ko naman ang kaniyang kamay pero masakit parin ang tuhod ko. Agad naman niya ako inalayan.
"Mukhang malala ang sugat mo, dapat gamutin na natin yan baka magalit magulang mo. Galing ka pa naman sa mayamang pamilya" sabi niya at ipinaupo ako malapit sa punong mangga. Umalis muna siya at pagbalik niya ay may dala dala na siyang Dahon, di ko Alam kung ano ang pangalan ng dahon na iyon. Pinipiga niya ito at sa sugat ko at kumirot naman ito ng kunti, hindi ko pinapahalata sa kaniya na nasasaktan ako doon.
"Ayos lang naman sa akin kung sabihin mo na nasasaktan ka" sabi niya at ngumiti sa akin. Napatulala naman ako sa mga ngiti niya. Napakaginoo niya at makisig pa. Ngumiti lang naman ako sa kaniya pabalik.
"Ano ba ang pangalan mo" dagdag niya pa
"Ako si Glezerina Alo-- ay este Almanzar" ngumiti ako sa kaniya at agad naman siyang nagulat. Nagtaka naman ako kung bakit.
"Ikaw pala ang misteryosong Prinsesa na gustong Makita ng karamihan. Napaka swerte ko naman sapagkat nakakita na ako sa iyo. Isa pala akong Hardinero sa palasyo de Almanzar pero kahit kailan ay di kita nakita" sabi niya at nakangiti na tumingala sa mga langit. Napangiti naman ako. Isa akong misteryoso kasi kahit kailan ay ayaw ko na lumabas sa palasyo kasi nahihiya ako na nagpakasaya ako dito habang ang kapatid ko naman at ama ay naghihirap doon sa Dapitan. May mga okasyon o pagtitipon tipon ay minsan lang akong pupunta at minsan naman ay mawalan ako ng gana lalong lalo na't maalala ko ang aking kapatid at ama. Nagalit naman ang aking Ina at hindi niya ako payagang lumabas ng palasyo kasi yun naman daw ang aking gusto na makulong doon. Sa una, ay masaya ako na di na ako lalabas pero sa paglakbay ng panahon ay nag iba ang iniisip at gusto ko ng lumabas sa palasyo.
BINABASA MO ANG
Amore Infinito | Completed |
Historical Fiction(A love story behind Philippine History) I'm Celestine Alfaro, 18 years of age I love books ,I hate boys and I'm NBSB dahil daw sa aking mala maldita kong katangian. I'm a big dissapointment to my dad. But One day, nagbago ang buhay ko nung ako ang...
