Nevelle Alexander's PoV
"Damn it! Bakit wala pa rin?!" Nanggigigil na sinuntok ni Aeron yung pader.
Dahan-dahan namang tinapik ni Nard yung balikat ni Aeron.
"Sir, ginagawa na po namin lahat ng makakaya namin para sa search operation kay Ms. De Ocampo. Pero wala pa rin pong traces at any witness na makakapagturo sa biktima." Paliwanag ng police officer.
Napahawak naman ako sa sentido ko.
This is so hard Noreen. Bakit kelangang ikaw pa ang mawala?
Kanina pa kami dito sa police station ni Aeron at Nard, na naghihintay sa update nila. But still, negative pa rin.
Ilang araw nang hindi nakakapasok si Aeron sa kumpanya nila, dahil sa pag-aabang ng balita kay Noreen.
"Let's get you home." Utos ni Nard kay Aeron saka siya bumaling sa mga police. "Sir, please update us kapag may balita na kayo kay...."
Natigil sa pagsasalita si Nard nang may dumating na isa pang police at may dala-dalang files.
"Chief! May natagpuang bangkay ng babae kanina."
Bangkay ng babae?
Nagkatitigan kaming tatlo nila Aeron at Nard. Damn! No please! Wag sana yun yung iniisip namin.
"Sige. Sir? Gusto niyo bang sumama para kumpirmahin yung biktima?" Tumango na lang si Aeron sa tanong ng pulis.
Niyaya nila kaming sumama sa kanila. Habang nagmamaneho si Nard at sinusundan yung police mobil ay ramdam kong kinakabahan si Aeron. We can't hide it. Wag sana si Noreen yon.
"Wag naman sana tama itong iniisip ko." He said.
"Don't worry Ron. Ramdam kong buhay pa si Noreen. Calm down." I said. Malakas ang kutob ko na hindi si Noreen ang tinutukoy ng mga police. I was hoping that she's still alive until now.
Pagdating namin sa crime scene ay madaming tao at police ang andon. Isa itong talahiban. Malalago yung mga damo at malayo sa siyudad at highway.
Sinamahan kaming lumapit ng isang inspector dun sa bangkay.
Upon seeing the corpse, I cover my mouth and nose. Ang baho! This is the smell of a rotten dead body. Feeling ko babaliktad yung bituka ko.
This is my first time seeing a dead body. I mean nakakita nako ng patay na nasa kabaong but hindi sa ganto, yung nasa harap mo at nangangamoy pa.
Biglang tumalikod si Nard na nakahawak sa kanyang bibig. Tumakbo siya palayo ng konti at doon sa isang puno sumuka. My first time seeing him vomit at hindi yun dahil sa alak.
Sinenyasan niya ako na sa kotse na lang daw muna siya. Kaya sinamahan ko na lang si Aeron palapit dun sa bangkay. Pareha kaming nakatakip ang ilong at pinagmamasdan yung bangkay ng babaeng walang suot at may nakatarak pa na kutsilyo sa dibdib niya. May ilang saksak din yung babae.
My instincts was right.
This is not Noreen.
Humakbang nako papalayo para ipaalam sa mga investigator na hindi siya yung hinahanap namin. Sumunod naman samin si Aeron.
"Nakita namin itong kwintas dito sa crime scene, sa tingin niyo ba kilala niyo siya o siya na yung hinahanap niyo?" Pinakita samin ng inspector yung kwintas na nasa ziplock. May pendant ito na letter N.
![](https://img.wattpad.com/cover/198535022-288-k556748.jpg)
BINABASA MO ANG
Loving You Mr. Pervert (R-18)
General FictionWarning: This story may contains mature content and suitable for 18+ readers. Highest Rank: No.1 in #Sexual Everleigh Noreen De Ocampo, gets so much unluckiness in the world and will face a lots of struggle in her life. That is when her teasingly h...