CAPITULÒ 34

759 27 18
                                        

Glezerina's P.O.V

Nandito kami ngayon sa hapag-kainan at mainit pa rin ang ulo ko sa tuwing makikita ko si Helaria. Sa tuwing magtama ang mga mata namin ay agad siyang napayuko at takot na takot sa akin.

"Glezerina, Kamusta na pala ka'yo ni Prinsipe Rhavene?", tanong sa akin ni Ina. Tinignan ko naman siya ng walang gana.

"Ayos lang, gusto kong itigil ang aming kasal", sabi ko sa kaniya na ikinagugulat ni Ama at Ina. Nagkatinginan naman sila at parang nalilito pa ito sa sinabi ko. May masama ba akong sinabi? Tinignan ko naman sila ni Lola Armenia at Lydia na nakatingin na rin sa akin.

"Akala ko ba mahal mo siya anak?", tanong naman ni ama sa akin.

"Hindi, may sinabi ba ako?" pabalik kong tanong sa kanila na ikatahimik nilang dalawa.

"Kung ganon ay bakit sa tuwing magkasama kayo ay nakikita ko na ang saya ninyong dalawa? Hindi ba may nararamdaman na kayo sa isa't isa?", tanong ni Ina at nabitawan ko ang tinidor at kutsilyo na hawak ko. Totoo nga na umibig na sa isa't isa si Rhavene at Ghufelina. Alam na rin ni Rhavene na siya si Ghufelina kaya tama lang ang ginawa ko na itigil ang kasal namin.

"Nagkamali lang ka'yo. Lahat ng nakita niyo ay walang katotohanan", paliwanag ko sa kanila at nag babasakaling makumbinse sila ngunit hindi talaga magbago ang isip nila.

"Hindi na pwede itigil ang kasal sapagkat na sabi na namin at na anunsyo na ng buong bayan na kayong dalawa ay ikakasal sa darating na Enero 24", sabi naman ni Ina. Mukhang wala na talaga akong malulusotan dito. Medyo kinakabahan ako sa pwedeng mangyari.

"Sabihin mo sa lahat na hindi na matuloy", sabi ko sa kanila.

"Mag-isip ka nga Prinsesa Glezerina, nakakahiya naman sa pamilyang Antonio", sabi naman ni Ama. Oo nga, nakakahiya pero yun lang ang paraan para maging makapiling nila ang isa't isa at makapiling ko rin si ang iniirog ko na si Vicente.

Tama! Pupuntahan ko si Prinsipe Rhavene...

Di ko na tinapos ang kinakain ko at agad tumayo. Nagtaka naman sila ni Ama at Ina at tinawag ako ngunit di ko muling nilingon sila.Pumunta muna ako sa kwarto at inayusan ko ang sarili ko. Kumuha ako ng abaniko na gawa sa balahibo ng pabo at kulay puti ito. Agad akong bumaba sa hagdan at lumabas sa aming palacio. Sumakay ako ng kalesa at nakita ko naman ang matalik kong kaibigan na kutsero. Agad niya akong pinasakay.

"Dalhin mo ako sa Palacio de Antonio", tugon ko sa kaniya at walang pagdadalawang isip na sinunod ang utos ko. Muli kong nasilayan ang lugar na'to at masaya ako na nasilayan ko tong muli. Sa tuwing dadaan kami na maraming tao aya agad kong itatago ang mukha ko gamit ang aking abaniko. Tinago ko ang aking labi at ilong na tanging mata ko lang ang nakikita nila.

Hindi nagtagal ay agad kong nasilayan ang Palacio. Huminto ang kalesa sa tapat nito ng daan patungo sa loob dahil may mga gwardiya sibil na nakabantay sa palacio. Hindi kami papasukin sa loob kung hindi ako lumabas. Dahil na inip ako ay agad akong tumayo at bumaba sa kalesa.

"Soy la princesa de almanzar (I'm the Princess of Almanzar)" tugon ko sa kanila na napayuko sila sa akin.

"Lo siento señorita, puede entrar (I'm sorry señorita, you may come in)" sabi ng isang gwardiya sibil na nanginginig dahil sa takot. Ibinukas nila ang pintuan ang malaking pintuan.

"La princesa del palacio de Almanzar está aquí. ( The Princess of Almanzar is here )",
Anunsiyo ng Gwardiya sibil at may mga gwardiya sibil na luminya sa bawat gilid ko bilang pagbati sa pagdating ko ng palacio. Kusa nilang binuksan ang malaking pinto at agad bumungad sa akin ang pamilya ng mga Antonio ngunit ang hinahanap ko ay wala rito.

Amore Infinito | Completed |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon