Everleigh Noreen's PoV
"Welcome home baby!" Bati sakin ni Alexander pagdating namin sa mansion nila.
Pinasundo niya ako kanina sa bahay namin. Napag-usapan na kasi namin na babalik nako dito sa mansyon. Nung una niyayaya pa niya sila nanay, pero tinanggihan ni nanay kase mas maigi daw kung nakabukod sila samin para naman daw may privacy kami kahit na maggirl friend at boyfriend palang kami.
Ang totoo niyan ay nag-alangan din ako kase nga nandito yung parents niya. Alam naman naming pareho na mainit ang dugo nila sakin eh. Pero sabi ni Alexander ay wala daw akong dapat na ipagalala kase sigurado naman daw siya na nagsisisi na yung mommy niya sa nagawa nito sakin noon.
Kaya nga natutuwa ako kasi atleast maganda na rin ang image ko sa pamilya niya. Pero syempre dun parin ako sa kumpanya nila Aeron magtatrabaho, ayoko kaseng isipin ni Aeron na bias ako o kaya lagi na lang si Alexander. Saka isa pa, baka hindi rin ako tanggapin ng mommy ni Alexander eh.
Matapos kunin ng mga katulong yung mga gamit ko ay niyaya nako ni Alexander sa dining room. Andon yung mommy at daddy niya pati si Nicollo.
"Welcome home! Halika, sumabay ka saming kumain hija." Yaya sakin ng daddy niya. Tumango lang ako saka ngumiti. Napapasulyap ako sa mommy nila at mukha naman itong good mood at nakangiti pa.
Grabe! Ang gaan tuloy ng pakiramdam ko.
"Uhm, Noreen?" Napalingon ako sa mommy niya na nagsalita habang kumakain kami. "I want to say sorry and apologize sa mga nagawa ko sayo noon. Feel at home at welcome back sa mansion namin."
"Thank you po and sorry din Mrs. Chavez."
"No, you can call me tita."
"Okay po tita." Nginitian niya lang ako saka nagpatuloy kami sa pagkain.
Nung natapos na kaming kumain ay sinamahan na ako ni Alexander sa isa sa mga guestroom. Hindi niya ako dinala doon sa dating kwarto ni Vanessa, sabi niya kase ay andun pa yung mga gamit nito.
"I'm glad na magkaayos na kayo ni mom. Sa ngayon, dito ka muna baby ko at magpahinga. Tawagan mo lang ako pag may kailangan ka o kaya tawag ka lang sa intercom kapag nagugutom ka okay?" Tumango lang ako saka niya ako niyakap.
His masculine scent, I miss it.
"Got to go baby ko, may aasikasukin lang ako." Paalam niya. Tumango lang ako saka siya lumabas.
Nahiga muna ako sa kama at nagpahinga.
Bakit kaya hindi pa kinukuha ni Vanessa yung mga gamit niya? Hindi pa ba siya umaalis o baka naman natatakot at nahihiya na siyang balikan yung mga gamit niya?
Hay ewan. Hindi na mahalaga yun. Basta ngayon, okay na ang lahat. Sana magtuloy-tuloy na yung closure namin ni tita, para naman atleast makabawi ako sa mga nagawa ko ring pagkakamali sa kanya.
Siguro ang problema na lang sa ngayon ay si Vanessa. Hindi ko na siya nakikita eh, malay ko ba kung may pinaplano na naman siya o ano. Lalo na ngayon na unti-unti na siyang bumabagsak.
—
Kinagabihan ay tinulungan ko yung mga katulong na magluto ng hapunan. Sobrang bored ko at saka isa pa, wala rin si Alexander kaya kelangan kong humanap ng pagkakaabalahan.
"Ma'am sigurado po ba kayo na ayos lang sa inyong tumulong? Nakakahiya po kase, gawain po namin yan. Nagpapahinga lang po dapat kayo." Saad sakin ni manang habang pareho kaming naghihiwa ng gulay.
"Manang, ayos lang yon. Walang problema don, nabuburyo kase ako sa malaking bahay nato eh. Kaya okay na rin siguro kung tumulong ako sa inyo para mapabilis din yung mga gawain niyo."
BINABASA MO ANG
Loving You Mr. Pervert (R-18)
General FictionWarning: This story may contains mature content and suitable for 18+ readers. Highest Rank: No.1 in #Sexual Everleigh Noreen De Ocampo, gets so much unluckiness in the world and will face a lots of struggle in her life. That is when her teasingly h...
