Chapter 19: Vanessa's Game

890 8 0
                                    

Everleigh Noreen's PoV

Sinundan ko siya sa kwarto niya. Ni-lock niya yung pinto saka humarap sakin. Ramdam kong may galit sa mga mata niya.

"Ano yon?" Panimula niyang tanong. "Why did you do that?"

"Hindi ko naman alam na ampalaya pala yun. Kinuha ko lang yun sa refrigerator." Pagsisinungaling ko.

"Really? Then what took you so long para kunin yung sinasabi mong shake? May galit ka ba kay Vanessa? Hindi ka naman niya inaano ah!"

"Edi sorry." Yun na lang yung sinabi ko. Hindi daw inaano? Eh aping-api na ako dito sa mga sinasabi ng Vanessa na iyon eh.

"Yun lang? Then bakit mo pinutol yung wire ng aircon sa tutulugan ni Vanessa?"

Nanlaki yung mga mata ko.
"Tutulugan? Eh ako nga ang natulog doon. Saka isa pa, nagulat din ako dahil putol na yun nung nakita ko. Wala akong kinalaman doon noh." Defense ko.

"Liar! Leave my room now!"

Mabilis akong lumabas ng kwarto niya, nakita ko pang naka-abang si Vanessa sa may pinto at halatang nakikinig sa usapan namin. Suntukin ko mukha niya jan eh!

Nilagpasan ko lang siya saka ako dumiretso ng kwarto at nag-lock. Badtrip na weekend toh! May demonyang bwisit kasi eh!

Maaga akong pumasok kinabukasan. Ayokong makita sila Vanessa at si Alexander. Pero sa kinamalas-malasan ko ay nandito sa restaurant si Vanessa. Ano namang ginagawa niya dito? Sisirain na naman ba niya ang araw ko?

Dumiretso na ako sa opisina ko bago pa niya masira ang araw ko.

Habang isa-isa kong tinitignan yung mga paper works na ginawa ko kagabi para sa meeting mamaya ay may biglang kumatok. "Come in." Utos ko.

"Hi there."

Ang pumasok ay walang iba kundi si Vanessa, ang maninira ng araw! "Anong kelangan mo?" Bait-baitan muna tayo.

"Dito ka pala nagtatrabaho? Wow! Grabe naman yang kasipsipan mo sa pamilya ni Alexander." Naupo pa siya sa isa sa mga chairs sa tapat ng table ko. Oh diba bwisit!

"Alam mo? Kung hindi naman importante yang sasabihin mo, makakaalis kana. Andami ko pang mas importanteng gawain kesa i-entertain ka." Alis na! Habang nasisikmura ko pa yang mukha mo. Psh!

"Bakit? Gaano ba ka importante yang ginagawa mo?" Pang-aasar niya habang patuloy lang ako sa ginagawa ko.

"Mas importante pa sa buhay mo. Ano ba? Hindi ka pa ba aalis?" Naiiritang tanong ko.

"Why? Natatakot ka bang matanggal sa restaurant na to? Siguro hindi ka matanggap sa ibang restaurants noh? Because you're so bobo as in! Ampalaya instead of avocado?"

Pigilan niyo ko! Hihilahin ko yang retokada niyang ilong!

"Move-on instead of flirting your ex to get him back again? Sino kayang mas bobo satin?" Tinaasan ko pa siya ng kilay.

Sinamaan niya ako ng tingin at mukhang nagngingitngit na ang mga ngipin niya sa galit.

Tumayo siya saka ako dinuro. "Tandaan mo 'to, hindi kami official na nag-break up. So I have the rights to get what's mine. Mine! You cheap maid!" Pagtataray niya kaya tinawanan ko na lang para lalo siyang maasar.

"Kahit ano pang sabihin mo, I don't even care. Will you please get out of my room?!" Sigaw ko sa kanya.

"Fine! Aalis na! Andito lang naman ako para sabihing pinapatawag ka ni Alexander sa may parking lot. Maka-alis na nga, ang baho ng office mo. Eww! Cheap!" Nauna na siyang umalis.

Loving You Mr. Pervert (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon