Chapter 16: Wrong Move

1K 12 0
                                    

CHAPTER 16

{WARNING: R18 • SPG}

Aeron Paul PoV

"She's on her way." Sabi sakin ni Joniel na talaga namang nagpadagundong ng puso ko.

Tae! Diko maipaliwanag anag nararamdaman ko. Kaba? Saya? O ano? Ewan!

"Sige sige!" Inayos ko na yung sarili ko saka ako huminga ng malalim.

"Congrats in advance." Nakangiting sabi sakin ni Lex saka tinapik ako sa balikat.

Nasa isang restaurant kami at dito ko plinano ang lahat. Inoccupy namin ang buong garden ng restaurant kung saan may isang mesang pabilog at dalawang upuan na nakalaan para samin. Nakahanda na rin ang orchestra para magpatugtog ng romantic music para samin. Perfect ng garden spot ng resto na ito dahil sa romantic ambiance. Andito na rin ang buong Swentlemens para suportahan ako, lalong-lalo na si Lex.

Ang laking tulong ang ginawa ni Lex. Actually, hindi dapat pupunta si Noreen dahil ayaw niyang mag-half day sa trabaho niya sa restaurant na pagmamay-ari nila Lex. Ewan ko ba kung anong strategy ang sinabi ni Lex kay Noreen para lang mapapayag niya itong pumunta dito. Nagsimula na kasing magtrabaho si Noreen sa resto na pagmamay-ari ng mommy ni Lex.

"Thanks a lot Lex. Sana talaga magtagumpay ako dito." Inayos-ayos ko yung buhok ko.

"Why not? Noreen can appreciate even small things."

Nginitian ko lang siya. He's right, simpleng tao lang si Noreen kaya alam kong maaappreciate niya itong hinanda namin. Kinakabahan ako na ewan.

After a minute, bumukas yung pinto papunta rito sa garden. A group of violinist started to play a soft-romantic rhythm. Hindi ko maiwasang titigan ng matagal si Noreen. She's so beautiful, even if she's wearing a simple clothes. Hawak ni Joniel yung kamay niya at in-escort papunta dito sa kinatatayuan ko. I can see from her eyes that she's wondering at palinga-linga sa paligid.

"Good evening, Noreen." I told her nang maihatid siya sakin ni Joniel. Malugod ko siyang inescort para makaupo ng maayos.

"Aeron, ano to?" Alinlangan niyang sagot na nagpakaba sakin. Bigla na namang pumasok sa isip ko yung thoughts na baka mabigla siya o baka ma-reject ako.

I heaved a sigh. Positive lang Aeron. I can make it.

"Noreen..." I hold her hands. "May gusto akong sabihin sayo." I started. Patuloy sa pagtambol ang puso ko habang hawak ko ang malalambot niyang kamay.

Umiiling lang siya habang nakatitig sakin. Bigla akong nag-alinlangang magsalita. Tinignan ko si Lex na nasa likod ni Noreen habang sumesenyas ng "spill it out".

Huminga muli ako ng malalim. "Noreen, please be....my girlfriend." I said.

She was shocked.

*dug dug*

"Aeron...thanks dito. Alam kong nag-effort ka ng sobra. At hindi ko alam na may gusto ka pala sakin, sorry kung hindi ko naramdaman iyon. But then, thank you. Thank you sa lahat ng ito. Pero I can't. Im sorry." Binitawan niya ang kamay ko matapos niyang bitawan ang mga salitang iyon.

Napanganga ako sinabi niya. Sorry? Yun na yon? Para akong dinudurog sa sakit! Tangina!

Napayuko ako sa kahihiyan. Alam kong disappointed at kinaaawaan ako ng mga tao na nandito at ng mga nakarinig. Nagsimulang mag-unahan ang mga luha ko. Parang ayaw tanggapin ng sistema ko ang mga sinabi ni Noreen.

Loving You Mr. Pervert (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon