Chapter 36: Suffer

743 9 1
                                    

Everleigh Noreen's PoV

Nagising ako dahil sa sobrang pananakit ng ulo ko.

Teka?

Anong nangyari sakin?

Nasaan ako?

Tatayo na sana ako mula sa pagkakahiga ko sa sahig nang bigla akong mapaupo pabalik. Nakatali ang mga kamay ko ng mahigpit sa likod!

Naalala kong nasa parking lot lang ako ng kumpanya nila Aeron kanina at may mga lalaking tinutukan ako at tinakpan yung ilong ko.

Nilibot ng paningin ko yung buong lugar. Isa siyang lumang kwarto na walang kahit anong gamit. Kundi yung ilaw na nagbibigay liwanag sa paligid. Habang yung mga kamay ko naman ay nakatali sa lubid na nakakonekta at nakatali din sa matigas na bakal na nasa likod ko.

"Tulong!!!"

Sigaw ko. "Tulungan niyo ko! Tulong!!! May tao ba dyan?!"

Biglang bumukas yung pinto at pumasok yung isang lalaki. "Hoy! Tumahimik ka nga jan!" Sigaw niya sakin. Nakasuot siya ng itim na mask saka bonnet. Isa siya sa mga dumukot sakin kanina lang!

"Tulong! Sino ka? Anong kelangan mo sakin?!" Sigaw ko habang nagpupumiglas.

"Wala akong kailangan sayo! Pero yung amo ko meron. Tumahimik kana nga!"

"Sinong amo mo?! Bakit niya ginagawa 'to sakin?!"

"Ang ingay mong babae ka. Kung barilin na lang kaya kita?" Biglang kumabog ang dibdib ko nang maglabas siya ng baril galing sa bulsa niya at itutok sakin.

"Shhh. Tama na yan Gregor. Wala yan sa usapan natin." Pumasok yung isang babae at pinigilan yung tinatawag niyang Gregor. Nakasuot din ng mask yung babae at nababalutan ng belo yung mukha niya.

"Maam, tinakot ko lang po. Ang ingay eh!"

"Wala yan sa plano." Pagsasalita ng babae.

Nadako ang tingin ko sa tyan niya. Malaki yon at parang buntis. Teka, kung hindi ako nagkakamali, si Vanessa yun! Yung boses at yung tyan!

"Vanessa?! Alam kong ikaw yan! Anong gagawin mo sakin?! Anong kelangan mo?!" Sigaw ko. Tinanggal niya yung belo niya, di nga ako nagkakamali dahil si Vanessa nga at walang iba! "Walangya ka! Anong kelangan mo sakin?!"

"Noreen, nagkita ulit tayo. Akala ko hindi moko makikilala eh."

"Hindi ako tanga! Pakawalan moko dito!" Pagpupumiglas ko.

"Well, hindi rin ako tanga para pakawalan ka. Ngayon, kung ayaw mong pahirapan pa kita, sasabihin mo sakin kung anong gusto mong sabihin kay Lex."

Walangyang babaeng to! Anong kala niya sakin? Uto-uto?! Pinaabot niya pa talaga sa ganto!

"Bakit? Ikaw ba si Lex? Kung gusto mong malaman, iharap mo siya sakin!"

Nilapitan niya ako saka hinila yung buhok ko. "Ang tapang mo naman. Eh wala ka namang binatbat sakin!"

Dahan-dahan kong ginalaw yung tuhod ko at tinuhod yung tyan niya.

"Ahh!" Nabitawan niya yung buhok ko saka napaupo sa sahig. Hindi mo mababakas sa mukha niya ang pag-aalala at sakit. Dahil wala naman talagang lamang bata ang tyan niya. May pasigaw-sigaw pa siyang nalalaman!

"Maam Vanessa!" Tinulungan siya nung lalaking naka-bonnet na tumayo.

"Yung baby ko! Hayup ka Noreen!" Sigaw niya sakin habang pinagpag yung sarili niya.

"Mas hayup ka! Sinungaling! Manloloko! Anong baby? Managinip ka! Rinig na rinig ko kayong dalawa ng kaibigan mo na nag-uusap tungkol sa peke mong pagbubuntis! Wala ka ng malilinlang dito! Kaya sa oras na maparinig ko yung ebidensya kay Alexander, na galing mismo sa bibig mo na bibili ka ng sanggol sa ibang babae, siguradong matatapos na lahat ng kapekean mong hayop ka!" Sigaw ko na umalingawngaw sa buong paligid.

Loving You Mr. Pervert (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon