Chapter 2: His Slave

2.2K 26 3
                                    


Everleigh Noreen's PoV

Mangiyak-ngiyak akong umuwi sa bahay. Dala na rin ng problema at ng gutom. Naabutan kong natutulog si Mich. Wala naman sila nanay at yung asawa niya. Hindi man lang nag-iwan ng pagkain o kahit pambili. Huminga ako ng malalim nang maramdaman kong namimilipit na ang tyan ko, wala naman akong pera para bumili ng makakain eh.

Grabe! Bakit sunod-sunod ang mga problema ko? Saan ako kukuha ng ganon kalaking pera? Eh halos wala pa sa kalahati non ang ipon ko. Wala rin naman akong kaibigan na pwedeng utangan.

Isa pa tong Alexander nato! Dagdag-isipin eh. Gusto niya raw akong maging alalay niya. Kaya bilang kabayaran sa nabasag niyang phone at nadumihang damit ay pupunta ako sa bahay nila bukas pagtapos ng klase.

Ganon ba talaga kapag mayaman? Wala man lang akong kalaban-laban sa taong yun. Mas maigi na rin siguro yun kesa naman magbayad ako ng malaking halaga.

Napatayo ako sa kinauupuan ko nang dumating si nanay at may dalang bilao.

"Hoy! Anong tinutunganga mo jan? Oh, eto..." inabot niya sakin yung mga sapin-sapin na nasa bilao. "Ibenta mo yan! Nang may pakinabang ka naman sa buhay ko! Wag kang uuwi dito hanggat dimo nabebenta yan lahat ah!" Sigaw sakin ni nanay.

Nagbuntong-hininga ako.

Lumabas nako saka nagsimulang maglako. "Sapin-sapin!" Sigaw ko. Nilagay ko sa bulsa ko yung isang supot ng sapin-sapin dahil baka hindi pa kumakain si Mich.

Maggagabi na pero, wala pang kalahati ang benta ko. "Sapin-sapin!" Ang malas naman.

BEEEEP!!!

Nagulat ako nang may bumusina sa likod kong magarang kotse.

Napa-awang ang labi ko nang huminto yung kotse at binaba yung bintana, niluwa non si Alexander. "How much is that?" Natatawa niyang sabi.

"Sampu isa." Sagot ko sa tila nang-iinsulto niyang tanong.

Saglit siyang kumuha ng pera sa wallet niya saka inabot sakin yung tatlong libo. "Bibilhin ko na lahat. Keep the change."

"Pero..." Kumakain ba siya neto?

"Ayaw mo ba?" Mabilis kong inabot sa kanya yung benta ko at kinuha yung pera. "Hindi ako kumakain neto pero pasalamat ka dahil uubusin ko na lahat ng paninda mo." Saad niya na para bang nabasa ang naiisip ko.

"Thank you!" Ngiti ko sa kanya.

"Remember to go with me after class hour tomorrow. Meet me at the parking lot of school." Sabi niya saka mabilis na pinaandar yung kotse. Hindi man lang ngumiti. Bumuga pa yung usok sa tambutso ng kotse niya diretso sa mukha ko! Kainis!

Tinignan ko yung hawak kong pera. Tatlong libo din to. Pwede kong kunin yung 1,500 para makabayad nako ng toga bukas.

Hay! Ang swerte ko naman kahit medyo mayabang siya.

Pagdating ko sa bahay ay nag-iinuman yung asawa ni nanay sa tapat namin kasama yung mga tropa niya. Lasing na ata sila.

"Asan na yung pera?" Inabot ko kay nanay yung isang-libo para di na maghimutok. Di naman niya malalaman na naka-3k ako sa pagbebenta eh. Madalas kase, 700 o 500 pesos lang ang nabebenta kapag naubos to.

Pinuntahan ko agad si Mich na gumagawa ng assignment niya. "Mich? Kumain kana ba?" Tanong ko.

"Opo ate."

Nilabas ko sa bulsa ko yung sapin-sapin na tinira ko kanina. Wala na ngang pera tapos may gana pa silang mag-inuman?

"Oh kainin mo yan para dika gutumin." Alok ko kay Mich. Bukas na lang siguro ako kakain.

Loving You Mr. Pervert (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon