Chapter 45: Love & Kindness

709 4 0
                                    

Everleigh Noreen's PoV

"Mich? Do you wanna go there?" Tanong ni Aeron kay Michelle sabay turo sa arcade.

"Opo kuya Aeron!" Excited na sabi niya.

Tinitigan ako ni Aeron saka siya ngumiti. "Tara?" Tumango na lang ako saka sumabay sa paglalakad kasama nila.

Kagabi, wala na naman akong ginawa kundi umiyak. Hindi kase maalis sa isip ko si Alexander at yung mga sinabi niya sakin. Alam kong ang drama at ang OA ko, hindi ko lang talaga maiwasan.

Sinabi niya pa noon na magkasama naming haharapin lahat ng problema saka ipaglalaban niya daw yung pagmamahalan namin. Anong nangyari? Wala! Lumala lang lahat. Nag-drama lang pala siya. Pakitang-tao? Oo, siguro.

Kanina tinawagan ko si Aeron at sinabi kong babalik na ako sa trabaho, para naman ma-okupa na yung utak ko, pero sabi niya mag-mall daw muna kami at isama ko si Michelle.

Mas pinili ko na lang na mag-stay sa bahay pero sinundo niya kami kanina. Hindi rin pala siya pumasok. I feel bad kase nag-absent pa talaga siya ngayon pero sabi niya, wala naman daw problema iyon. 

"Noreen?"

Habang pinapanood kong maglaro sila Michelle at Aeron ay may bigla namang tumawag saken kaya napalingon din ako.

"Nicollo?"

"Hey! Sino kasama mo?" Tanong niya. Mukhang palabas na siya ng arcade at nakita niya lang ako. Wala din siyang kasama.

"Si Aeron saka yung kapatid ko." Tinuro ko naman sila saka napatingin si Aeron. Sumenyas lang ako na kakausapin ko lang saglit si Nicollo at naintindihan naman niya agad.

"Kamusta na si Alexander?" Agad kong tanong. Ewan ko ba. Namimiss ko na naman siguro siya.

"Nasa Laguna na siya nagi-stay, si Vanessa kase bumalik na don sa mommy niya. Tapos next week, ikakasal na sila, then babalik uli si Vanessa doon para manganak."

Nanlaki naman yung mata ko. "Ikakasal na agad?" Tanong ko.

"Yeah, gusto na kasing madaliin ni mom yung wedding nila." Sabi niya saka ako hinila ng dahan-dahan palayo ng kaunti kila Aeron. "Noreen, I have something to say..."

"Huh? Ano yon?" Naguguluhan kong tanong.

"Listen, I heard mom and Lex last time sa kwarto at nag-uusap. Ayaw talagang pakasalan ng kambal ko si Vanessa..."

Nagulat ako sa sinabi niya. Ibig sabihin...

"Huh? Eh pero bakit? Nalaman na ba ni Alexander ang totoo?" 

Ayokong mag-assume o ano pero...

Umiling siya. "What are you saying? I mean, si Vanessa lang talaga ang gustong magpakasal at si mommy? Boto siya sa babaeng yun. Ofcourse, she will do everything kaya binlack-mail niya si Lex na sisirain ni mom ang buhay mo kapag hindi pumayag si Lex na pakasalan si Vanessa. Mom's already conclude your family and such. Do you get my point?"

Halos mapanganga ako sa sinabi ni Nicollo. Ano na naman bang nagawa ko para angkinin lahat ng galit nila?

"Kaya pala sinabi niyang layuan na namin ang isa't-isa. Siguro ayaw niya lang akong mapahamak." Bukam-bibig ko. Alam kong over na yung self-confidence ko, pero ramdam kong ginawa lang yung Alexander para sa kapakanan ko den tulad na lang din ng sinabi ni Nicollo.

"I know how much my twin brother loves you. Ikaw ang totoo niyang mahal at hindi yung babaeng yun." Hinawakan ni Nicollo yung kamay ko. "Sa totoo lang, ayokong maging parte ng pamilya namin si Vanessa. Mas gusto kong ikaw na lang ang pakasalan ng kambal ko, please...make it possible."

Loving You Mr. Pervert (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon