Patuloy na naglalakad papalayo si Rhavene kaya naiwan nalang kami ni Leonardo dito. Biglang kumirot ang puso ko na hindi ko man lang siya napigilan.
Bakit ganyan siya umaasta? Gosh! Nagduda na tuloy ako sa kaniya.
Di Kaya????! Wahhhhhh!!! Bakla siya?! at nag seselos siya samin ni Leonardo? Eh paano naman yung tula na ibinigay niya sa akin? Baka ipabigay niya ito kay Leonardo. Tama ka Celestine! Di para sa iyo ang tulang iyon! Ouch assume pa more... Pero binibini naman yung nakalagay dun ah!
Nagkatinginan naman kami ni Leonardo at sa pagkakataong ito ay napayuko siya ng magtama ang mga paningin namin baka dahil nahiya lang siya... Ang tahimik parang mabingi ako dito. Gosh!
*Awkward*
"P-prinsesa.. hihintayin ko ang sagot mo. Aalis na ako, paalam" sabi ni Leonardo at napabow pa siya sa akin. Tumango naman ako sa kaniya at ngumiti para hindi maging awkward ang awra. Naglalakad naman siya papalayo at naiwan ako ditong nakatulala. Arg! nakaka stress mag-isip sa dalawang mokong na yun. Pumasok na ako sa palasyo, nang pumasok ako ay naka upo si ama at Ina sa kanilang truno. Napapansin ko lang na may painter sila at sila ang iginuhit nito. Bago palang sila nagsimula. Nakita naman ako ni Ina at Ama binigyan nila ako Ng matamis na ngiti.
"Anak, hali ka dito magpagawa tayo ng obra para ilagay sa kwarto namin ng ama mo" sabi ni Ina. Hayss! Pagod ako eh, pero no choice kailangan ko susundin ang Ina ko. Tumigil muna ang painter. Napatingin naman ako sa kanila at ang unfair nila T___T kasi nakaupo sila at ako naman dito ay nakatayo. Nandito ako sa gitna nila.
"Ngumiti ka anak" sabi ni ama at sinunod ko naman siya. Nakatayo lang ako dito at medyo naiinip na. Eh sino bang naiinip eh pinapatayo Niya nila ako hmmmp!
Halos ilang minuto rin akong nakatayo dito pero ni minsan ay di ako nagreklamo ah! Bait ko kaya hehehe. Napansin ko naman na nakangiting nakatingin sa obra ang lalaki. Anong nakakatawa? Natutuwa ba siya sa own work niya?.. hmmm. Nagulat naman ako ng biglang nagtama ang paningin namin at nagulat rin siya kaya iniwas niya ang mga paningin niya. Tsk! So weird.
"Pwede ka ng umalis Prinsesa" Sabi ng painter at nakangiti pa ito sa akin. Hays salamat! Finally. Tinignan ko naman ang kaniyang obra ng makita ko na ako palang ang naguhit niya. Kaunti pa ang naguhit niya Kay ama at ina.
"Mabuti naman at di ka nagreklamo anak" sabi ni Ina at napatawa naman si ama sa akin. Ngumiti naman ako dito.
"Siyempre naman, maliit na bagay" sagot ko sa kanila at napangiti naman silang lahat sa akin.
"Hindi nga nagreklamo pero yung mga kilay ay halos magkatagpo na", pabulong na sabi ng Painter pero sapat na iyon para marinig ko ang sinabi niya?
0_0??? Hmp! Anong Sabi niya? Tinignan ko naman siya ng masama at pagtingin ko sa kaniya ay nakangiti na pala siya sa akin.
"Narinig mo pala Prinsesa? Pasensya na" sabi niya pa. Di naman nagtaka sila ama at Ina dahil busy sila sa pag-uusap. Tinignan ko naman ang obra at laking gulat ko ng makita ko na ang mukha ko sa painting ay nakakunot ang noo na parang kakain na ng tao. Wahhhhhh!!! Tinignan ko naman siya ng masama at padabog na naglalakad.
"Maraming salamat pala sa inilaan mong oras Alejandro" sabi ni Ina at nakangiti ito sa kaniya. Hmmm Alejandro pala pangalan niya?
"Manang Mana ka talaga kay Heneral Lorenzo" sabi naman ni ama pero patuloy parin akong naglalakad papalayo sa lugar nayun. Nang makarating ako sa kwarto ay agad naman akong lumundag sa kama.
Wahhhh! Di parin ako makamove on kay Leonardo. Ibang-iba na siya at nag confess pa siya sa akin wahhhh! Maybe I need help nila ni Lydia at Lola Armenia. Kailangan ko ng Advice sa kanila. Nakatulala parin ako na nakatingin sa itaas. Hmm.. tawagin ko kaya sila. Bumaba na ako sa kama at bubuksan ko sana ang pinto ng agad namang bumungad sa akin si Lola Armenia at Lydia. Nagulat naman ako at napahawak sa dibdib ko.
BINABASA MO ANG
Amore Infinito | Completed |
Ficção Histórica(A love story behind Philippine History) I'm Celestine Alfaro, 18 years of age I love books ,I hate boys and I'm NBSB dahil daw sa aking mala maldita kong katangian. I'm a big dissapointment to my dad. But One day, nagbago ang buhay ko nung ako ang...
