Chapter 54

655 6 0
                                    

Aeron Paul's PoV

"Ano? Inuman na ba after nito?" Tanong sakin ni Joniel saka itinira yung bowling ball.

"Bakit? swanong swokasyon (anong okasyon)?" Tanong ni Fernan sa kanya.

"Swala (wala), naisip ko lang kase diba broken na naman si Swaeron (Aeron)?" Tinignan pa ako ni Joniel.

"Di ako broken? Masaya ako para sa kanila." Binigay ko yung bowling ball kay Fernan saka yun itinira. Natawa na lang si Niel sa sinabi ko.

Linggo ngayon kaya naisipan naming tatlo na magbowling dahil wala naman kaming pasok kapag weekends. Hindi rin naman pwede yung iba, si Nard? Babe-time nila ng jowa niya. Si Kevin naman nag-out of town. Syempre si Lex, busy yun sa preparation ng kasal nila.

Oo nga pala, ilang weeks na rin mula nang magkaroon ng proposal si Lex kay Noreen. Sobrang romantic!

Masaya naman ako para sa kanila, lalo na nung makita ko yung mga mata at ngiti ni Noreen nang mailagay na sa kanya ni Lex yung singsing. May konting kirot syempre, sana ako na lang yon diba? Kaso hindi eh, ayos na yun atleast alam kong matino ang papakasalan niya at saka kaibigan ko. Kilala ko naman si Lex eh, todo-bigay kapag nagmahal.

Ewan ko ba sa sarili ko kung bakit ko ito nararamdaman. Sumasakit lang tuloy lalo ang ulo ko eh.

"Sama ka? Bar tayo mamaya." Yaya ni Fernan.

"Bahala na." Parang tinatamad din kase ako eh.

"Mangchichix swayo (tayo) saka para narin makalimutan mo na si Noreen." Napapailing na lang ako sa pinagsasabi ni Niel. Until now, puro ganyan parin nasa isip.

"Sige na nga. Count me in."

"Yon!" Sabay nilang sabi.






Everleigh Noreen's PoV

"Come on, sumabay ka na saming magdinner." Yaya ng mommy ni Lex sa bisita niya.

Kakarating ko lang sa mansyon.

"I'm sorry madamè, I really need to go. Besides may mga kelangan pakong tapusin." Nagpaalam na sa kanya yung bisita.

"Tita, mauuna na po ako sa taas." Paalam ko sa mommy niya para makapagbihis muna ako.

Inismidan lang niya ako saka ito umalis. Dumiretso nako sa kwarto ko at nagbihis, sakto namang pumasok si Alexander saka ako niyakap mula sa likod.

"San galing ang baby ko? Hmm..." Binaon niya yung mukha niya sa leeg ko habang yakap parin niya ako mula sa likod.

"Galing lang ako sa unit ni Keisha." Saad ko.

"Why? Did something happened?"

Natawa na lang ako ng mahina sa kanya. "Wala naman. Alam mo love? Napag-isipan ko lang na magreresign na ako sa company nila Aeron." Kwento ko.

"Really? Edi sa restaurant kana magtatrabaho?" Lumipat siya sa harap ko saka hinawakan ako sa kamay.

"Hmm...hindi."

Nadismaya siya sa sinabi ko kaya naupo siya sa kama at sinundan ko naman.

"Saan ka magtatrabaho? Don't tell me na hindi kana magwowork? Okay yun sakin, atleast I know that you're safe at nandito ka lang sa bahay." Sabi niya.

Loving You Mr. Pervert (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon