A/N: Just a reminder babies, this story contains some wild, hot and some scenes that aren't for kids. And this is also my first time writing this kind of genre. I'll give a special warning in every hot scenes to remind you guys, especially kiddos. Try to skip. Pagbinasa naman, wag dibdibin. Hihi! Thankies! Also, this story is unedited so expect some wrong grammar and mispelled words.
Chapter 1
Everleigh Noreen's PoV
"Tatanga-tanga ka talagang bata ka kahit na kailan! Wala kang silbi!" Gigil na gigil si mama'ng hinihila yung tenga ko habang kinakaladkad niya ako papasok sa bahay. "Diba sinabi ko na sayo bago ako umalis na tupiin mo yung mga nilabhan kong damit nila Aling Alma?! Para yun lang, dimo pa nagawa! Bobo ka!"
Rinding rindi na ako sa maingay niyang bunganga, halos araw-arawin ba naman niya ang sermon sakin. "Sorry nay, eh kasi sinundo ko pa sa school si Michelle." Paghingi ko ng pasensya.
"Idadahilan mo pa sakin yan? Saglit lang ang pagtutupi ng damit?! Paano pag kinuha na ni Aling Alma yung mga pinalaba niya?!" Binatukan niya ako ng malakas sa ulo.
Napapikit na lang ako sa sakit. Ano pa bang bago?
"Tutupiin ko na po." Dumiretso ako sa maliit naming sala at isa-isang tinupi yung mga labahan niya. Pagkatapos kong magtupi ay saktong dumating na si Aling Alma saka inabot sakin yung pambayad niya.
"Hoy! Akin na yan." Sigaw sakin ni nanay nang makita niya kong binibilang yung kakarampot na bayad ng Ale. Inabot ko rin naman yon sa kanya at hinanda ko na ang sasabihin ko.
"Nay, may babayaran po kami sa..." Hindi ko pa man natatapos yung sinasabi ko ay nagsalita na agad siya.
"Tigilan mo nga ako sa mga kaartehan mo! Sabihin mo sa mga teacher mo na wala na tayong pambayad sa mga kaartehan nila!" Binato niya sakin yung singkwenta. "Yan, bumili ka ng bigas at ulam. Pagkasyahin mo! Para naman may silbi ka dito!"
"Opo." Mabigat ang loob kong lumabas ng bahay. Importante yung hinihingi kong babayaran sa eskwelahan. Alam ko namang kapos kami, pero nagbabakasakali lang ako na dadagdagan niya yung naipon kong pera kahit na kaunti.
Pag-uwi ko sa bahay ay agad ko nang niluto yung binili kong isang kilo ng bigas at dalawang pirasong itlog. Abonado pa ako dahil kulang yung inabot sakin ni nanay.
"Ate..." kalabit sakin ni Michelle, ang nakababata kong kapatid at anak ni nanay sa ibang lalaki.
"Oh bakit? Hindi pa luto eh. Nagugutom kana ba?"
"Medyo po ate, pero tulungan niyo po muna ako dito sa assignment ko ate." Inabot niya sakin yung notebook niya na tinahi ko lang gamit yung mga tirang pahina ng mga luma kong notebook noon.
Kapag kapos ka, dapat matuto ka ring gumawa ng paraan.
"Sige sandali lang ha. Tatapusin lang to ni ate." Mabilis kong tinapos yung niluluto ko saka sinagutan yung assignment ni Michelle.
Ilang minuto pa ay dumating na rin yung asawa ni nanay kaya nagsandok na ako ng makakakain niya. "Ang tabang naman niyan." Puna niya sa niluto kong itlog. Pinagsawalang-bahala ko na lang.
"Hoy! Sandukan mo na rin kami ni Michelle." Sigaw ni nanay saka naupo sa tabi ng asawa niya habang nagkukwentuhan sila. Sinandok ko na yung kakarampot na kanin at yung itlog sa plato nilang dalawa saka nagtira ako ng konti para sakin. Sa labas nako ng bahay kumain, ayoko silang makasabay.
BINABASA MO ANG
Loving You Mr. Pervert (R-18)
General FictionWarning: This story may contains mature content and suitable for 18+ readers. Highest Rank: No.1 in #Sexual Everleigh Noreen De Ocampo, gets so much unluckiness in the world and will face a lots of struggle in her life. That is when her teasingly h...
