EPILOGUE

1.2K 21 5
                                    

Happiness, love and contentment. Para sakin, yan ang sikreto ng isang matatag na pamilya.

Sabi nila, ang buhay ay parang isang roller coaster ride. You have to take a risk for fun and experience. Sure, there will be ups and downs but you will enjoy it habang tumatagal.

My life is a big mess before I met Noreen, I was really broke and lost. My heart was shattered into pieces. Can't find the happiness because it literally left me. But then He gave me a cure. It was Noreen who make me smile and fall inlove again. She complete me, binuo niya ang pagkatao ko.

At first, she's just for fun. But later on, I did realize that I really need her. Until we end up making our own family.

Noreen and I were married for 37 years. And today is my 63rd birthday.
Sad to say na hindi kumpleto ang pamilya ko. We lost our princess, my Alexis. At ngayon, mukha mawawala na rin ang reyna ko.

We had a little celebration here sa bahay. I was old and not too strong kaya hiniling ko na lang kay Andrei na wag na siyang magpapunta ng bisita o kaya maghanda ng marami. Noreen, Andrei and his family is enough.

"Dad, we're going. Take care of mom and yourself." Saad ni Andrei.

"Bye daddy lo! Please give my goodbye and kisses to mommy la ha." My granddaughter, Zera told me as she kiss my cheek. Tumango lang ako saka sila umalis.

I am so proud of my son, Andrei. Kahit wala siyang masyadong oras ay pumunta parin siya dito sa bahay. She married Aela, Aeron's daughter. Hindi nga lang nakapunta dito dahil may flight ito ngayon.

Naalala ko noon, ayaw na ayaw ni Andrei makipaglaro kay Aela dahil ayaw niya sa mga childish. Kaya nagulat talaga kami nang ipakilala niya si Aela samin ni Noreen not as a friend but as lovers. Now, they're happy together with their daughter.

Sigurado akong proud na proud si Alexis sa kambal niya. Sayang lang, kase dapat may anak narin siya ngayon at tulad ni Noreen, alam kong magiging isang mabuti din siyang ina.

Kanina tinawagan ako ng mga tukmol. Ang Swentlemens. Just like me, they were old and grey. Sad to say, but we aren't complete. Kevin died a year ago kaya talagang nagluksa kami sa pagkawala niya. Other than that, matatag parin ang samahan na binuo ni Nard. Ang samahang nagpasaya ng buong high school and college days ko.

Umakyat nako at pumasok sa kwarto namin ni Noreen. I smile remembering those days na pinapainit namin ang malamig na kwarto nato. I saw her in the balcony sitting in her wheelchair.

Nilapitan ko siya at agad na hinalikan. She smiled at me.

"Happy birthday mr. pervert." She told me as she smile. Tulad ko groggy na rin ang voice niya, we both have a grey hair, pero sobrang nipis na ng kanya at kulubot na ang mga balat. But I'm still inlove with her like we're in our 20s.

"Thanks baby ko. Did you take your meds?" I asked while waiting for her answer.

"I don't need that. Sinusuka na sila ng katawan ko love."

I wanted to cry but I hold my tears back. I am strong at ayoko ipakita sa kanya na nanghihina ako sa tuwing nakikita ko siyang nahihirapan. Last past few years nadiagnosed siya at sinabi ng doctor na may tumor daw ang utak niya. They already perform an operation pero hindi masyadong successful. I mean may good and bad side effects ito sa kanya. Kaya nga may mga bagay siyang madalas makalimutan. Pinagamot namin siya sa ibang bansa, sa mga magagaling na doctor pero masyado na daw malala ang case niya. Sabi sakin ng doctor na kelangan ko daw maghanda at tanggapin ang lahat kung sakali mang dumating ang araw na kinatatakutan ko. I wasn't ready. She only have a few months, weeks or maybe days dahil lalo nang lumalala ang sakit niya.

