Chapter 40: Will be her end?

739 9 0
                                    



Everleigh Noreen's PoV

"Tama na..." Nanghihina kong sambit saka muling sinubsob ni Vanessa yung mukha ko sa malaking drum na puno ng malamig na tubig habang hawak ako ng dalawang lalaki sa magkabila kong braso.

Halos kapusin ako ng hininga nang muli niyang iahon ang mukha ko. "Vanessa...ayoko na...please." Habol-hininga kong sabi.

"No!" Pumunta siya sa isang gilid saka may kinuha sa malaking cabinet. Kinuha niya mula doon yung malaking garapon. "Kuhaan mo pa ako ng maraming asin, Celso." Agad namang lumabas yung inutusan niya.

Nilahad niya yung palad niya sa isa sa mga tauhan niya at binigay agad sa kanya yung pocket knife.

Lumapit siya sakin saka ako tinitigan. "Hawakan niyong maigi yan ah." Pangiti-ngiti niyang sabi.

Hindi ko alam kung anong balak niya. Diyos ko, tulungan niyo po ako.

Tinutok niya yung kutsilyo sa balikat ko at dahan-dahan niyang ginuhitan ang balikat ko gamit ito.

Pero hindi pa siya nakuntento dahil marahas niyang binuka yung bagong sugat sa balikat ko at binudburan yun ng asin.

"Aaaaaaah!!!" Halos magpumiglas ako sa sakit at hapdi na nararamdaman ko. Maluha-luha na ang mga mata ko dahil sa sobrang hapdi.

Tawa lang ng tawa si Vanessa habang binubuhos yung natirang asin sa drum ng tubig. Dumating na din yung inutusan niya at hinalo din yung asin na dala niya dun sa drum. Isang malaking tubo naman ang pinanghalo nila sa tubig.

Saka ako nilublob muli ni Vanessa sa tubig. Labis na hapdi ang naramdaman ko at halos magpumitlag ako dahil sa sakit.

"Ma'am! May mga kotse sa labas!"

Bigla namang inangat ni Vanessa yung ulo ko saka siya bumaling dun sa lalaking kakapasok lang yata.

"Sino yon?!" Galit niyang tanong saka sumilip sa bintana. "Lex?!" Sigaw niya na halos ikagulat ko.

Si Lex? Alam na kaya niya?...

"Bwiset! Hindi niya ako pwedeng makita dito! Aalis nako. Kayo nang bahala dito. Alam niyo ang magiging parusa niyo kapag nadamay ako dito, babalikan ko kayo kahit sa kulungan." Natatarantang kinuha ni Vanessa yung bag niya sa gilid ng lamesa saka naglabas ng malaking halaga ng pera at inabot dun sa isang lalaki.

"Ma'am, anong gagawin namin dito?" Tanong nung isa niyang tauhan na ako ang tinutukoy.

"Patayin niyo na yan!" Nagmamadali siyang umalis at lumabas.

Agad akong nakarinig ng ilang putok ng baril na mula pa sa baba.

"Anong gagawin natin dito?" Tanong uli ng isang lalaki.

"Dalhin mo dun sa bodega sa dulo, may maliit na pinto don, pagpasok niyo isa yung kwarto. Hanapin niyo na lang yung susi. Mapapakinabangan pa yan! Lilinisin lang namin ni Celso yung mga kalat sa baba." Bumaba na yung lalaking nagsalita.

Yung dalawang lalaki namang hawak ang braso ko ay kinaladkad ako papunta sa dulo ng ikalawang palapag. Nahihirapan akong lumakad dahil sa matinding sakit na nararamdaman ko ngayon.

"Bitiwan niyo ako! Tulong!!!?" Buong lakas kong sigaw. "Ano ba?! Bitawan niyo ko!!! Alexander!!! Tulong!!!" Sigaw ko habang nagpupumitlag.

Pagdating namin sa kwarto ay binitawan ako ng isang lalaki at nagsimula siyang maghanap sa maliliit na cabinet ng susi siguro.

Merong maliit na pinto sa dulo na naka-kandado at mukhang hindi pa yata nila alam kung saan yun nakalagay.

Habang abala yung lalaki sa paghahanap ay marahas akong nagpumiglas mula sa pagkakahawak sakin ng isa pang lalaki. Bumwelo ako saka ko tinuhod yung pagkalalaki niya. Kaya nabitawan niya ako. Bigla siyang sumigaw para kunin yung atensyon ng lalaking abala sa paghahanap ng susi.

Loving You Mr. Pervert (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon