Niyakap ko si Lola Armenia at hinaplos niya naman ang batok ko. Para akong bata na nawalan ng nanay. Iyak ako ng iyak.
"Anong nangyari kay Ghufelina?" nag-alalang tanong ni Lydia at hinaplos ang likod ko. Wala naman akong sinabi sa kanila.
Wala namang nagsalita sa aming tatlo. Nakayakap pa rin ako ni Lola Armenia.
"Tahan na Ghufelina, kung ano man yan ay maging maayos lang ang lahat" sabi ni Lola Armenia. Sana nga Lola,
"Kung ano man yan binibini ay nandito lang kami sa tabi mo" sabi pa ni Lydia at ngumiti lang ako sa kanila. Kahit minsan ay gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi nila.
"Halika na, kasi pupunta pa kayo sa simbahan" sabi ni Lola Armenia. A-attend daw kami ng misa. Di pa gising sila ama at ina dahil ang mga oras ngayon ay nasa 3:00 am pa. Di ako na inform kahapon ah! Binihisan naman nila ako at isinuot ko ang kulay green na baro't saya. Tinignan ko naman ang sarili sa salamin. Na realize ko na namiss ko na ang totoong sarili ko. Yung katawan ko ang ginamit ko, yung totoong ako, Yung Hindi magpapanggap.
Ngayon ko rin lang napansin na may pagkahawig kami ni Ghufelina, oo totoo! Pero baka nasanay lang talaga ako kasi palagi ko Lang nakita ang mukha niya. Bumaba naman ako sa hagdan at umupo sa upuan. Nang may biglang sumulpot sa harapan ko. Nagulat naman ako na nandito si Helaria... Ano ba ang kailangan niya?
Tinaasan niya naman ako ng kilay, nagtaka naman ako sa ginawa niya. Aba! Tindi! Kaya pala napakunot noo sila ni Lola Armenia at Lydia at maraming nagalit sa kaniya dahil may attitude siya. Tsk!
Tinaasan ko rin siya ng kilay. Alam mo naman ang life motto ko diba? Kung maldita ka, mas maldita ako!
Natawa naman siya ng pang sarcastic.
"Ikaw nga ang tinutukoy ni Rhavene", sabi ni Helaria at nagtaka na naman ako? Ano ba ang ibig sabihin niya?
"Anong ibig sabihin mo?", napatanong kong Sabi sa kaniya at mas tumawa pa siya. Baliw ba siya? Napa crossed arms naman siya. Tagapagsilbi lang siya dito pero Wala siyang respeto sa akin.
"Kunwari kapa, ikaw ang iniibig niya! Dahil sa'yo Wala na kami!!" , Sinigawan niya ako. Nagulat naman ako sa ginawa niya. May attitude talaga ah! Isang demonyong binibini! Hinablot ko naman ang buhok niya.
"Inagaw ko ba sa'yo si Rhavene? Di naman diba? Kasalanan mo yun kung bakit nawala ang pagmamahal niya sa'yo",napasigaw naman siya sa sakit. Kaya binitawan ko naman kaagad iyon baka kasi magtaka na naman sila.
"Di bale na! Ako ang nauna sa'yo kaya layuan mo siya bago pa gagawa ako ng masama", matalim niyang titig niya sa akin. Sumusobra na siya!
"Ikaw nga yung nauna pero ako naman ang Mahal niya" sabi ko at napatigil naman siya sa pagsasalita. Boom sabog! Pero di naman ako sigurado na totoo yun. Gawin ko lang yung pang savage words haha.
"Sigurado kaba o ginawa kalang instrumento para makalimutan ako?" , Pagkasabi niya nun ay biglang may kirot ang puso ko. Ako na naman ang di makapag salita ngayon.
Baka nga ginawa Lang ata akong rebound at kaibigan Lang naman ang tingin niya sa akin.
Ngumiti na naman siyang nakakaloko tapos umalis na sa harapan ko. I can't believe Celestine! Ba't kaba nagpapatalo. Urgg! Nakakainis talaga siya! Sa sunod di na talaga ako magpapatalo.
"Anak, ayos ka Lang ba?" nagulat naman ako ng may biglang nagsalita. Pagtingin ko ay si Ina pala. Di ko namalayan na nandito na pala siya.
"Opo Ina" sabi ko at ngumiti lang siya sa akin. Hinaplos naman niya ang ulo ko.
"Dadating ang panahon na lalayo kana sa amin tapos maging masaya kana kay Rhavene. Alam ko na para talaga kayo sa isa't isa. Nakita ko kasi sa Kaarawan ni Reyna Valentina na pareha kayong nakasuot ng kulay ginto", sabi niya pa at napatingin lang naman ako sa kaniya. Di ko kasi alam ang isasagot ko.
BINABASA MO ANG
Amore Infinito | Completed |
Historical Fiction(A love story behind Philippine History) I'm Celestine Alfaro, 18 years of age I love books ,I hate boys and I'm NBSB dahil daw sa aking mala maldita kong katangian. I'm a big dissapointment to my dad. But One day, nagbago ang buhay ko nung ako ang...