"Zera wants to give you a kiss. She really miss you." I told her. She look at me.

"Who's Zera love?"

I hold back my tears again. Nakakalimot na naman siya. "Our grandchild, Zera, Andrei's daughter." Paalala ko sa kanya saka siya ngumiti.

Naupo ako sa tabi niya saka ako nagkwento. Lagi kong kinukwento sa kanya lahat ng memories na magkasama kami at lahat ng pinagdaanan namin. Ayoko kasing mawala yung mga yon sa alaala niya. And I know na nilalaban niya parin ito, masaya ako dahil never niya akong nalimutan.

Hapon na at papalubog na ang araw, she's laughing beside me habang kinukwento ko sa kanya ang kalokohan ni Andrei noon.

"Lokong bata." She told me as she hold my hands and look at the sky. "Love, naaalala ko lahat. From the beginning...masaya akong nakilala kita at ikaw ang binigay sakin ng Diyos." Pinisil niya ang kamay ko. "Masaya kabang nakilala moko love?"

I smile. "Sobra. Sobrang saya ko na nakilala kita at diko pinagsisisihan yon." She smiled back at me.

"Nagsisi talaga ako nung mga panahong nagalit ako sa Kanya. Dahil sa pagkawala ni Alexis pero alam ko namang ginawa niya lang yun para di mahirapan ang anak natin."

I smile remembering clearly the face of my daughter.

"Love, nakikita ko na sila. Si nanay, si tatay at si Alexis..." She whispered. I bit my lower lip. Sign na yun. I know, I'm aware. "Nahihirapan na ako love, pagod na akong labanan ang sakit ko. I need to rest...forever."

"No...please. Samahan mo pa ako ng mas mahabang panahon pa." Saad ko habang nangingilid ang luha ko.

"Love, kelangan ko nang magpaalam sayo. Niyayaya nako ni Alexis. Wag kang mag-alala Alexander ko, lahat ng alaala natin ay mananatili lang sa puso ko." She's smiling. Masaya akong nakangiti siya at makikita ko lang yan kung ilelet-go ko na si Noreen, kung papalayain ko na siya.

"I'm letting you baby ko. Magpahinga kana at ihalik moko kay Alexis. I'll see you soon." I whisper in her ears.

"Thank you love. Hihintayin kita sa kabilang buhay at doon...ikaw pa rin ang mamahalin ko. I love you Mr, Pervert, I...really do." She closes her eyes.

"I love you too, hahanapin kita doon." I hugged her.

As the sun goes down, Noreen's eyes went close. This is her last sunset with me. Kasabay nang paglubog ng haring araw ay ang pagkawala ng babaeng pinakamamahal ko. She left me on my birthday.

I am alone again kahit na andito parin ang katawan niya at yakap-yakap ko.

"I love you Noreen. Don't forget me." Lumakas ang ihip ng hangin na tumama sa mukha ko. I know it was her. I kissed her lips as I mourn our life back then.

Hinayaan ko nang tumulo ang luha ko. "Baby ko, wake up. Hindi ko pa pala kaya." I said as I hold her cheeks. Alam kong wala nang sasagot sakin. She died in my arms.

She was literally here pero alam ko namang hindi na siya didilat pa at gigising. Hindi na niya ako babatiin ng good morning, wala nang tatawag saking Mr. Pervert. Wala na akong mapagkukwentuhan ng lahat ng nangyari sa buong araw ko. Wala na akong kayakap sa gabi. Now that she's gone, I wanted to be gone too.

"Noreen, wait for me kung nasaan ka man. Your Mr. Pervert will look at you afterlife, at sa lugar na yun, sa lugar kung saan wala nang sakit, paghihirap at kalungkutan ay patuloy parin kitang mamahalin."

I kissed her lips yet I know that she won't response to it again.....

======================

To God be the Glory!
.....
....
...
..
.

Loving You Mr. Pervert (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon