{WARNING: R18 • SPG}
Chapter 13: Amusement Park
Everleigh Noreen's PoV
Busog na busog nako sa mga kinain namin ni Alexander. Dumiretso kami sa isang amusement park. Nakaka-ilang rides pa lang kami pero parang maisusuka ko na lahat ng mga pinagkakain namin ni Alexander ngayon-ngayon lang.
"Are you having fun?" Tanong niya sakin.
"Oo naman." Sino ba namang hindi mag-eenjoy dito 'no?! Sobrang ganda na, ang dami pang rides! Para tuloy akong bata. Manghang-mangha ako sa bawat rides na may mga nagsisigawang mga tao.
Niyaya niya naman ako sa Viking. Akala ko basic rides lang to, pero pagbaba namin ay halos mahilo-hilo na ako! Parang aangat mga kinain namin shemay!
"Dun naman tayo!" Excited na hinila ako ni Alexander sa pila ng roller coaster.
Napailing ako nang makita ko ang nakakalulang rides na iyon.
"Alexander, sa ibang rides na lang. Try natin yun oh." Tinuro ko sa kanya yung giant swing. Sana madistract siya doon. Ayoko talaga dito! Base sa sigawan ng mga tao at pabali-baliktad pa ito, titignan ko pa lang nalulula na ako!
"Ayoko don."
At hindi ko nga siya napilit. Inikot niya paharap sa bewang ko yung suot niyang suit since naka-dress ako at hindi akma itong suot ko dito sa rides na ito. Kinakabitan na kami ng seatbelt. Kinakabahan na talaga ako. Paano kung mahulog ako dito kahit na may safety belts pa?
Shoot naman! Naghihysterical tuloy ako dahil first time ko talaga sa ganito.
Magkatabi kami ni Alexander. Sobrang kinakabahan talaga ako. Kahit napakalamig ng hangin ay pinagpapawisan ako.
Narinig ko na yung alarm na hudyat ng pag-start at pag-andar. Mas lalo akong kinabahan nang unti-unti itong umandar ng dahan-dahan. Kapit na kapit nako sa hawakan.
Walangya ka Alexander! Ayoko na agad!!!
"Don't be nervous." Bigla niyang hinawakan yung kamay ko. "I'm here with you."
Kikiligin na sana ako nang biglang bumilis ang andar ng roller coaster!
"Waaaaaah!!!"
"Aaaaaaaaaaaaaaaahhhhh!!!!"
"Ayoko naaa!!! Aaaaaaaaah!!!!"
Matapos ang ilang minutong nakakaiwan ng kaluluwang rides ay naupo kami sa isa sa mga bench.
"Nabingi ako sa sigaw mo! Ha-ha!" Natatawa niyang sabi saka uminom ng tubig. Binalik ko na sa kanya yung suit niya. Tumayo muna ako dahil para na naman akong masusuka.
"Anong gusto mo? Bumulong ako don? Eh halos maiwan na yung kaluluwa ko don at halos maisuka ko na yung bituka ko don 'no!" Pagtataray ko. Pero tinawanan lang ako ng kumag.
Imbis na mairita ako ay natawa na lang din ako. Parang ang saya kasi na napapatawa mo yung taong gusto mo. Gusto nga lang ba?
"Dun naman tayo sa ferris wheel." Turo niya sa isang pamilyar na rides. Tulad nga ng sabi niya, sumakay kami don at kitang-kita ko mula dito sa taas ang tanawin. Puro buildings at mga bahay-bahay. Ang liliit nilang tignan.
Naalala ko bigla si Aeron. Siya yung unang taong nagsakay sakin sa ganito sa Tagaytay.
Manghang-mangha talaga ako sa mga tanawin na nakikita ko sa baba. Eto kasi ang gusto ko sa ferris wheel, calm lang saka kita mo ang kabuuan ng lugar sa baba.
![](https://img.wattpad.com/cover/198535022-288-k556748.jpg)
BINABASA MO ANG
Loving You Mr. Pervert (R-18)
Ficción GeneralWarning: This story may contains mature content and suitable for 18+ readers. Highest Rank: No.1 in #Sexual Everleigh Noreen De Ocampo, gets so much unluckiness in the world and will face a lots of struggle in her life. That is when her teasingly h...