PRÒLOGO

7.8K 157 21
                                    

13 years ago.

Author's Point of view.

Umiiyak ang batang babae habang tumatakbo patungong parke. Umiiyak ito dahil sa kaniyang ama na pinagalitan siya kahit di naman niya kasalanan.

Nakaupo siya ngayon sa swing habang nakatingala sa langit. 5 years old pa siya pero ang dami na niyang pinagdadaanan sa buhay.

Humahagulhol siya dahil sa lungkot. Pero may batang lalaking lumapit sa kaniya para patahanin ito sa iyak.

"Bata, wag kanang umiyak. Nandito lang ako." sabay haplos sa likod ng batang babae.

Pero sa ginawa niyang iyon ay mas lalong naiyak ang batang babae at naguguluhan naman siya.

"Sabi nila kapag malungkot daw yung tao, dapat humanap ka ng paraan para mapasaya ito ulit" Sabi ng batang lalaki at nag wacky. Nagpaka pangit siya para lang mapasaya at tumahan na sa iyak ang batang babae.

Hindi naman siya nabigo at sa wakas napatawa na ang batang babae.

"Salamat ha, gumawa ka ng paraan para mapasaya ako" sabay singhot sa kaniyang sipon.

Natawa na naman sila.

"Ano ba pangalan mo?" Tanong ng batang lalaki.

"Ako si Celestine! Ikaw, ano pangalan mo?" Tanong naman ng batang babae

"Ahhh ang ganda ng pangalan mo! Katulad lang sayo. Ako pala si--" naputol ang pagkasabi niya ng hindi maiwasang tumitig sila sa isat isa sa mga mata. Biglang lumakas ang hangin. Napakalakas! Pero unti unting nawalan ng lakas ang lalaki at tuluyan na itong nawalan ng malay. Gulat na gulat namang napatingin sa kaniya ang babae at sumigaw ng tulong. Pero bigla nalang naglaho ang lalaki at nawala sa kaniyang harapan ito.

"Celestine! Nandiyan ka lang pala! Hinahanap kita!" nataranta na sabi ni Lola Catalina. Umiiyak na naman ang batang babae.

"Lola, tumingin lang siya sakin tapos hindi na maalis ang tingin namin ni bata tapos nawalan siya ng malay tapos nawala siya" umiiyak na Sabi ni Celestine.

"Diba sabi ko sayo na wag na wag ka makipag titigan kahit kanino lalo na sa bata!" Galit na Sabi ni Lola Catalina.

"Sorry Lola! N-nakalimutan ko"

"Hindi maaari!, Alam mo ba kung gaano ka delikado iyon?"

Dahil sa palaging iyak na iyak ni Celestine ay nawalan siya ng malay.

"Celestine!" agad niyang binuhat si Celestine at sumakay sa tricycle. Pumunta siya sa kagubatan at dinala niya ito sa isang napakalaking mansyon!

Humingi siya ng tulong sa isang matanda na nakaupo sa malaking upuan.

"Tulungan niyo po ang apo ko!" Pagmamakaawa niya sa matandang babae.

"May nabiktima ba siya?" Sabi niya at hinawakan ang noo ni Celestine.

"Oo, sabi ni Celestine na isang batang lalaki daw" nagulat naman ang matandang babae.

Amore Infinito | Completed |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon