"Paumanhin sa inyo anak, di ko kasi alam na ngayon niyo pala gagawin", sabi ni Donya Valentina at pinaalis ang mga katulong pati si Samuel na abot tenga ang mga ngiti nito. Agad namang nakalabas sila ng kwarto at malakas na isinara ang pinto.
"Anong ibig sabihin ni Ina?", narinig kong pabulong na sabi ni Rhavene. Humiwalay naman ako sa kakasandal sa dibdib niya at di makatingin sa kaniya ng diretso. Gosh! Ito kasing si Rhavene eh! Hmmp! Umupo naman siya saglit at pansin ko lang na namumula ang kaniyang mukha. Tinignan ko naman siya ng maigi at nagulat naman ako ng nilipat ang kaniyang tingin sa akin.
"Ah--- hehe Kalimutan mo nalang yun", tugon ko sa kaniya ngunit di naman siya nagsalita at patuloy na nakatingin sa akin. Wahhh bakit ba? May kulangot ba ang mukha ko o dumi? Gosh! Na co-concious tuloy ako!
Tumayo naman siya at inayos ang kaniyang messy hair. Choks! gwapo talaga ang lalaking ito hays. "Pasensya na kung di kaagad ako tumayo, ayan tuloy nahulog ka", wika niya sa akin at tumayo. "Ipagpatuloy muna ang iyong gagawin", dagdag niya pa sa akin at iniwan akong nakaupo sa kama niya. Lumabas naman siya ng kwarto at isinara ang pinto.
"Gosh! Feel ko talaga na planado ang lahat ng ito!", utal ko at nagpagulong gulong sa kama. Hmm. Bakit kaya di man lang kami pinatigil ni Donya Valentina. Tsk! Padabog akong tumayo galing sa kama at pinatuloy ang pagpunas sa bintana. Napaatras naman ako para umupo. Nagulat naman ako ng may biglang natapakan ako. gosh! baka mapatay ako ni Rhavene dito.
Isa itong kahon, dahil sa ka curiousan ng Lola niyo at binuksan ko ang kahon nito. Napalaki naman ang mga mata ko ng Makita kong andaming mga sulat na nakatambak doon. Umupo naman ako sa sahig at binuksan ang Isa sa mga liham na nakasulat dito.
Mahal kong Helaria,
Pasensya na kung hindi ko na matupad ang pangako ko na manatili sa tabi mo. Pasensya na kung sumuko ako. Sa palagay ko kasi di mo na ako Mahal at ayaw ko pa maging hadlang sa iyong bagong sinisinta. Huwag kang mag-alala, nandito lang ako para sa'yo kung kailangan mo ako.
Nagmamahal,
Rhavene
Mahal kong Helaria,
Ikaw parin ang laman ng puso ko, kahit anong pilit kong kalimutan ka, ikaw parin ang nasa puso't isipan ko. Bakit mo ba ako pinapahirapan ng ganito? Saan ba ako nagkulang? Mahal kita Helaria. Di Kita malilimutan
Nagmamahal,
Rhavene
Biglang kumirot ang puso ko ng mabasa ang mga sulat na ito. Bago ako ay may Helaria siya. Pangalawa lang ako at di ko kailanman mapapantayan ang kaniyang pagmamahal para kay Helaria.
Mahal kong Helaria,
Kamusta ka na ngayon? Alam mo ba na pinagsundo ako sa Prinsesa ng Almanzar. Di ko naman siya masyadong kilala at pang-isa lang kaming nagkausap. Medyo nalulungkot ako kasi di na talaga tayo pwede.
Nalulungkot,
Rhavene
Mahal kong Talaarawan,
Alam mo ba, nakita ko na may kambal si Glezerina! Siguradong sigurado ako na kambal niya yun, ngunit nagtataka ako kung bakit di sila magkasama ngayon. Hindi naman ako interesado sa buhay ng ibang tao ngunit di ko alam kung bakit interesado akong makilala ang kambal ng Prinsesa ng Almanzar.
BINABASA MO ANG
Amore Infinito | Completed |
Historical Fiction(A love story behind Philippine History) I'm Celestine Alfaro, 18 years of age I love books ,I hate boys and I'm NBSB dahil daw sa aking mala maldita kong katangian. I'm a big dissapointment to my dad. But One day, nagbago ang buhay ko nung ako ang...
