Chapter 23: Accident

930 13 1
                                    

Everleigh Noreen's PoV

Ilang days na rin ang lumipas mula nang umalis ako sa mansyon ng mga Chavez. Ibig sabihin, ilang days na rin magmula nang mawalan ako ng trabaho.

"Noreen, bakit hindi mo agad sinabi na nawalan kana pala ng trabaho? Hindi naman ako magagalit, may pagkakakitaan pa naman tayo." Tinutukoy ni nanay yung maliit niyang business. Naglakas-loob akong sabihin na natanggal ako sa trabaho. Nakakatuwa lang dahil hindi siya nagalit at naintindihan niya ako. Walang alam si nanay sa lahat ng nangyayari sakin, ang tanging alam niya lang ay natanggal ako sa trabaho.

"Nay, hahanap ako mamaya ng trabaho. Hindi pwedeng tumunganga lang ako." Saad ko habang nagtitipa sa laptop at gumagawa ng resumè.

"Wag mo namang pagurin ang sarili mo Noreen. Magkaroon ka din ng pahinga. Tignan mo yung mga mata mo, mugto na mula pa nung dumating ka dito. Wag mong problemahin masyado lahat, tutulungan naman kita." Niyakap ako ni nanay at nag-umpisa na namang tumulo ang mga luha ko. "Sana napatawad mo na ako sa mga nagawa ko sayo noon. Alam mo naman Noreen, tao lang din ako, nagmamahal."

Tinignan ko si nanay saka binalik yung yakap niya. "Wala na po yun sakin. Naiintindihan ko naman kayo, nay."

Napangiti siya sakin na siyang nagpagaan ng pakiramdam ko kahit papaano.

Maya-maya pa ay nagtungo na ako sa kusina para maglinis. Ayokong tumunganga lang dito. Mamaya aalis ako para maghanap ng trabaho. Baka kase hindi ako palarin sa mga inapplyan kong trabaho online. Bago ako matulog kagabi ay naghanap ako ng job online. Naghihintay na lang ako ng tawag pero need ko pa ring mag-apply mismo. Pagtapos kong maglinis ay naligo na ako at pumunta sa kwarto para magbihis.

"Noreen! May bisita ka, hindi si Aeron pero gwapo din!" Narinig kong sigaw ni nanay mula sa salas.

Sino naman yun? Hindi daw si Aeron pero gwapo? Alexander? Pero...Imposible namang pumunta yun dito.

"Nay, sabihin niyo wala ako." Ayoko munang magpaistorbo dahil aalis ako ngayon at maga-apply. Ayoko ma-okupa masyado ang utak ko.

"Noreen naman! Pinapasok ko na. Andito siya sa salas! Bilisan mo riyan."

Letse! Kung sino man yang istorbo na yan sana may good news siya sakin o kung anuman.

Nang makuntento na ako sa itsura ko ay napagpasyahan ko ng lumabas. Long sleeve na white at maiksing pencil skirt na black ang suot ko na pinartneran ko lang ng doll shoes. Medyo formal naman 'to at pwedeng pang-apply.

Paglabas ko ng kwarto ay nakita ko agad si Alexander na napatingin sa gawi ko habang umiinom ng juice na hinanda yata ni nanay. Nginitian niya ako. Pakiramdam ko tuloy parang walang nangyari noong isang araw sa mansyon nila. Bakit nga ba siya andito?

"Noreen..." Dire-diretso akong lumakad at nilagpasan siya. Hindi ako galit sa kanya pero sa ex niya? Siguro oo. Ang sasakit ng sinabi nila sakin.

"Nay, aalis po muna ako. Kayo nang bahala jan sa bisita na yan. Maghahanap pa ako ng trabaho." Nangunot yung noo ni nanay sa sinabi ko.

"Noreen naman, kawawa naman oh, kanina ka pa hinintay niyan. Teka nga, manliligaw mo ba yan?" Napatingin ako kay Alexander na nakangiti.

"Anong manlilig..."

"Opo. Ma'am, I'm Alexander Chavez po, humihingi po ako ng permisong ligawan ang anak niyong si Noreen." Nakayuko niyang saad kay nanay.

Loving You Mr. Pervert (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon