Chapter 57

736 7 0
                                    

Loving You Mr. Pervert

Written by Yours truly Psycho_Kween



Chapter 57

Sa pagkakaalam ko may dalawang espesyal na pangyayari sa buhay ng isang babae, at yun ay ang debut at ang kasal.

Nung nag-18 ako espesyal na araw yun para sakin dahil nakakasama ko pa ang pinakamamahal kong tatay kahit walang magarbong handaan.

At ngayon naman, dumating na ang isa pang pinakahihintay kong okasyon sa buhay ko. Tama kayo! Ngayon ay ang araw ng aming kasal.

"Ma'am eto na po yung wedding gown niyo."

Tinignan ko yung white wedding gown na hawak ng make-up artist na nag-ayos ng make-up at hairstyle ko.

Umbrella cut ito at may malaking ribbon sa likod at may naka-emboss na white lisianthus flowers sa harapan. Sa part naman ng dibdib ko hanggang bewang ay may naka-attached na pearls at diamonds na siyang nagpapakinang sa suot ko. Medyo mahaba at malapad rin ang edge niya sa likod na sumasayad hanggang sa sahig. Kasama ang veil nito na mahaba rin.

Kung ako lang naman ang papapiliin, mas okay pa sakin ang fitted gown lang kaso medyo sumisilip na kase si baby kaya hindi ako pinayagan ni grandma na pumili ng fitted. Actually si grandma rin ang pumili ng susuotin ko, sabi niya babagay daw ito sakin kaya wala na rin akong nagawa. Kung isang ordinaryong tao lang ang titingin sa mga nagastos sa wedding namin ay talaga namang malulula sa sobrang taas ng halaga ng nagastos. Wala naman akong magagawa dahil kagustuhan ito ni Alexander at ni grandma.

Tinulungan niya akong isuot yung gown saka ako humarap sa salamin.

"Ma'am Noreen, ang ganda niyo pong bride." Puri niya sakin habang nireretouch ako.

"Salamat." Sambit ko saka ngumiti.

Never kong pinangarap ito dahil sa estado ng buhay namin. Sobrang bait sakin ng Diyos at hinayaan niya ako na maranasan ang lahat ng ito.

"Waaaaah! Nors!"

Napalingon ako sa may pinto kung saan pumasok si Keisha. She's wearing a white tank-top and slitted gown. "Wow! Ang sexy naman ng bridesmaid ko." Puri ko sa kanya.

"Well! Well! Nagmana lang sa bride. You're so pretty talaga as always!" Nginitian ko siya habang maingat na sinusuot sakin ng isa pang babae yung flat sandals sa paa ko. I can't wear high-heels dahil buntis ako, at isa yun sa mga paalala ni Alexander.

"Nakakainggit ka naman Nors! Dapat ninang din ako ng magiging baby mo ah!" Pabiro niyang sabi.

"Oo naman Keisha. Saka wag ka ngang mainggit jan, ang ganda ganda mo kaya. For sure ang dami ring magkakandarapa sayo." Cheer-up ko sa kanya.

"Psh! Asa naman ako noh. Eh karamihan sa boys ngayon katawan lang ang habol. Oo nga mapapakinabangan nila ang katawan ko pero never naman akong magkakaanak tulad mo." Nakasimangot niyang sabi. Hinawakan ko yung balikat niya saka ngumiti.

"Maraming paraan Keisha. Saka hayaan mo, makakahanap karin ng tulad ni Alexander. Basta invited din ako sa kasal mo ah." Tumango lang siya at halata kong nagpipigil lang siya ng luha saka niya ako niyakap.

Sobrang ikli lang ng panahong pinagsamahan namin ni Keisha. Alam kong magkaiba kami pero wala namang masama doon as long as nagkakaintindihan kami sa maraming bagay. Kahit na puro kaharutan ang pinagkukwentuhan namin madalas ay okay lang sakin dahil alam ko namang maaasahan siya lagi.

Nakakatuwa ngang isipin dahil kahit di ako nagkaroon ng kaibigang babae ay anjan naman si Keisha na may puso ng sa katulad ko.

"Nak?" Napalingon kami at agad na napabitaw nang pumasok si nanay. "Ang ganda naman ng panganay ko." Puri sakin ni nanay saka ko siya binigyan ng mahigpit na yakap.

Loving You Mr. Pervert (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon