CAPITULÒ 47

769 28 9
                                        

"Ghufelina, bakit ka umiyak?", tanong ni Glezerina. Hindi naman ako makasagot dahil masakit parin sa dibdib ang sinabi niya. Ganun nalang ba ang lahat?! Kalimutan at ipinagtaboy niya lang ako?

Nakatingin parin ako sa papalayong Rhavene at sinundan naman ni Glezerina ang mga tingin ng mata ko dahilan para makita niya ito.

"Halika na Ghufelina", tawag niya sa akin ngunit di parin tumigil sa pagtulo ang luha ko. Ulit niya pang tawag sa akin at tumayo naman ako sa kinauupoan ko.

Niyakap niya naman ako at hinaplos ang likod ko. Dahil sa ginawa niya ay mas Lalo lang akong naiyak.

"Huwag kanang umiyak, nandito lang ang kapatid mo", dagdag niya pa at pinunasan ang mga luha ko.

"Bakit ba ako iiyak?, Kasalanan ko naman kung bakit napunta siya sa iba", sabi ko sa kaniya at umiyak.

"Hindi mo kasalanan iyan, kung totoong mahal ka niya ay di siya hahanap ng iba", sabi niya sa akin. Hinawakan niya naman ang kamay ko. Dinala niya ako papauwi, pag-uwi namin ay agad niya ako pinainom ng tubig.

"Hays, sana hindi nalang kita dinala doon.. di mo sana makita pa si Rhavene", sabi niya habang hiniwa niya ang karne. Hindi naman ako makasagot dahil sa sakit ng ulo ko.

Humiga naman ako saglit at pinikit ang aking mga Mata, hanggang sa dahan dahan akong nakatulog...

***

"Huwag daddy!", iyak ko ng walang pigil na paglatigo sa akin ni daddy. Pinagbintangan niya ako kahit di naman ako ang nakabasag ng vase.

"Davidson! Tigil mo na yan, hindi mo nga alam kung sino talaga ang nakabasag nun", wika ni mommy na galit na galit kay Daddy.
Nakita ko naman si Kuya Cazumi na nakangising nakatingin sa akin. Siya naman talaga ang nakabasag ng vase eh!

"We all know that she is clumsy! Alangan naman si Cazumi?", galit na utal ni Daddy at padabog na lumabas ng kwarto. Agad naman akong niyakap ni Mommy.

"Celestine, it's okay. Nandito lang si Mommy ha", sabi niya at bigla namang sumulpot si Lola Catalina na may dala dalang plastik at sa tingin ko ang laman doon ay pagkain. Dahil sa nahiya ako na Makita ako ni Lola Catalina na umiyak ay agad akong tumakbo papalabas ng bahay.

"Celestine!", tawag sa akin ni Mommy pero di ko lang iyon pinansin. Hagulhol akong umiyak habang tumakbo. Namalayan ko nalang na nasa Parke na pala ako.

Umupo nalang ako sa lupa at yumuko para iiyak ang lahat ng masakit kong nararamdaman.

Naramdaman ko nalang na may humaplos sa likod ko.

"Sabi nila, kapag malungkot daw yung tao ay dapat humanap ka ng paraan para mapasaya ito ulit", sabi ng bata ang boses at nilingon ko naman ito. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kaniya dahil nag wacky siya eh! Para siyang tuko hihi.

"Salamat ha dahil humanap ka ng paraan para mapasaya ako", nakangiti kong tugon sa kaniya at ngumiti rin siya sa akin ng napakalapad.

"Ano ba pangalan mo?" tanong ng batang lalaki sa akin.

"Ako si Celestine!", ngunit natigilan ako ng biglang tumigil at nawala ang lahat, naging puti ang paligid. Tinignan ko naman ang suot ko at laking gulat ko na ang sinuot ko ngayon ay ang suot na baro't sayo ngayon.

Amore Infinito | Completed |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon