CAPITULÒ 11

1.3K 51 7
                                        

Nandito ako ngayon sa kwarto at nakakapagod ang mga pangyayaring iyon. Hinatid ako ni Rhavene dito sa palasyo Gusto ko ng kainin sa lupa dahil sa kahihiyan na ginawa ko kanina. Ayst! Nakakadiring pangyayari. Alam niyo ba? Siyempre di niyo alam kasi di pa ako nag kuwento HAHAHHA. Ganito kasi iyon.

Flashback
Bumaba na kami sa hagdan kasama si Rhavene at si Samuel (ang bata). Masayang nagkwekwentuhan naman sila sa bata. Ako naman ay nasa likod nila at iritang irita sa suot ko kasi mahaba naman ito. Baro't saya siya pero sosyal ang disensyo. Tapos kulay brown pa ito. Lumakad naman ako ng kaunti ng biglang nadapa ako kasi naipit ko sa mga paa ko yung sa dulo ng saya. Arayyy! Walang hiya talagaaaa. Napatingin naman silang dalawa sa akin.

"Naku Mahal kong Prinsesa. Wag kang lalangoy sapagkat walang tubig dito" sabay siko niya kay Rhavene at pigil na tawa naman si Rhavene. Joke ba iyon??

"Prinsesa, ayos kalang ba?" tanong ni Prinsipe Rhavene na halata sa mga mukha niya na natatawa siya. Lalo na yung samuel na iyon na tawa ng tawa. Ah! Ganun pala ha. Inilayan naman ako ng kamay ni Rhavene tapos tinanggap ko naman iyon pero instead na tatayo ako ay nilakasan ko ng pagkapit sa kamay niya at malakas kong hinila siya para siya naman ang madapa at hindi naman ako nabigo at nadapa rin siya katulad ko. Hahaha.

"Naku! Mahal kong Prinsipe, wag kang lalangoy sapagkat walang tubig dito sa inyong palasyo" sabi na naman ni Samuel at ngayon, ako naman ang napatawa haha. Kahit kailan Celestine na sa'yo parin and huling halakhak.
End of flashback

Napasabunot naman ako sa ulo ko kasi di naman ganyan umaasta si Glezerina, baka mahalata niya. Kasi noong nasa barko kami matagal na siyang nagduda. Meron pang kahihiyan na ginawa ko kanina.

Flashback
Nandito kami ngayon sa mahabang lamesa at wow ang sarap ng mga pagkain. OMG! Hahaha get ready stomach! Kaharap ko ngayon si Prinsipe Rhavene na seryosong nakatingin Lang sa mga pagkain. What's with that long face? Di ba siya masaya sa mga pagkain. Naku!. Katabi ko naman si Samuel. At sa magkabilang gilid ay ang Reyna at sa kabila naman ay ang Hari.

Rhavene
Don Ramon---------------------------Valentina
Ako Samuel

Okay na Sana yung pagkain kaso ano ba't ang daming kutsara, tas tinidor tapos kutsilyo? Gagamitin ko ba itoooo? Hays. May proper dining lessons kami dati sa high school kaso di ako nakinig kasi para sa akin para sa mga pabebeng tao Lang Yun at ngayon nagsisisi na ako kung bakit di ako nakinig sa guro namin noon. Karma mo na ito Celestine. Pero di bale na kasi nagugutom na ako. Hindi ako gumamit ng kutsara, tinidor o kutsilyo kundi nagkamay nalang akong kumain. Hmmm ang sarap. Kumuha pa ako ng manok na nakaparada sa mesa. I think turkey iyon? . Umupo naman ako at laking gulat ko na lahat sila ay nakatingin sa akin. Ngumiti lang naman ako sa kanila. Tumingin naman ako kay Rhavene at pati siya ay nagulat sa akin. Ay oo nga pala! Hindi sila sanay na ganito kakain ang Royal Families. Dapat daw gagamit talaga kami ng Proper Dining Etiquette. Argggg! At ayun parang gusto ko ng kainin sa lupaaa.
End of flashback.

Napasapo ako sa mukha ko. Shet! Nakakahiya ka Celestine. Ayoko na! Huhuhu. Binaon ko sa unan ang mukha ko. Tinanggal ko na ang mga make up ko tutal Wala naman dito sila ni Don Gregorio at Felicidad kaya chill lang. Pagkatapos kong magbihis at mag-ayos, agad akong lumundag sa kama. Hmmm ang lambot, gusto ko ng matulog kasi antok na antok na ako ngayon. Good night Celestine, Good Night Coraline, Good night Kuya Cazumi, Goodnight Dad at mommy. I love you all. Naiyak ako ng saglit Doon at nakatulog na ng mahimbig.

Amore Infinito | Completed |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon