CAPITULÒ 36

668 20 2
                                    

Umuwi na kami galing Parke at pagod na pagod dahil sa dami ng basurang nakatambak doon. Pumasok naman ako sa kwarto ko sa dormitoryo at nagpahinga muna dahil sa pagod. Dahil wala akong magawa ngayon ay sinusulatan ko lang si Rhavene.

Mahal kong Rhavene,
Kamusta kana?, Heto ako napapagod ngayon dahil pinalinis kami sa parke. Ikaw kamusta kana dyan? Miss na Kita kahit bago ka palang umalis :(

Nagmahal,
Celestine

Hindi ko to ibibigay kay Rhavene siyempre dalagang Pilipina tayo kaya dapat hintayin natin na siya ang maunang magpadala ng sulat. Hays hintay hintay lang.

"Binibining Ghufelina, nandito si Leonardo", sabi ni Isabella na ikinagugulat ko. Agad ko namang itinago sa box of evidences ang sulat na ginawa ko para kay Rhavene. Bakit nandito si Leonardo?

"Sige papunta na ako", tugon ko kay Isabella at napatango naman siya tsaka umalis. Hmm bakit Kaya? Omayyyg! Ngayon ko lang naalala na hindi ko pala nasagot ang tanong niya. Di ko siya gustong harapin ngayon kaso naawa naman ako sa kaniya.

Kaya bumaba ako galing kwarto at lumabas. Paglabas ko ay agad bumungad si Leonardo. Nakangiti siya sa akin ngayon. Ngumiti nalang ako sa kaniya pero medyo may kirot ang puso ko dahil naawa talaga ako sa kaniya. Kung pwede lang na kunin ko ang pagmamahal niya ay matagal ko ng ginawa.

"Ghufelina, alam ko na naiisturbo kita ngunit maari ba kitang makausap kahit saglit lang?",sabi niya sa akin at may dinala pa siyang Rosas at ibinigay iyon sa akin.

"Ayos lang naman", sabi ko sa kaniya at tinanggap ang rosas na ibinigay niya. Kulay pula ito at wala na itong tinik.
"Dun tayo malapit sa lawa para walang taong maka disturbo sa ating pag-uusap", tugon ko sa kaniya at ngumiti naman siya ng bahagyan. Naglakad kami patungong lawa at napakatahimik namin

*Awkward*. Gosh! Help me ayaw ko talaga sa lahat ay yung maging awkward ang sitwasyon.

Di nagtagal ay umabot naman kami kaagad sa lawa kaya umupo na ako at tumabi naman siya sa akin.

"Ang ganda dito noh? Ang peace-- ay este ang payapa ng lugar dito", Sabi ko sa kaniya habang nakangiti ngunit nakatingin lang ito ng seryoso sa akin. Nagulat naman ako na inilapit niya dahan dahan ang kaniyang mga mukha sa akin. Napaatras naman ako gamit ang aking mga kamay.

Now playing: Dahan by December Avenue

Di na muling luluha
'Di na pipilitin pang ikaw ay aking ibigin
Hanggang sa walang hanggan

'Di na makikinig ang isip ko'y lito
Malaman mo sanang ikaw ang iniibig ko

"Leonardo...", sambit ko sa pangalan niya.

At kung hindi man para sa akin
Ang inalay mong pag-ibig
Ay 'di na rin aasa pa
Na muling mahahagkan

"Pasensya na binibini, di ko lang napigilan ang aking sarili" sabi pa niya sa akin at nakayuko na ito.

Dahan dahan mong bitawan
Puso kong 'di makalaban
Dahil minsan mong iniwan
Labis na nahihirapan

Amore Infinito | Completed |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon