Natapos na ang pakikipag sayaw kasama ang ama ni Prinsipe Rhavene at hinatid niya naman ako sa table kung saan ako nakaupo kanina kaso wala na si Rhavene. Nakita ko naman si Leonardo na may kausap siyang lalaki at nagulat naman ako ng malaman ko na siya pala yung painter. Si Alejandro ba Yun? Magkaibigan pala sila? Hmmm.
Di ko naman masyadong pinansin iyon at hinanap ko si Rhavene. Di ko alam kung bakit ang bilis ng tibok ng puso ko basta maisip ko siya. Kinabahan na medyo excited yung feeling ko. Naalala ko naman ang sinabi ni Don Ramon kanina na palagi siyang binabangungot si Rhavene tungkol sa batang kapangalan ko na si Celestine...
Umiiling iling naman ako at pilit inalis ang mga nasa isip ko. Hinanap ko parin siya pero Wala akong Makita. May nakita naman akong dalawang anino sa gilid kaya dahan dahan ko iyong pinupuntahan. Nagulat naman ako ng makitang magkausap si Helaria at Rhavene...
"Rhavene, Mahal kita. Bumalik ka na sa akin" sabi niya pa at biglang niyakap si Rhavene. Gosh! Nagmukha siyang desperada sa ginawa niya. May nakita akong luha sa mga Mata ni Helaria.
Dahan dahang inalis ni Rhavene ang mga kamay niya sa kakahawak sa kay Rhavene.
"Ngunit binibini, huwag mo na pilitin ang sarili mo sa akin dahil may Mahal na ako", Sabi ni Rhavene at nakakunot pa ang noo nito habang nakatingin Kay Helaria.
"Sino? Si Glezerina ba?! Ang babaeng iyon?" Galit na galit niyang tanong ni Rhavene.
"Oo", walang pagdadalawang isip na sinagot ni Rhavene ang tanong niya. Bigla naman niyang niyakap si Rhavene ulit.
"Hindi! Hindi ako maniniwala, Alam ko na ginamit mo lang siya para makalimutan ako" hagulhol na sabi ni Helaria sa kaniya at niyakap niya ito ng mahigpit si Rhavene. Kaso si Rhavene ay nakatayo lang Doon at nakatingin sa malayo.
Bahagyan niyang itinulak si Helaria papalayo sa kaniya.
"Hindi yan totoo, mahal ko si Glezerina. Ngayon ay umalis kana Binibining Helaria bago pa makita tayo ng ibang tao... Ayaw kong maghiwalay kami ng dahil lang sa'yo" seryoso niyang sabi kay Helaria. "Kung ayaw mong umalis, ako nalang" dagdag niya pa at dahan dahang naglakad papalayo. Nang Makita kong papunta rito si Rhavene ay agad naman akong tumago para di niya ako Makita. Mabuti naman ay di niya ako nahalata kaya sinilip ko naman si Helaria.
Napaluhod siya sa lupa at umiyak ng umiyak. May kaunting kirot ang puso ko ng Makita ko siyang nagkakaganito. Nagmahal lang siya, pero... Di naman niya iiwan ni Rhavene kung di niya yun ginawa. At kung di sila nagkahiwalay ay di sana umibig si Rhavene sa akin.
Wala ako sa sariling pinupuntahan ko siya. Napatingin naman siya sa akin at galit na galit.
"Ano?! Natutuwa ka naba? Natutuwa ka na bang Makita akong nasasaktan?!! Magsalita ka?!!" Sigaw niya sa akin at napahagulhol na naman ulit. Umupo naman ako at hinaplos ang likod niya.
"Maging maayos rin ang lahat" yun lang ang lumabas sa bibig ko.. Ang daming gusto kong sabihin kaso di magawang gumalaw ang mga labi ko.
"Hindi maayos ang lahat kung nandiyan ka! umalis ka dito, kailangan mong mamatay. Bumalik ka sa panahon mo!", sigaw niya pa sa akin. Bigla naman akong nanigas at natigilan sa sinabi niya.
Bumalik ka sa panahon mo
Anong ibig sabihin niya? Di kaya siya talaga si mahinhin girl? Akala ko kasi na kamukha lang niya ito. Nagulat pa Rin akong napatingin sa kaniya. Tumayo siya at pinagpag ang kaniyang saya at pinunasan ang luha niya.
"Di ko hahayaang magtatagumpay ka, Celestine..." sabi niya pa at mas lalo akong nagulat ng binanggit ang pangalan ko. Bigla akong kinilabutan ng binanggit niya ang pangalan ko. Ngumisi siya sa akin at iniwan niya ako doong nakatulala sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
Amore Infinito | Completed |
Ficção Histórica(A love story behind Philippine History) I'm Celestine Alfaro, 18 years of age I love books ,I hate boys and I'm NBSB dahil daw sa aking mala maldita kong katangian. I'm a big dissapointment to my dad. But One day, nagbago ang buhay ko nung ako ang...