Nagtitigan parin sila at parang mga mokong. Gosh! Ma stress ako sa dalawang ito! Pinapatigil ko naman sila.
"Sandali lang mga Prinsipe ha, Isa lang ako" sabi ko sa kanila at pumiglas sa kakahawak nila. Tsk! Para akong nanay nila na pinag-aagawan.
"Pasensya na Prinsesa, di ko sinasadya" Sabi naman ni Leonardo at nag bow pa to sa akin. Hays!
"Ayos Lang", sabi ko pero naka crossed arms naman ako.
Akala ko ay naging bati na sila pero nakakunot parin ang noo ni Rhavene sa kaniya. Napakunot naman ang noo ni Leonardo.
"Huwag mo ako titigan ng ganyan! Isusumbong ko ang ginawa mo kay Prinsesa!" sabi naman ni Leonardo at pinagbantahan si Rhavene.
"Dahil sa'yo, itinulak mo kasi ako" sabi naman ni Rhavene. Ha? Alin ang tinutukoy nila? Napatingin naman ako sa kanila na naguguluhan.
"Anong ibig sabihin niyo?". Napatingin naman sila sa isa't isa at tumingin naman sa akin.
"Di mo ba naalala?" tanong nilang dalawa at napatango naman ako pero biglang sumakit ang ulo ko at pilit may alalang pumasok.
Flashback
Nagising ako dahil sa init ng pakiramdam ko, may narinig akong boses ng lalaki.
"Ako Lang ang dapat maghatid kay Prinsesa dahil nobya ko siya, bakit kaba nandito?" sabi ng isang lalaki at nakaalalay ako sa kaniya sa boses palang niya at Alam kona na si Rhavene iyon. Di ko naman masyadong nakita ang mukha niya dahil nakayuko parin ako.
"Paano ko naman masigurado na ligtas siya sa iyong mga kamay?" sabi naman ng isang lalaki at alam ko si Leonardo iyon. Inagaw naman ako ni Leonardo sa pagkahawak sa bisig ni Rhavene.
"Ako na", sabi naman ni Leonardo at binuhat niya ako. Pang bridal style wahhhhh!. Lalakad na sana si Leonardo ng biglang naman akong kinuha ni Rhavene.
"Huwag mo siyang hawakan ng ganiyan" sabi naman ni Rhavene at madali niyang kinuha ako. Napayakap naman ako ni Rhavene.
Hinawakan niya ang kamay ko. Pero itinulak ni Leonardo si Rhavene kaya nabitawan niya ang kamay ko at dahil wala ng umalalay sa akin ay nagpagewang-gewang ako at natumba. Unang bumagsak ang pwet ko tapos ulo ko. Pagkatapos nun ay Wala na akong maalala.
Pero nagising naman ako dahil sa init na naman ng katawan ko. Uhaw na uhaw ako.
"T-tubig" sambit ko at sa pagkakataong ito ay nasa higaan na ako. May narinig naman akong boses pang lalaki.
"Kumuha ka diyan ng tubig" utos ng isang lalaki at boses Rhavene naman ito.
"Hindi ko iwan ang Prinsesa sa'yo baka anong gawin mo"Sabi naman ng isang lalaki at alam ko na si Leonardo iyon.
"Hindi pwedeng ikaw ang maiwan dito baka may makakita sa'yo. Ano naman ang sasabihin ng iba" sabi naman ni Rhavene at Wala na akong narinig na sagot kundi mga yapak papalayo. Nakapikit pa Rin ako kaya di ko nakita ang mga mukha nila.
Uggg!ang kati ng leeg ko. Sabi ko naman.
"Alisin mo Yung kwintas ko" sambit ko at pilit tinanggal iyon pero may naramdaman akong mainit na hininga ng tao na malapit sa mukha ko. Tapos tinulungan niya akong tinanggal ang kwintas ko. Doon Lang ang naalala ko.
BINABASA MO ANG
Amore Infinito | Completed |
Fiksi Sejarah(A love story behind Philippine History) I'm Celestine Alfaro, 18 years of age I love books ,I hate boys and I'm NBSB dahil daw sa aking mala maldita kong katangian. I'm a big dissapointment to my dad. But One day, nagbago ang buhay ko nung ako ang...
