Goodmorning! Wahhh ang aga kong nagising ngayon at di ko alam kung anong meron Basta maaga lang hihihi. Agad naman akong lumabas sa kwarto at natigilan ako ng Makita ko si Helaria na sinisigawan niya ang kapwa tagapagsilbi niya.
"Sa sunod tumingin ka naman sa dinadaanan mo!", mataray niyang sabi. Nandito pa ako ngayon sa itaas ng hagdan kaya di nila ako nakita. Nandito ang ibang tagapagsilbi ang iba naman ay napatakbo papalapit kina Helaria.
"Pero Binibining Helaria, kitang Kita ko sa mga Mata ko na ikaw ang unang bumangga sa kaniya" sabi naman ng isang tagapagsilbi at niyakap niya ang inaapi ni Helaria.
"Isa ka pa! Magsama ka'yo sisigura-" naputol ang sasabihin ni Helaria ng dumating naman si Lydia.
"Helaria, wag kang gumawa ng eksena dito. Porket tulog pa ang Hari at Reyna. Umaasta ka ng ganyan at ipinapakita mo ang iyong totoong kulay" matapang na sabi ni Helaria at pinatago niya sa likod ang babaeng walang kasalanan. Mas nagulat naman ako ng tinaasan niya ng kamay si Lydia at sinampal ito ng napakalakas. Napahawak naman si Lydia sa pisngi niya at parang iiyak na ito.
Di ko na napigilan ang aking sarili. Agad akong bumaba sa hagdan. Walang pagdadalawang isip na sinuntok ko ang mukha niya hanggang natumba siya.
"Sa susunod na gagawin mo iyan sa mga kaibigan ko ay di kana ulit makabangon" matapang kong sabi. Napahawak naman siya sa ilong niya at may lumalabas na dugo. Hinawakan naman ni Lydia ang kamay ko.
"Ghufelina, huminahon ka" pabulong na sabi ni Ghufelina at namumula parin ang mga mukha nito.
"Prinsesa...." sambit ng isang katulong at parang gulat na gulat pa siya sa ginawa ko kanina.
Nagulat rin si Helaria sa ginawa ko at agad tumakbo papalayo. Sinundan ko naman siya ng tingin. Hindi pwede sa Palasyong ito ang ma attitude. Napatingin ako sa kanila . Hays nakakaawa naman sila.
"Ayos lang ba kayo?" tanong ko sa kanila at napatango nalang sila.
"Maraming Salamat Prinsesa" sabi ng isang tagapagsilbi at ngumiti lang ako sa kaniya. Agad ko naman kiniladkad si Lydia papasok sa kwarto. Kumuha ako ng tela at agad bumaba sa hagdan tapos binasa ko iyon. Malamig naman ang tubig dito kaya pwede ito maging cold compress. Nakita ko si Lydia na nagmumuni lang sa labas. Lumapit naman ako sa kaniya at napansin naman niya ako kaagad. Sinawsaw ko sa malamig na tubig ang tela at pinuga ko iyon tapos inilagay ko ito sa pisngi niyang natamaan.
"Asan ba kasi si Lola Armenia?" naiinis kong tanong sa kaniya. Di naman siya makapagsalita at parang tulala pa ito sa akin. "Hoi!" tawag ko pa sa kaniya pero nakatulala pa rin ito sa akin. Nagagandahan ba ito sa akin o side effect sa sampal ni Helaria. Gosh! Gumising ka Lydia.
"Asan ba si Lola Armenia!!!!" sigaw ko sa harapan niya at nabalik na siya sa kaniyang sarili.
"Ang mga mata mo.... Nakakaakit" sabi niya pa at bahagyan naman akong natigilan. Wahhhh! May pagnanasa sa akin si Lydia! Humakbang naman ako papalayo sa kaniya.
"Ano nga ulit ang tanong mo?" , tanong niya sa akin at napabuntong hininga naman ako.
"Asan ba si Lola Armenia?", tanong ko na naman sa kaniya.
"Bumili siya ng kasangkapan para sa maging ulam niyo ngayon" sabi niya pa at tumango naman ako. Bakit ba si Lola Armenia ang inutusan nila? Sa dami dami ay Yung oldies ang pinapabili nila. Napatingin naman siya sa may pulang liham. Binalik na naman niya ang tingin sa akin at napatingin ulit sa pulang papel agad naman itong kinuha. Wahhhh! No way! Baka mabasa niya. Agad ko naman itong hinablot. Napakunot noo naman siya. Gosh! Bakit kasi iniwan ko to sa kama ko.
"Ano bang meron diyan? Mas lalo lang akong naghihinala kung anong laman diyan" sabi niya at lumapit pa siya sa akin. Wahhhhh! Di pwede. Tumakbo naman ako papalayo.
BINABASA MO ANG
Amore Infinito | Completed |
Tarihi Kurgu(A love story behind Philippine History) I'm Celestine Alfaro, 18 years of age I love books ,I hate boys and I'm NBSB dahil daw sa aking mala maldita kong katangian. I'm a big dissapointment to my dad. But One day, nagbago ang buhay ko nung ako ang...
