Chapter 49

719 9 0
                                    

Nevelle Alexander's PoV

"Dad..."

"Come in." Utos ni dad sakin. Pumasok na ako sa loob ng library at sinara yung pinto. Naupo ako sa tapat niya, habang busy siya sa pagpipirma ng kung ano- anong papeles. "Anong gusto mong pag-usapan natin?" He asked.

"Dad...about the wedding."

Mukhang nakuha ko naman yung atensyon ni dad dahil tinigil niya muna yung ginagawa niya at humarap sakin.

"I'm going to cancel our wedding, dad." Tinignan niya ako saka nagsalita.

"That's the good decision I ever heard from you, Lex. Oo nga pala, sinabi na sakin ng mom mo ang life profile ni Vanessa. What a thief!" Sambit niya.

"Thanks dad. Ang pinagtataka ko lang, ay bakit nandito parin si Vanessa sa mansyon? We have to ban her."

Nakita ko kase siya kanina na magka-usap sila ni mommy. Ewan, pero parang hindi galit si mom, or nagpipigil lang siya.

"Marami pa daw silang pag-uusapan ng mom mo, about sa kasalanan niya. Siguro sa susunod na linggo aasikasuhin ko na ang pagpapa-ban sa babaeng yan." Sabi ni dad. Nakahinga ako ng maluwag. "Ewan ko ba sayo kung bakit mo naging girlfriend ang babaeng yan Alexander. Simula't sapul tutol ako jan. Ano bang nakita mo sa kanya? I told you before na wag kang basta-basta lang bumase sa physical appearance ng isang tao. Go deeper! I mean, suriin mo ang pag-uugali niya. Kumukupas ang ganda, pero ang mabuting kalooban? Hindi."

"Yeah, dad. Alam ko naman yan. Nagkamali lang ako." I heave a sigh. "Dad? I already have a girlfriend."

Tinitigan niya lang ako. "Sino? Naku! Alexander, kakapayo ko lang sayo tapos ngayon may...."

"Si Noreen dad, she's my girlfriend."

Nagulat ako dahil biglang pumalakpak si dad at ngumiti. "Son? That's the best thing I've ever heard!"

Napangiti na lang din ako. Alam kong gusto rin ni dad si Noreen, because she have a good heart.

"Alam kong mabait na tao si Noreen. At nasa tamang tao ka. You know why?" Umiling lang ako. "I know her father. He's a good friend of mine, salat sila sa pera pero mas pipiliin ng tatay niya pagpaguran ang bawat nakukuha niya kesa sa binibigyan siya. A hardworking man, and a loving father. Nakilala ko rin ang kaisa-isa niyang anak noon, nung mga bata pa kayo. Mabait na bata si Noreen at mapagmahal, just like her father, matyaga siya. Until I heard a news na binawian ng buhay ang father niya, may his soul rest in peace, gusto ko sanang mag-offer ng help pero pinigilan ako ng mom mo dahil baka daw ma-scam tayo. After that, wala na akong nabalitaan pa sa mga De Ocampo."

I was shocked. Ibig sabihin kilala na pala ni dad si Noreen? What a small world.

"Take care of Noreen, don't just look at her as your girlfriend. Think about your future, look at her as your loving wife. Narinig ko lang yan pero I think may point yung nagsabi niyan. At isa pa, isang lalaki lang ang magpapaiyak sa kanya. At yun ay ang tatay niya. Did you get my point?" Tanong ni dad.

"Yeah, wag na wag ko siyang papaiyakin."

Tumango lang si dad. "Don't let her cry, intidihin mo siya tulad ng pag-intindi ko sa mom mo."

"Yes dad! Noted." Nakangiti kong sabi.

"Okay, anything else?" Umiling lang ako.

"Thanks for the time dad saka sa mga payo mo. Susundin ko yan. I'll go ahead." Tumayo na ako saka nagpaalam kay dad at lumabas.

Di na maalis ang mga ngiti ko. Lahat na pumapabor sakin ah.

"Woah! There's a crazy man smiling while walking. HAHAHA!" Puna sakin ni Nicollo habang papunta ako sa kwarto ko ay sinundan niya lang ako.

Loving You Mr. Pervert (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon