Chapter 32: Gender

743 8 0
                                    

Loving You Mr. Pervert
Written by Psycho_kween

Chapter 32

Everleigh Noreen's PoV

After 7 Months

"Hey, Noreen?" Napalingon ako sa gawi ni Aeron. "Gusto mo bang sumama sakin mamayang 4 o'clock?"

"Huh? Saan?" Tanong ko habang pinagpapatuloy ang ginagawa ko.

"Sa may Grishire Clubhouse. Engagement party nila Lex at Vanessa saka mag-gegender reveal na rin si Vanessa." Napatingin lang ako kay Aeron saglit saka nagbuntong-hininga.

"Ah hindi na. May pupuntahan din kase ako saka hindi naman ako invited." Sabi ko na lang. Birthday ni tatay ngayon noh. Mas importante yun kesa sa kanila.

"Actually, si Lex mismo nagsabi na kung gusto mo daw ay isama kita." Napatingin ulit ako kay Aeron. Seryoso ba siya? Hala! Nakakatuwa naman! Psh!

"Ay nako, wag na. Mas importante kase talaga yung pupuntahan ko."

"Okay. If you say so. Saan ka ba pupunta? Pwede naman kitang ihatid muna."

"Sa cemetery. Bibisitahin ko lang si tatay. Birthday niya ngayon."

"Oh okay. Hahatid na kita."

"Huy wag na! Alas-kwatro ang party, mamaya pang 4:30 ang out ko eh. Baka malate ka naman don."

"Okay basta mag-iingat ka at wag ka magpapagabi. Okay?" Tumango lang ako habang siya naman inaayos na yung gamit niya dahil 3:43 pm na. "I'll go ahead. Bye, take care Noreen." Pagkasabi niya noon ay hinalikan niya ang noo ko saka siya umalis at pinagpatuloy ang gawain ko. I'm used to it. Gawain niya yan bago kami maghiwalay lagi ng landas.

Sa loob ng 7 months na pagtatrabaho ko dito kasama si Aeron ay nasanay nako na sweet siya, mabait, maalalahanin at kung ano ano pa na lagi kong kinakatuwa. Aeron deserves someone na masusuklian lahat ng kabutihan at kasweetan niya, at hindi ako yun, obviously. Nung una hinahanap-hanap ko talaga ang presensya ni Alexander, pero tinanim ko na sa isip ko na ikakasal na siya at inaalala ko na lang yung mga masasakit niyang nagawa sakin, that way naiiwasan ko siyang isipin.

Ngayon naman, niyayaya niya ako sa pesteng engagement party nila ni Vanessa? Haler! Ano ako gaga para umattend sa party nila? Iisipin ko pa nga lang na ikakasal na yung taong mahal ko sa mahal niya eh, parang magkakasakit nako! Lakas ng loob niya!

•••

Mga 4:30 pm na nang makarating ako dito sa puntod ng pinakamamahal kong tatay. Tinirik ko na yung kandila at nilapag yung mga pinamili ko para sa kanya.

"Hi tay! Happy birthday tatay ko." Nilapag ko rin yung bulaklak na pinamili ko kanina bago pumunta dito saka nilapag yung binili kong pagkain sa fastfood.

"Tay, kamusta kayo jan? Ako po, eto may maganda nang trabaho. Kaya nga eto tay, binilhan ko po kayo ng fried chicken saka pinagbake ko rin po kayo kagabi ng brownies, hindi ko lang po nadala. Hehe!"

Naalala ko dati, birthday ni tatay yun tapos niyaya niya akong mag-fast food. Ako lang yung binilhan niya dahil nga kapos talaga siya noon. Pinautang lang siya ng katrabaho niya kase kaarawan naman daw niya. Habang masaya akong kumakain nung mga panahon na yon, nakatitig lang siya sakin at nakangiti. Inaalok ko siya pero tinanggihan niya lang ako. Masaya na daw siyang makitang busog ako.

Pinunasan ko yung luha ko. "Grabe tay, miss na miss na kita. Kung sana lang andito ka pa rin sa piling namin ni nanay, lagi tayong kakain sa fast food o kaya sa restaurant. Bibilhan ko kayo ng mga bagay na gusto niyo. Kaso kase tay, ang aga niyo naman pong namaalam. Kung kelan naman kayo ko ng ibigay ang mga pangangailangan niyo eh."

Loving You Mr. Pervert (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon