Chapter 44: Decide

719 8 1
                                    

Nevelle Alexander's PoV

Wala nang mas sasaya pa sakin.

Dahil nga sa pag-uusap namin kahapon ni Noreen ay naliwanagan ako at nalaman ko rin yung nararamdaman niya sakin.

Napag-usapan na namin ni Noreen na ipapaimbestiga ko si Vanessa, na agad namang inaksyunan since yesterday pa. Kung totoo nga yung sinasabi ni Noreen, edi maigi.

Pero kung totoo ngang magkaka-anak kami ni Vanessa, edi pananagutan ko yung bata.

"Sir? Gusto daw po kayong makausap ng mama niyo sa may living room." Approach sakin ng isa sa mga katulong habang pababa palang ako ng hagdan. Tumango lang ako saka dumiretso na sa pagbaba.

Ano naman kayang sasabihin ni mom?

Pagdating ko sa salas ay naabutan ko na may kausap si mommy na babae pero diko alam kung sino.

"There you go, Lex." Pinaupo ako ni mommy.

"Who is she?" Bulong ko kay mom. May mga hawak siyang brochures at magazines.

"Oh, oo nga pala, this is Danica. Danica this is Lex, one of my twins." Humarap sakin si mommy. "She will be the wedding organizer para sa kasal niyo ni Vanessa."

Napaawang yung bibig ko nang marinig yung sinabi ni mommy. Napatayo ako sa kinauupuan ko ng wala sa oras.

"Mom? No! I mean, hindi ba masyadong mabilis naman yata? Hindi niyo man lang ako kinausap tungkol sa bagay na yan." Paliwanag ko pero sa mababang tono.

"What's the point? Eh, ikakasal din naman kayo ni Vanessa, saka think about your baby. Mas better kung habang hindi pa siya naisisilang ay ikasal na muna kayo." Paliwanag niya.

"You don't understand mom." Napatayo na lang ako at akmang aalis. Hindi pwedeng makasal ako kay Vanessa hanggat diko pa nalalaman ang totoo.

Isa pa, alam kong may pag-asa pa kami ni Noreen.

Dumiretso nako sa kwarto ko. Narinig ko pang nagpaalam si mommy sa babae saka ako sinundan.

Pagpasok niya sa kwarto ay sinarado niya ang pinto.

"Lex, come on. Bumaba kana at mamili ng mga designs for the wedding, mamaya dadating na si Vanessa." Sabi ni mommy.

Nakatayo lang ako habang nakatutok sa bintana.

"Bakit niyo ba minamadali ang kasal namin, mom?" I asked.

"It's for the baby, anak. So please, cooperate. At isa pa aalis na rin si Vanessa, pero don't worry dahil babalik din siya agad after niyang manganak, diba napag-usapan niyo na yon?."

Kahit wag na siyang bumalik. I know, I've been harsh at her, pero hindi niyo ako masisisi.

"Mom, alam niyo bang nakidnapped si Noreen at isa sa mga suspect na tinuturo ay si Vanessa? That's why nagdadalawang-isip ako sa kasalan na yan. Isa pa, ang daming panahon para magpakasal."

Tinignan lang niya ako ng masama.

"Bakit naman gagawin ni Vanessa yon? Baka nga yung babaeng cheap at pobre pa na yon ang magtatangka sa buhay ni Vanessa eh. Alam naman nating lahat na inggitera at mukhang pera ang babaeng yon noh!"

"Don't call her such things! Wala kayo sa sitwasyon niya." Sigaw ko.

Kumunot yung noo ni mom at bumakas ang galit.

Damn! Dapat diko siya sinigawan.

"Nagbago na ang ugali mo simula nang makilala mo ang babaeng yan, ginayuma kaba niya? At ganyan ang naging epekto sayo ha? Alexander!" Galit niyang sabi.

Loving You Mr. Pervert (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon