Inabutan ako ng kamay ni Glezerina at tinulungan niya akong makatayo. Laking gulat ko parin na nandito na ang kambal ni Ghufelina na si Glezerina.
"Anong nangyari sa iyo, Ghufelina?" nag-alala niyang tanong. Di naman ako makasagot kasi malungkot parin ako nang ninakaw ng batang lalaki ang bracelet Kung iyon. Nakakalungkot lang kasi wala ng makakaintindi sa akin T__T.
"Alam mo ba na hinahanap kita simula kanina kasi nabalitaan ko na pumunta kayo sa Maynila dahil ipatingin ka daw sa doktor" sabi pa ni Glezerina. Agad naman akong napatango na lang.
"Ano bang nangyari sa'yo? Hindi kana makakasalita Ghufelina? Kaya ipapatingin ka ni Nanay Luciana sa doktor?" Sabi niya sabay hawak sa bibig niya with matching shock expression. Agad naman akong napakunot ang nuo sa sinabi niya. Hays daldal mo kasi. Wala ako sa mood eh!
"Hindi" matipid kong sagot. Wag kang padalos dalos Celestine! Baka isa siya sa mga kalaban mo.
"Ghufelina, napakasaya ko kasi pinansin mo ko hindi mo na ako iniiwasan" masaya niyang sabi sabay hawak naman sa mga kamay ko.
So ang totoong Ghufelina ay iniiwasan siya? Bakit ba?. Iiwasan ko rin ba siya? Wag na Celestine kasi pinansin mo na siya
"Ganun ba? Ako Rin" tapos ngumiti ako sa kaniya. Napangiti Rin siya sa akin at niyakap niya ako. Omaygad sobrang clingy naman niya. Ayaw ko muna gumawa ng problema kaya chill Lang ako.
"Ayiee hindi mo ko matiis Noh? Hehe" sabay tusok niya sa kiliran ko. Ako naman ay parang uod na umiiwas sa tusok niya.
"Tigilan mo nga yan binibini" sabi ko naman sa kaniya at tinaboy ko ang kamay niya.
"Ahm Ghufelina may kailangan kasi ako" sabi niya sabay binigyan niya ako ng puppy eyes.
"Ano?", Sabi ko naman sa kaniya. Kaya pala mabait kasi may kailangan.
"May napupusoan kasi ako eh at isa siya sa mga tagapagsilbi sa kaharian kaso ipinagsundo kami ni Prinsipe Rhavene kaya nahihirapan akong lapitan si Vicente kasi ayaw naman ni Ama sa kaniya HUHUHUHU" sabay iyak niya naman. Wahhh OH EM G! nag emote siya.
"Edi sabihin mo sa ama mo na hindi mo gusto si Prinsipe Rhavene at mas gusto mo yung tagapagsilbi niyo" Sabi ko sabay crossed arms. Duh Easy!
"Ano?! Magagalit si Ama kasi dapat daw na ang Prinsesa ay para sa Prinsipe lamang at Wala ng Iba" sabay iyak niya pa. naawa naman ako sa kalagayan niya. Mukhang Mahal na Mahal Niya talaga ang lalaking iyon na ayaw niya magpakasal sa Prinsipe na mayaman na, gwapo pa! Hahahha joke lang.
"At ano naman ang magagawa ko sa sitwasyong iyan? Abir?!" Sabi ko at nakapamewang na tanong ko sakaniya.
"May naisip akong paraan"- Glezerina
"Ano naman iyon?" tanong ko naman sa kaniya.
"Gusto ko na magpapanggap ka muna bilang ako, kasi gusto kong makasama si Vicente bago tuluyan na akong ipakasal ni Prinsipe Rhavene" nagmamakaawa niyang sabi at hinawakan ang aking mga kamay.
"Sige na Ghufelina, maawa ka sakin" lumuhod na siya sa harapan ko. HALA! Seryoso talaga siya sa taong iyon.
"Tumayo ka nga dyan!" Sabi ko sa kaniya at inalayan siya tumayo pero pumiglas siya.
"Ayaw kong tumayo dito kung Hindi ka papayag" Sabi niya at tumingala siya sa kin. Napatingin naman ako sa kaniya.
"Ah ganun ba, sige aalis na ako. Wag kang tatayo ha, Lumuhod ka lang diyan" sabi ko at akmang aalis.
"Hoy, biro Lang naman. Ano kaba" Sabi niya. Ahw tatayo lang naman pala haha.
"Sige na Ghufelina, magpapanggap ka lang bilang ako tapos pag ayos na ang lahat tsaka pwede ka ng bumalik dito" sabi niya pa at nagmamakaawa. Wala namang mawala if I try diba? And if pupunta ako dun baka may makuha ako ng sapat na ebidensya! Tama! Celestine you're so smart hehe.
BINABASA MO ANG
Amore Infinito | Completed |
Ficción histórica(A love story behind Philippine History) I'm Celestine Alfaro, 18 years of age I love books ,I hate boys and I'm NBSB dahil daw sa aking mala maldita kong katangian. I'm a big dissapointment to my dad. But One day, nagbago ang buhay ko nung ako ang...