Chapter 21: Choose

885 11 0
                                    

Everleigh Noreen's PoV

Naupo ako dito sa puntod ni tatay saka inalis yung mga bulaklak na nabubulok na.

"Tay? Sino nagdala ng mga bulaklak sa inyo? Dinalaw ka ba ni nanay?"

Nilapag ko yung kahon sa damo saka tinirik yung kandila sa gilid.

"Tay, pasensya na ngayon lang ulit ako nakadalaw sa inyo ah, masyadong busy ang anak niyo eh. Tay, sorry dahil wala din akong dalang kahit na ano."

Kinuha ko muna yung phone ko saka pinatugtog yung favorite song ni tatay na 'Out of the Blue'. Nung nabubuhay siya ito yung lagi niyang inaabangan sa radyo tapos sasabayan niya.

Napatingin ako sa kahon. "Mga gamit ko yan sa opisina tay. Natanggal ako sa trabaho eh. Biruin mo tay, ilang weeks pa lang yata akong nandon, na-fired agad ako." Naiiyak kong tugon. Ganto ako lagi kapag dinadalaw si tatay, magtitirik ng kandila saka kakausapin siya na para bang nanjan lang siya sa tabi ko at nakikinig. Sa paraang ito ko lang kase nararamdaman na anjan lang siya at binabantayan ako at nakikinig sa mga drama ko.

"Tay, ginawa ko naman po ang lahat para sa presentation na yun eh..." Napayuko na lang ako. "Alam ko tay, nakakahiya yung ginawa ko. Promise, sa susunod na papasukan ko, pagbubutihin ko pa."

Naramdaman kong biglang umihip ng malakas yung hangin. Eto na naman yung pakiramdam na ayaw ko. "Tay naman, wag ka namang magparamdam. Namimiss ko kayo lalo eh."

Bigla kong naalala yung mga panahong nakakasama ko pa si tatay.

"Anak, pasensya kana sa regalo ni tatay ah."

"Tay naman, paborito ko kaya itong kwek-kwek! Lalong lalo na itong calamares! Salamat po dito tay!"

"Hayaan mo anak, kapag nakahanap ng mas magandang trabaho si tatay, cake naman ang ibibili ko sayo sa susunod na birthday mo."

"Talaga tay? Pero hindi po yun ang gusto ko. Tay, ang gusto ko po ay yung lagi ko lang kayong kasama ni nanay..."

Pinunasan ko yung mga luhang pumapatak mula sa mga mata ko. Diko maiwasang maalala yung mga masasayang bagay na kasama ko pa si tatay.

Naaalala ko pa nung, binully ako sa school nung elementary palang ako. Si tatay lagi ang nagtatanggol sakin. Kahit diko sabihin na inaaway ako ng mga kaeskwela ko ay nararamdaman niya.

Sabi niya, ipagdasal ko na lang daw sila imbis na kagalitan.

"Tay, sorry kung pinapatulan ko si Vanessa ah. Alam kong nakikita mo yung mga pinaggagawa ko at pinagsasabi ko sa kanya, pero tay, ayoko lang namang maagrabyado. Ayoko lang naman na tinatapak-tapakan ako ng mga tao. Gusto kong ipakita sa kanila na malakas ako at kaya ko silang pantayan."

Wag ka ng magalit tay. Sorry talaga.

"Tay, tulungan mo akong makahanap ulit ng trabaho ah."

Tinignan ko yung kalangitan at magdidilim na. "Sige na tay, bibisita na lang po uli ako sa inyo. I love you, tay." Tumayo na ako saka binitbit yung kahon.

"Noreen!"

"Hay jusko!!!"

Halos mabitawan ko na yung bitbit ko nang biglang sumulpot sa harap ko si Aeron.

"Aatakihin ako sayo sa puso eh!" Saway ko sa kanya. Gulatin niya ba naman ako dito? Sa sementeryo?!

"Sorry, hehe! Halika na hahatid na kita."

Loving You Mr. Pervert (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon