CAPITULÒ 16

936 33 4
                                    

"Huwag kanang magtago, dahil nakita na kita... Kanina lang" sabi niya pa sabay tingin sa aking mga mata.

"Ay! Sinong nagsabi na nagtago ako duh nag jogging ako oh! Jogging" Sabi ko pa sabay demonstrate ng Jogging.

"Jaging?" Naguguluhan niyang tanong.

"Ang jogging ay ehersisyo yan ay! basta wag kanang magtanong diyan!"suway ko sa kaniya at nag walk out bago pa ako makalayo ay hinawakan niya ang braso ko.

"Sandali lang! Tulungan mo ako sa pagpili ng susuotin ko sa paparating na kaarawan ni Reyna Valentina" sabi niya at napa kunot noo naman ako.

"Ano?! Bahala ka dyan" Sabi ko at pumiglas sa kaniyang pagkahawak sa aking braso.

"Sige ka! Isusumbong ko ang sekreto mo" Sabi niya at tinaasan ako ng kilay. I rolled my eyes on him. Aba! Nang Blackmail to ah! Wala na akong magawa kundi sumunod nalang ako sa kaniya. Baka masali pa si Glezerina.

Wala akong masabi at tumango nalang ako sa kaniya.

"Eto suotin mo ang aking sumbrero" Sabi niya at inilahad ang kaniyang sumbrero sa akin. Imbes na kunin ko yon at tinignan ko lang.

"Ano bang gagawin ko diyan?" naguguluhan kong tanong sa kaniya

"Pasensiya na binibini pero naghinala ako na wala kang utak di mo alam mag-isip. Alam mo naman na ikakasal kana, ano naman ang iisipin ng mga tao pag may kasama kang iba?" Sabi niya sa akin tapos may chin up pang nalalaman. Tama naman siya. Myghaad Celestine! Ba't di mo iyon naisip? Nagsimula na kaming sumakay sa Kalesa papuntang palengke.

Parang Pamilyar ang lugar na to ah! Ay oo nga! Dito kami bumili ni Rhavene ng regalo para sa kaniyang Ina pumunta kami sa may barong tagalong na nakabenta sa tindahan. Pumili naman si Leonardo Doon at ako naman ay pilit tinatago ang aking mukha sa tindera.

"Prinsipe Leonardo, alam ko na babalik ka dito, may mga inihanda na akong magarbo na barong tagalog para lang sa'yo" Sabi ng tindera at iprenesenta ang barong Tagalog. May kulay puti at Pula, may kulay ginto rin. Napatingin lang si Leonardo neto.

"Binibining Ghufelina, alin ba ang mas maganda?" Pinapipili niya ako. Napakunot noo nalang ako sa kaniya dahil di ko naman alam ang babagay sa kaniya. In short, Wala akong sense of fashion pagdating sa panglalaki.

"Kung saan ang gusto mo, Doon ako" Sabi ko naman sa kaniya at Wala naman siyang reaksiyon.

"Kaya nga dinala kita dito para tulungan mo ako, ikaw na ang pipili" Sabi naman niya at Napa crossed arms naman ako.

"Edi sana di mo na ako dinala dito" Sabi ko naman sa kaniya. Napahawak na naman siya ng noo.

"Huwag muna tayo mag-away. Pili kana para naman agad agad ay uuwi na Tayo" Sabi naman niya at napatango nalang ako. Sige ha! Bahala ka diyan. Nag meany miney mo naman ako dito. Kung Sino ang tatama edi yon! Napatigil naman ang hintuturo ko sa gold na barong tagalog. Kaya iyon ang aking pinili.

"Sigurado ka ba diyan? Parang di naman yan babagay sa akin binibini" pagreklamo niya ng ipinasa ko ang gintong barong tagalog. Yung binurdahan na barong ay kulay ginto tapos ang pants naman ay itim.

"Sige! Ikaw nalang pipili Kung di mo Lang pala susundin ang utos ko" Sabi ko sabay pagtataray sa kaniya. Duhh! Na high blood na ako sa kaniya ha. Napatawa naman siya sa akin.

Amore Infinito | Completed |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon