Vanessa Barquin's PoV
"Vaness, pakawalan na kaya natin siya?"
Hindi maipinta yung mukha ni Aira habang nagsasalita at nakamot sa ulo niya. We're here sa kotse niya dahil may date kami ni Lex later. Ako naman, busy na kinakabit yung fake tummy ko. Ilang buwan na lang at matatapos na ako sa pagpapanggap na to. At ilang buwan na lang din, magiging ganap na Mrs. Chavez na ako.
"Vaness, paano kung mahuli tayo?"
Tinignan ko ng masama si Aira. "Sa kakaganyan mo, mahuhuli talaga tayo. Will you just shut your mouth at magtiwala sakin?"
"Paano kung makatakas siya?"
"The hell, Aira. Wala ka bang tiwala sa mga tauhan natin? Todo-bantay sila doon." I said saka nagsimulang magretouch.
"Police. Paano kung naghahanap na pala yung mga police? Bakit ba ayaw mo pa siyang pakawalan Vaness? Eh nakuha mo na naman yung pakay mo sa kanya eh."
"Aira, gamitin mo nga yang utak mo. Kung papakawalan natin si Noreen, edi nagsumbong yan sa mga police, kay Lex at sa kung sino mang Poncio Pilato jan! Edi mas lalo tayong malalagot. Mawawala lahat ng pinaghirapan natin. Matatapos na tayo oh, ilang buwan na lang."
"Eh anong gagawin mo sa kanya? Hindi pwedeng habang buhay mo siyang ikulong doon!"
"I know. Kaya nga pinapatay ko siya ng paunti-unti. Hanggang sa mabulok siya doon at wala nang makakita sa kanya. Kaya calm down Aira, you're so paranoid."
Nagface palm lang siya saka nagbuntong hininga. Masyado talagang matatakutin tong si Aira. Ayaw na lang magtiwala sakin at sa mga plano ko.
"Bahala ka. Alam mo naman yung mga consequences na pwede mong harapin eh. I just dont know kung paano ka nakakatulog ng mahimbing sa gabi, knowing na may isang naghihirap dahil sayo."
"Shut up, Aira." Kanina pa ako nagpipigil sa ingay niya. "Will you just drive me home? Wag kang mag-alala, hindi kita idadamay dito kung sakali mang magkahulihan."
I hear her sighed. Sobrang kabado naman tong si Aira.
Pagdating ko sa mansyon nila Lex ay naabutan ko siyang nakabihis na. He's so excited naman sa date namin. Natutuwa tuloy ako kase nagbibigay na siya sakin ng time at feel na feel ko na priority niya kami ng baby niya. Like now, hindi ko na siya kailangang itext or sabihan na magbihis na siya or magready para sa date. Nagkusa na siya agad. I wonder kung may surprise siyang nakahanda.
Nilapitan ko siya na nasa kwarto niya na nagsusuot ng kanyang sapatos. "Hi babe. You look good." Puri ko sa kanya saka siya tinabihan sa kama at naupo. "What do you think? Magchechange outfit pa ba ako or hindi na? Okay na ba to?"
Nilingon niya ako saglit saka nagpatuloy sa pagsasapatos. "You look good. You don't need to change." Tumayo siya at humarap saglit sa salamin.
"Okay. If you say so. Let's go?" Yaya ko sa kanya.
"You'll stay here."
Biglang nagsalubong yung mga kilay ko sa sinabi niya. "Why? Diba may date tayo? So that means na kasama ako."
"You're not coming with me. May pupuntahan akong importante." Aniya at akmang papalabas na sa pinto.
"Saan ka ba pupunta?"
"Pupuntahan ko si Aeron, makikibalita lang ako."
"About what?"
Hindi muna siya sumagot saka tumingin saken. "Have some rest okay? Let's set up our date next week."
"San kaba kase pupunta? Mas importante ba yang si Aeron kesa saken at sa baby naten?!" I shouted dahil sa inis.
"Nawawala si Noreen, Vanessa. Ilang araw na ang nakakalipas. Kaya bilang kaibigan, gusto kong tumulong at makibalita sa mga nangyayari sa kanya."
BINABASA MO ANG
Loving You Mr. Pervert (R-18)
General FictionWarning: This story may contains mature content and suitable for 18+ readers. Highest Rank: No.1 in #Sexual Everleigh Noreen De Ocampo, gets so much unluckiness in the world and will face a lots of struggle in her life. That is when her teasingly h...
