Chapter 41: What Happens

706 6 1
                                    

Nevelle Alexander's PoV

Nandito kami ngayon sa kotse ni Nard habang pinaparada niya ito sa parking lot ng hospital.

Sabay-sabay na kaming pumunta sa emergency room para hanapin si Noreen.

"Sir, nasa operating room na po si Ms. De Ocampo. Kailangan na po kasing maperform agad sa kanya ang operation." Sabi samin ng isang nurse saka kami sinamahan sa mga upuan malapit sa operating room.

Nauna nang umuwi samin sila Kevin, Fernan at Joniel. Buti na lang at anjan si Joniel para mabigyan ng first-aid si Noreen. Right now, nagaaral pa rin siya at kumuha ng nursing. Which is gusto ng daddy niya.

Tahimik lang na nakaupo si Nard at bakas rin sa kanya ang pagod, meron pa siyang sugat sa ibaba ng labi dahil sa pakikipagbugbugan nila kanina. Si Aeron naman, hindi mapakali at kanina pa lakad ng lakad. Nakaupo lang din ako at nakayuko habang naghihintay.

~Flashback~

Dahan-dahan kaming pumasok sa lumang bahay ng magkakahiwalay. Marami kasing pintuan dito kaya dapat ay magkakahiwalay kami, besides, hindi rin namin alam kung anong meron sa loob. Kasama ko si Joniel.

Madilim sa loob at malawak dahil walang mga furnitures. Luma na rin dito at marumi.

"Shit, Lex, may naririnig ako." Bulong sakin ni Joniel kaya napatigil kami sa paglalakad. Rinig na rinig ko rin yung mga yabag na ginagawa ng isang lalaki.

Hindi ko alam kung saang parte na kami ng bahay pero palakas ng palakas yung mga yabag.

"Lex, may nahawakan ako." Bulong uli ni Joniel.

"Ano?"

"Ewan...basta mahaba, parang tubo yata to."

"Hawakan mo lang."

Bigla akong nakaamoy ng sigarilyo, tanda na malapit na samin ang kalaban. Kabadong pinuwesto ni Joniel ang tubo para hampasin yung lalaki, nang bigla kaming nakarinig ng putok ng baril mula sa taas.

Damn! Sila Aeron at yung iba pa, nasan na kaya? Si Noreen? Saan nila tinatago si Noreen?

"Alexander..."

Nakarinig ako ng mahinang bulong ng isang babae. Kinalabit pa ako ni Joniel.

Noreen! Alam kong siya yon!

Nakarinig kami ng mga yabag mula sa isang hagdanan.

Unti-unting nawawala yung amoy ng sigarilyo tanda yun na lumakad na palayo yung lalaking nasa harap lang namin kanina.

"Si Noreen yata yon, Lex?" Bulong sakin ni Joniel.

"Pakiramdam ko nga.."

Maingat kaming naglakad at hinanap si Noreen.

Dahan-dahan kaming pumasok sa isa pang pinto.

"Lex, may tao." Bulong sakin ni Joniel. May naaninag nga akong anino ng lalaki. Kaya hinila ko si Joniel payuko.

"Sesenyasan kita, Nell. Hampasin mo yung lalaki sa ulo mo tamaan. Ako na ang back-up mo." Bulong ko.

"Sige...ayusin mo baka di ko mapatulog eh."

"Ako nang bahala..."

Tumayo na si Joniel at naglakad ng dahan-dahan mula sa likod nung lalaki.

Sinimulan ko na siyang senyasan. Pinadyak ko ng mahina yung sapatos ko.

1....

2.....

Loving You Mr. Pervert (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon