Ako ay abalang abala sa pagbabasa ng aking mga isinulat na liham para kay Rhavene, mga ilang araw na ring hindi ko siya nakita. Ang mga sulat na hindi ko ibibigay sa kaniya. Naalala ko parin ang sakit at pait na pinagdadaanan namin nung mga nakaraang araw. Ang buhay ko rin dito ay itiniis ang pagmamalupit nila at pagmamalasakit sa akin ni Nenita. Hindi na ako nag-isip pa ng masiyado at nandito ako sa loob habang nakakadena ang aking mga paa. Kinuha ko pa ang ibang sulat na tinago ko sa ilalim ng banig at binasa iyon. Sa tuwing babasahin ko ito ay babalik ang alala-alang iyon.i
Mahal kong Rhavene,
Mahal kita, Mahal na mahal kita... Kung alam mo lang talaga ang totoong nararamdaman ko. Kailangan mo muna tayong magparaya para sa kaligtasan nating dalawa. Masakit man para sa akin pero lahat ng ito ay aking harapin para sa ating ikabubuti
Nagmamahal,
Celestine
Sa tuwing babasahin ko ang sulat ko ay maalala ko ang nakakalungkot na pangyayari na yun...
Flashback (Day 1)
Inutusan ako ni Donya Helaria na linisin ang nasa labas ng mansion kaya sinunod ko nalang siya. Pero randam ko parin ang bigat na nararamdaman ko. Masakit parin na napipilitang kang iwanan mo ang mahal mo sa buhay. Abalang-abala ako sa pagwawalis ng may naramdaman akong presensya mula sa likod.
Agad akong natigilan na nasa tapat si Rhavene ng mansion at may namumuong luha sa nga mata niya. Wala siyang ibang sinasabi at tinignan lang ako.
"Anong kailangan mo?!", kunwaring naiirita kong tanong sa kaniya at patuloy na nagwawalis. Kung nandito siya sa tabi ko ay mas masasaktan lang ako.
"Hindi ako titigil hanggat di ka bumalik sa akin", Sabi niya pa at may tumulong luha sa mga mata niya. Pansin ko lang na namamaga ang kaniyang mga mata.
"Diba sabi ko sa'yo na tumigil kana?, hindi paba yon sapat?", sabi ko sa kaniya at tinignan ko siya ng parang walang emosyon.
"Hindi ako maniwala, kung ganon ay harapin mo ako, sabihin mo sa harap ko na hindi mo na ako Mahal", sabi niya pa at lumapit sa akin. Tinignan niya naman ako ng maigi sa mata at naghihintay sa sasabihin ko. Gusto kong umiyak, gusto ko siyang yakapin. Pero pinigilan ko ang lahat ng iyon dahil sa oras na magkakamali ako ng galaw ay mababago ang lahat.
"H-hindi na kita Mahal!", sigaw ko sa kaniya at tumakbo ng mabilis. Iniwan ko siya sa labas. Tumakbo naman ako sa kwarto ko at Doon ko inilabas ang sakit ng nararamdaman ko ngayon. Umiyak ako ng palihim, kinuha ko ang unan ko at itinapik sa bunganga ko para di nila marinig ang iyak ko.
End of flashback
Sariwa parin ang masakita na pangyayaring iyon. Pero hindi ako nagsisisi sa ginawa ko dahil para lang ito sa ikabubuti naming dalawa.
Kinuha ko naman ang ikalawang liham na isinulat ko at binasa iyon.
Mahal kong Rhavene,
Alam ko na nabigla ka sa nalaman mo ngunit ang totoo niyan ay ikaw talaga ang Mahal ko. Wala ng iba.. Alam mo naman na ang pag-ibig ko sa'yo ay parang Amore Infinito... Hinding hindi magtatapos...
BINABASA MO ANG
Amore Infinito | Completed |
Historical Fiction(A love story behind Philippine History) I'm Celestine Alfaro, 18 years of age I love books ,I hate boys and I'm NBSB dahil daw sa aking mala maldita kong katangian. I'm a big dissapointment to my dad. But One day, nagbago ang buhay ko nung ako ang...
