Chapter 12: Match

1.1K 16 0
                                    

Chapter 12

Everleigh Noreen's PoV

"Nak, ito isuot mo ito dali! Binili ko yan sa kumare ko jan, doon sa nanay ng kaibigan ni Michelle." Inabot sakin ni nanay yung gold na kwintas na may heart na pendant.

"Eh baka naman gagamitin niyo nay?" Nag-aalinlangan kong saad.

"Hindi! Ano kaba? Regalo ko nga sayo yan eh. Suotin mo na at magbihis kana don, baka mahuli tayo. Magbibihis na rin ako."

"Sige nay, salamat." Nginitian niya lang ako. Nauna nang magbihis si nanay. Binilhan ko siya ng bestida sa mall para maging presentable siya sa araw na ito, kaya todo pasalamat naman siya. Ito rin kasi ang unang beses na aattend si nanay at sasabitan ako ng parangal sa stage. Laging si tatay ang umaakyat at proud na proud sakin kaso lang noong nawala naman siya ay hindi na nag-abala pang umattend si nanay sa bawat recognition sa school.

Syempre, nakakataba naman sa puso na niregaluhan ako ni nanay. Sobrang saya na maramdaman kong masaya na ulit siya sa presensya ko. Nakakalungkot na pera lang pala ang kailangan namin para maayos ulit ang pamilyang minsan nang nasira. Pero gayunpaman, masayang-masaya pa rin ako.

Sinuot ko na yung kwintas na bigay ni nanay. Simpleng regalo pero nakakataba talaga ng puso!

Ngayon ang araw na pinakahihintay ko. Ngayon ang graduation day namin! Talagang pinaghandaan ko to dahil sa wakas ay matatapos na ang bayarin ko sa eskwelahan na iyon, pati na rin ang mga nakakapuyat na thesis, term papers, reportings at mga toxic na mga kaklase. At kapag natapos na ang araw na ito, hahanap na agad ako ng trabaho at matutupad ko na yung pangarap namin ni nanay at ni tatay!

Yieeee! Kinikilig tuloy sa isiping magtatapos na ako kahit na sobrang hirap ng buhay!

Ay teka, kailangan ko na palang magbihis!

"Ms. Noreen?!"

Napatingin ako sa kumakatok sa labas na siyang umantala sa pagbibihis ko. Yung driver pala nila Alexander. Pinapasok ko agad siya saka inabot niya sakin yung dalawang malaking paperbag.

"Kuya, para saan po ito?" Takang tanong ko habang binubuklat yung paperbag.

"Pinapabigay po yan ni Sir Lex, yan daw po ang suotin niyo."

"Eh may damit naman na ako, kuya. Ibalik mo na lang ito." Pagpupumilit ko. Sayang naman din kasi yung nabili ko nung isang araw. Kahit mumurahin lang yon, maganda rin yun 'no.

"Utos po ni Sir Lex na hingian ko daw po kayo ng 40k kapag ayaw niyo tanggapin."

Napanganga naman ako sa ipinag-utos ni Alexander sa kanya.

"Ano? Ba't 40k?" Reklamo ko.

"Dalawa po iyang binigay niya Ms. Noreen."

Napamaang na lang ako. Hay nako grabe! Napakalupit mo naman Alexander!

"Ano pa nga bang magagawa ko. Wala naman din po akong pambayad sa mga iyan eh. Salamat po sa paghatid, naabala pa tuloy kayo." Napakamot na lang ako sa ulo ko.

"Ihahatid ko na daw po kayo, utos ni Sir Lex."

Ihahatid? Ano bang trip ni Alexander? Psh.

Loving You Mr. Pervert (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon